Chapter 25

120 10 0
                                    

Chapter 25:
Worried

Ely's POV

"Salamat nga pala sa pagbabantay sa kaniya ha, sinamahan pa kasi ako ni Glen para bumili ng mga prutas at gamot para kay Ely." mahina pero naririnig ko ng malinaw ang mga sinasabi ni Irene.

Nagising akong nakahiga sa kamang kulay puti at pakiramdam ko ang bigat ng ulo ko.

"That's nothing. I really miss her. Just call me whenever you need help, okay?" narinig kong sagot nung pamilyar na boses. Boses lalake. Hindi ko mabosesan pero parang pamilyar.

Nag-uusap sila sa labas habang ako ay nandito sa loob ng kwarto. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid para masuri kung nasaan ako, hindi ko kwarto 'to.

At iba rin ang amoy dito. Amoy betadine.

Sa bandang kanan ko may isang pintuan, CR siguro 'yon, sa bandang kaliwa ko naman ay mayroong mga upuan, upuan siguro para sa mga magbabantay o mga bibisita?

Naalala ko ang mga katarantaduhang nangyari kahapon, muli akong nakaramdam ng asar at pikon dahil sa bully na 'yon. Pero ni hindi ko man lang natandaan na nagkasugat pala ako sa ulo.

Basta pagkahawak ko sa bandang likod ng ulo ko, puro dugo na ang nakita ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at iniluwa nito si Irene na nakahawak ng basket at plastic na mukhang galing sa pharmacy at si Glen na kasalukuyang bitbit at hila-hila ang isang bulaklak, bulaklak na pampatay?! Anak ng ano yan?!

Napatingin ako sa kanilang dalawa at ganun na lamang ang gulat ko sa hawak ni Glen na bulaklak.

Get well soon, Ely. We will miss you.

Nakasulat dun sa bulaklak na pampatay.

"Oh, Ely, gising kana pala." ani Irene.

"Hoy mga punyeta kayo hindi pa 'ko patay, ba't may bulaklak na pampatay diyan. Mga walangya kayo." bungad ko sakanila ni Glen.

"Eh sabi kasi ng doktor maganda raw na may bulaklak dito para naman maaliwalas daw tingnan dito sa kwarto mo. Hindi mo ba nagustuhan? Ang cute kaya." nakangiwi pang sumagot itong si Irene saakin.

"Paano ako matutuwa eh pampatay yan. Kulang nalang ilibing niyo ako." napakunot ang noo ko sakanila.

Sa dinami-dami ng bulaklak, bakit yung pampatay pa talaga ang binili nila? 'Wag na kayong bumili ng bulaklak, ibigay niyo nalang sa'kin yung cash! Pang-shopee ko nalang.

Napakamot nalang si Glen sa naging reaksyon ko at hinila na niya palabas ang bulaklak na pampatay.

Mga siarulong 'to, bilhan ba naman ako ng ganoong bulaklak.

[PROCEED TO NEXT SCENE COS IM EXCITED]

Pol's POV

I'm inside the section A's classroom, Claire's classroom, when someone caught my attention.

It's Ely's friend.

It's Irene, her eyes are in tears and there's a blood in her uniform.

Kaagad pumasok sa isipan ko si Ely. Bumangon ako sa pagkakaupo ko at dali-daling pumunta patungo kay Irene.

"Hey, what's happening?" I asked her.

Mukhang hinahanap niya ako.

"S-si Ely k-kasi--" humihikbi pa siya at pinupunasan ang luha sa mga mata niya.

Napatingin ako sa mga nag-iingay, parang sa cafeteria yun.

Malapit din kasi itong classroom ng section A sa cafeteria kaya madali lang marinig ang ingay galing doon.

Te AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon