LAST PART
5 years ago, I left that place for me to be at peace.
Limang taon na ang nakararaan mula ng iwan niya kami.
Wala siyang ibang ginawa kundi mahalin ako kahit ako na mismo ang nagtataboy sa kaniya.
Kaya ngayon, babalik akong muli para bisitahin siya.
Bumaba ako sa sasakyan at dinama ang simoy ng hangin.
Pagkatapos ng napakahabang panahon ay muli akong nakatapak sa lugar kung saan unang beses kong nasilayan ang isang taong hindi ko inaasahang babago sakin ng sobra.
Pagkatapak ko sa kalsada ay muling pumasok sa aking isipan ang mga matatamis na ala-ala namin na kailanman ay hindi ko malilimutan.
Pumunta akong muli sa flower shop kung saan ako bumibili ng paborito niyang bulaklak, ganun parin ang itsura ng shop na 'to hindi nagbago, pagkatapos nun ay pumunta ako sa karinderya para bumili ng paborito niyang pansit, akalin mo buhay na buhay parin ang karinderyang ito hanggang ngayon.
Naisipan kong umuwi ulit dito sa probinsiya para bisitahin siya, sigurado akong nag-aantay siya ng mga pasalubong, simple lang naman siya, ayaw niya ng mga magagarbong surpresa, dahil ni minsan ay hindi niya naranasan ang masurpresa sa tanang buhay niya, kaya kahit sa mga maliliit na bagay masaya na siya.
Bumili ako ng isang pulang rosas at isang supot na pansit dahil alam kong ito ang paborito niya.
Sumakay na ako ng tricy para puntahan siya, maski ako ay sabik na sabik na rin na muli siyang bisitahin dahil ilang taon na din ang nakalipas simula nang huli ko siyang makita.
Nang makarating ako sa lugar kung saan ko siya bibisitahin, nakatayo lang ako sa gate, napapikit nalang ako ng mga mata habang inaalala ang mga nangyari at nagpakawala ng isang buntong hininga.
Mainit na sinag ng araw ang tumatama saakin kasabay nito ang malamig at preskong hangin na nanggagaling sa lugar kung saan ko siya bibisitahin.
Nang makapasok ako, inihanda ko na ang mga paglalatagan ng mga pasalubong ko, naglatag ako ng kumot dahil damuhan ang lugar na ito, pagkatapos kong maayos ang lugar, umupo ako sa tabi ng libingan niya.
Inilatag ko ang mga dala ko. Nakatingin lang ako sa lapida ni Pol habang inaalala ang mga nangyari.
"Mas masaya sana kung hanggang ngayon magkasama parin tayo, Pol." ngumiti ako sa kaniya.
"Alam mo ba, ikaw lagi ang hinihintay kong bumati sa'kin tuwing sasapit ang birthday ko. Sana balang araw magkrus ang landas nating dalawa. Miss na miss na kita. " umupo ako sa tabi ng libingan niya.
"Te Amo, Apollo." hinawakan ko ang picture sa kaniyang lapida.
Kung totoo man ang reincarnation, ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko sa susunod kong buhay. Mahal na mahal kita.
——-
The end.