Chapter 29

52 9 0
                                    

Chapter 29:
Recorded Tapes

Ely's POV

Suicide. Depression.

Suicide ang ikinamatay ni Pol dahil sa sobrang pagka-depressed niya nung gabing iyon.

Sa huling sandali niyang nabubuhay dito sa mundo hindi ko man lang siya nasamahan, mas pinairal ko pa ang pride at galit ko sa kaniya.

Hindi ko man lang nasagot yung huling tawag at text niya saakin.

Hindi ko man lang nasabi sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Hindi ko man lang nagawang humingi ng tawad sa kaniya.

He died alone because I was blinded by anger.

Namatay siya na hindi man lang nakapagpaalam saakin ng maayos.

"Dalhin mo 'ko sa kaniya." utos ko kay Mykee.

Katatapos ko lang humagulgol dahil sa mga nangyari. Namamaos ang boses, namamagang mga mata, wala sa sarili at hindi pa natatanggap ang mga nangyari. Ganiyan ko maihahalintulad ang sarili ko ngayon. Hindi parin matanggap at maisip ng diwa ko kung totoo ba ang lahat ng mga nangyayari ngayon.

Pumunta kami ni Mykee kung saan naroon si Pol.

Nang makarating kami sa ospital, parang hirap na sa paglakad ang mga paa ko, tila may pumipigil saakin o talagang hindi ko lang siya kayang makita. Iniisip ko parin kung totoo ba ang lahat ng ito.

Nasa third floor si Pol, ang mahal ko.

May isang babae at isang lalake ang nakaupo sa labas ng...
Ng morgue na sa tingin ko ay mga magulang niya.

Pagbukas ko ng pintuan bumungad saakin ang isang katawang nabalot ng puting kumot.

Napabuntong hininga ako at napangiti ng bahagya dahil sa wakas nakita ko na siyang muli.

Bawat hakbang ko papalapit sa kaniya ay parang dinudurog ang puso ko ng paulit-ulit. Habang palapit ako nang palapit ay pabigat nang pabigat na ang dibdib ko.

Pagbukas ko ng puting kumot ay dun na ako nag-umpisang maluha dahil nasa harap ko na ang malamig at walang buhay na katawan ni Pol.

"Pol, diba babalik pa tayo sa karinderyang kinakainan natin?" inaayos ko pa ang buhok ni Pol. "Diba sasamahan mo pa akong kumain dun?" sunud-sunod na ang mga luhang umaagos sa mga mata ko. "Pero paano natin 'yun magagawa kung nakahiga ka lang diyan." nanginginig ang boses ko.

"Pol, bakit mo 'ko iniwan? Masyado pang maaga para mawala ka sa'kin. Bakit hindi mo man lang sinabi saakin? Andaya mo naman eh." hindi ko na napigilan ang paghagulgol.

"Sorry kung hindi naging maganda yung huling pag-uusap natin." mas lalong bumuhos ang luha ko nang maalala ko kung pano ko pagsabihan ng masasakit na salita si Pol, "Patawarin mo ako, Pol."

"Hindi ko man lang nasagot yung tatlong huling tawag mo saakin. Hindi man lang kita nadamayan nung gabing hirap na hirap ka na. Hindi ko man lang narinig ang boses mo."

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi masyadong mapalakas ang pag-iyak ko. Patuloy parin akong umaasa na hindi 'to totoo. Patuloy parin akong nagdadasal na sana magising na ako sa masamang panaginip na ito.

Te AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon