Chapter 3

295 17 3
                                    

Chapter 3:
Dare to Curiosity

Ely's POV

Napakagandang umaga, huni ng mga ibon ang bumabasag sa katahimikan.

Ganyan sana ang nararamdaman at naririnig ko ngayon kung hindi nanaman nagsimulang bumunganga itong katabi kong babae na si Irene. Naman! Umagang umaga, boses nanaman niya ang nananaig sa buong classroom, may napag-usapan daw kasi sila ni Glen kahapon. Malay ko ba kung ano yon.

Kinekwento ni Irene saakin ang mga napag-usapan nila kahapon ni Glen pero lutang ang isip ko, palipad lipad lang. Fly high! Fly high!

"Ely, nasubukan mo na bang magka-crush?" malanding boses galing kay Irene.

Siyempre naman, ako pa ba?

"Huh? Ano bang klaseng tanong yan, umagang umaga eh. Oo naman syempre naranasan ko na." sagot ko naman.

"May napag-usapan kasi kami ni Glen kahapon, na kung sino ang huling magkakaroon ng jowa saating tatlo, yun ang bibili ng mga gamit na gusto namin. To be more specific, yung mga mamahling gamit." aniya.

"Oh, eh, bat pati ako nadamay diyan?" sagot ko.

"Wala lang, dapat kasama ka para mas masaya!" malawak ang ngisi niya habang nakatingin sakin.

"Naku, wala akong kainte-interes diyan"

"Sige naaaaaa."

"Ayoko!"

"Sigee naaaaa"

"Ayoko nga!"

"Sige naaaa"

"Ayoko nga! Ang kulit!"

"Kahit na siya" turo niya dun sa isang lalaki na kaklase namin.

"Ayoko--"

Nag puppy eyes pa si Irene.

"Ayokong tumanggi!" buong galak kong sagot.

Hindi pa man din nakakapag-react si Irene dahil pumayag ako sa sinasabi niya ay bigla ng dumating si Ms. Anne Lee Rais. Oo nga pala, magklaklase na kami ngayon. Aysh kung kelan mag-uumpisa na ang klase tsaka pa lumulutang ang isip ko.

Lumipas ang dalawang oras na klase namin ay tumunog na ang bell, hudyat na break time na.

Sinama ako ni Irene at Glen sa cafeteria kung saan kami kaain ng recess.

"Mga chararat, eto na ang challenge." naglalakad si Irene papunta saamin at mukhang excited na siyang umupo sa lamesa namin habang hawak ang mga kakainin, tig-iisa namin.

"Ang dare ay ang huling magkaka-boyfriend saatin ang siyang manlilibre ng madaming madami." bulong saakin ni Glen na mukhang napilitan lang din.

"Ang dare is ganito, ako ang pipili ng lalaking kailangan mong maging boyfriend, at pipili ako ng nakapikit ang mata." nakangiting tumingin saakin si Irene.

Te AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon