Chapter 23:
Mykee what?Ely's POV
"Who the ef is that? Nakuha pa talaga niyang mag-hi saatin eh nakita niyang may umiiyak." pabulong pero may kasamang asar ang boses ni Irene.
"Baka may gusto lang i-chismis." dagdag naman ni Glen.
Nandito kaming tatlo sa mesa, magkakaharap kaming tatlo, magkatabi si Glen at Irene samantalang ako naman ay nasa tapat nila.
Bale sila ang nakaharap at nakakakita dun sa lalakeng nasa likod ko, ako naman, nakatalikod at walang balak lumingon.
Hindi ko naman ugaling mang-snob pero wala talaga akong gana ngayon, wala akong tiwala sa lahat maliban nalang dito sa dalawa kong kaibigan.
Tumayo ako at nagpanggap na masakit ang tiyan.
"Mga tol, CR lang ako ha. Masakit 'tong tiyan ko, nakakain yata ako ng panis na gatas." pagrarason ko.
"Huy sama kami." ani Irene at parang nagmamakaawa pa ang boses.
Tumango na lang ako at nagsimula ng maglakad papunta sa CR.
Tama nga lang pala na nagpunta kami dito sa CR kasi pucha kanina pa gustong pumutok ng pantog ko ihing-ihi na 'ko!
"Oh my!! Ely ano ba yang ihi mo, tunog waterfalls pero in fairness mabango siya." hindi ko alam kung compliment ba 'yon o nang-aasar nanaman ba si Irene.
Gusto mo ipainom ko sayo 'tong tubig dito sa bowl?
Tsaka anong mabango ang pinagsasasabi neto? Anlakas ng pang-amoy ah.
"Heh! Wag kang maingay hindi ako makapag-concentrate." sagot ko.
"Sino nga pala yung lalake kanina? Parang ngayon ko lang siya nakita." pagsisingit ni Glen sa usapan.
"Same here. Baka galing lang yun sa ibang school at bumisita dito." sagot naman ni Irene.
"Basta hindi ako mamamansin ng kahit sino ngayon, kayong dalawa nalang ang meron ako." sabat ko.
"Awwww kinikilig yung ihi ko ngayon dahil sayo Ely huhuhu." kahit kailan talaga napakalandi nitong Irene na 'to.
Wtf?! May ihi bang kinikilig?
[INSIDE THE CLASSROOM]
Malapit ng magsimula ang klase namin, malapit ng mag ala una.
Nandito kami ngayon sa loob ng classroom namin.
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, parang may gusto akong makita, parang may gusto akong makausap.
Ayoko na siyang isipin, ayoko na siyang makita, ayoko na siyang maamoy, ayoko na siyang mahawakan, yan ang sabi ng isip ko. Pero hinahanap-hanap siya ng puso ko.
Ano bang nangyayari sa'kin?
Aaminin ko may parte saakin na nagsasabing nami-miss ko na si Pol. May parte saakin na nagsasabing mahal ko pa siya.
Hindi naman ganun kadaling kalimutan ang taong nagbigay sayo ng saya at pagmamahal diba? Hindi madaling itapon nalang basta-basta ang mga ala-ala lalo na kung isip at puso mo ang nakakaalala nito. Mahirap.
Napatingin ako sa bandang kanan ko, sa upuan ni Pol, walang tao roon. Absent siya? Bakit?
Dumating si Glen galing sa labas, hingal na hingal pero mukhang fresh parin, anyari dito?