Chapter 2:
New FriendsEly's POV
"So bakit nga? Bakit dito mo naisipan na lumipat? First time mo ba dito?" kanina pa tanong ng tanong itong babaeng nasa tabi ko, si Irene. Nasa kalagitnaan kami ng klase pero hindi maitikom ang bibig nitong babaeng 'to, baka mahuli pa kami ni Ms. Anne Lee Rais at baka mapalabas pa kami pag nagkataon.
"Lumipat ako sa school na 'to kasi gusto ko lang, at dahil gusto kong tumira sa probinsiya." pagsisinungaling na sagot ko sa kaniya dahil ang totoong dahilan kung bakit ako lumipat ay dahil gusto daw nila Mama at Papa na magbago na ako sa mga kalokohan ko dati sa Manila, baka daw sakaling magbago ang ugali ko pag dito ako kina Lola tumira.
"Ahhh, so first time mo nga?" ulit nanaman niyang tanong. Ang kulit ah!
"Hindi ko first time dito, dinadala ako nila Mama dito nung bata ako pag nagbabakasyon sila." walang gana kong sagot.
Mukhang hindi parin talaga nakakaramdam 'tong babae na 'to. Ayaw ko munang makipag-usap at makipag chikahan dahil kakapasok ko lang kanina at kanina lang din siya nakipagkilala saakin.
"Ahh, pwede bang makipagfriend sayo? Mabait ako promise..." nakataas pa ang kanang kamay niya habang nakangiti saakin "... wala akong bisyo, mabait ako talaga! Simula ngayon friend na tay---" hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Irene nang bigla siyang tawagin ni Ms. Anne para sa recitation.
Ayan na nga ba ang sinasabi ko, masyado kasing madaldal.
Tumayo ito na parang natatakot pa dahil mukhang seryoso ang itsura ni Ms. Anne.
"Ms. Buenavista! You're not paying attention in my discussion! Stand up and answer my question!" seryosong boses ni Ma'am na nagpatahimik sa aming lahat na nasa loob ng silid.
"1+1?" Biglang tanong niya.
Luh seryoso ka diyan Ma'am? Nagdrodroga ka ba? Grade 10 students na kami tas ganiyan yung mga tanungan mo? Ayos ah!
"Huh?" nagtataka at walang kamalay malay na nag-iisip si Irene habang naglo-loading sa isip niya kung seryoso nga ba talaga ang tanong ng guro.
"Biro lang Ms. Buenavista! Bukas pa mag-uumpisa ang seryosong klase natin, hindi ka lang nakikinig sakin dahil may sinasabi akong mga schedule niyong mga estudyante dito sa school." Nakangiti nanaman si Ms. Anne. Ayos ah! nakadroga ba talaga tong teacher na 'to? Kanina pa siya ganyan.
-----
Natapos na ang dalawang oras naming subject sana kung may dumating na teacher, isa lang ang ibig sabihin nun, break time na!
Nag-ring ang bell na hudyat para sa break time. Nagsilabasan na ang nga estudyante. Pati si Irene lumabas na, hindi naman ako pupunta sa cafeteria dahil hindi naman ako nagugutom. Kaya naiwan nalang ako sa loob ng classroom.
Habang nasa loob ako ng classroom, nilibot libot ko ang aking paningin sa loob, maayos naman ang itsura ng classroom namin gaya ng mga ordinaryong silid. May mga mesa at upuan para sa mga estudyante, ang blackboard naman ay kulay green, nagtataka din ba kayo kung bakit green ang blackboard? By the way, habang nililibot ko ang paningin ko sa loob ng apat na sulok ng silid na ito, nakita ko ulit ang lalaking napansin ko kanina na parang walang pakialam sa mundo.
