Chapter 30

45 9 0
                                    

Chapter 30:
'Till We Meet Again

Play the song called "Dating Tayo by TJ Monterde" while reading this part. Kung ayaw mo, hindi pwede yon. Ipatugtog mo ngayon na!

Ely's POV

Isang linggo na ang nakararaan mula nang iwan ako ng mahal ko.

Hindi ako lumabas ng bahay, hindi ako nakipag-usap sa kahit kanino.

Ni minsan ay hindi ko siya nagawang silipin dahil mahirap para saakin ang makita siyang nakahiga sa puting kabaong na walang buhay.

Masiyado pang sariwa ang sugat na binigay niya saakin.

Kahit anong gawin ko, siya ang naaalala ko. Kahit saan ako tumingin, siya ang laman ng isip ko. Gabi-gabi kong pinagdarasal na sana kung nasaan man siya, sana ay masaya siya.

"Nangako ka sa'kin na hindi mo na ako ulit iiwan, Pol. Pero anong nangyari? Ang sakit mong mahalin." bulong ko habang nakatulala sa kung saan.

"Ely?" pumasok si Irene sa kwarto ko kasama sina Glen at Mykee.

Tumingin ako sa kanila. "Bakit?" walang gana kong sagot.

"Ngayon na yung araw ng libing ni Pol, hindi mo man lang ba siya titingnan? Hindi ka man lang ba magpapaalam sa kaniya?" malumanay na tanong saakin ni Irene na siya nanamang nagpabigat sa dibdib ko.

Hindi ko kayang marinig yung mga salitang iyon, hindi ko kayang marinig na siya yung ililibing. Masakit para saakin. Hindi ko kaya.

Umiling-iling ako sa kanila habang nakatulala parin.

"Ely, sigurado akong hindi matutuwa si Pol 'pag nalaman niyang nagkakaganito ka. Ayaw niyang makitang umiiyak ka." ani Mykee.

"Hindi ko kaya." saad ko at nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ako.

Malinaw na malinaw pa sa isipan ko yung mga ala-ala naming dalawa, kung paano niya sabihin saakin na mahal niya ako, kung paano siya gumawa ng paraan para mapangiti ako, yung mga pangakong iniwan niya saakin, lahat yun malinaw pa saakin. Hindi ko pa yata kayang magpaalam sa kaniya sa ganitong paraan. Masiyadong masakit.

Yung mundong ginawa naming makulay biglang gumuho nung mawala siya.

Hindi parin ako makapaniwala na wala na si Pol, wala na siya sa buhay ko, wala na siya sa mundong ginagalawan ko.

Gusto ko nang gumising sa malungkot na panaginip na ito.

"Ely.." magsasalita palang sana si Irene pero agad kong pinutol iyon.

"Hindi siya patay! Wala akong pupuntahang libing! Wala akong pupuntahang patay! Hindi pa patay si Pol, alam kong hindi ito totoo. Maniwala kayo saakin, isang araw dadating si Pol sa tabi ko at sasabihin niya saakin kung gaano niya ako kamahal." muli nanamang tumulo ang mga luha ko.

Hinawakan ni Irene ang balikat ko at niyugyog ako. "Wala na siya Ely! Patay na si Pol! Ililibing na siya mamaya. Alam kong ikaw nalang ang hinihintay niyang pumunta dun. 'Wag ka namang magpaka-selfish!"

"Rene, tama na. 'Wag na natin siyang pilitin." pag-aawat ni Glen.

"Iwan niyo na 'ko. Gusto kong mapag-isa." utos ko sa kanila.

Te AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon