Chapter 15:
"I Love You"Ely's POV
Malamig na hangin, madilim na gabi, at maamong huni ng alon sa dagat.
Pagkatapos ng maghapong paglilibot sa plaza kanina ay sa wakas nandito na kami sa lugar kung saan mag-ce-celebrate si Irene ng birthday niya.
Hinatid kami ng driver nila Irene kanina dito sa isang resort na pina-reserve daw niya sa mommy at daddy niya.
Madami namang tao kaninang pagpasok namin sa entrance, may mga nag-vivideoke pa nga kanina, kaya lang may kalayuan itong pina-reserve ni Irene na cottage namin para daw hindi ganoon kaingay at kami-kami lang daw para mas masaya.
May videoke din kami dito sa cottage, na kasalukuyang ginagamit nila Irene at Glen sa pagkanta, mediyo masakit sa tenga pero sige dahil birthday niya pagbigyan, habang si Pol naman ay inaayos ang mga binili namin kanina sa plaza.
Akala ko kanina kaming apat lang ang gagamit dito sa cottage na 'to, eh nuknukan pa naman din ng laki. Napakalawak.
Hula ko siguro kasiya dito ang sampu o mas madami pang tao.
"Tayo lang ang gagamit dito?" tanong ko kay Irene na busy sa videoke.
Mukhang hindi niya ako narinig dahil busy sila ni Glen sa kalokohan nila.
Lumapit ako sa kanila.
"Tayo lang ba ang gagamit dito sa cottage na 'to? Anlaki ha." pag-uulit ko sa sinabi ko kanina.
"No, pupunta din yung mga classmates natin mamaya, sabi ko kasi susunugin ko mga bahay nila pag hindi sila pumunta, remember noon nung naglaro tayo sa classroom?" sagot niya.
Tumango-tango na lamang ako.
Naisipan kong tulungan na si Pol sa ginagawa niya dahil mukhang pagod na siya.
"Tulungan na kita diyan." pag-uumpisa ko.
"Uh, kahit hindi na, it's almost finished." binuhat niyang muli ang karton na naglalaman ng mga chichiriya.
"Hindi, tutulungan na kita." kukunin ko na sana ang buhat-buhat niyang karton ay bigla itong ngumiti saakin at tumingin sa aking mga mata.
Nagkatitigan kami ng ilang minuto.
Muli kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko pati na rin ang pag-init ng mga pisngi ko.
"Anong nangyayari dito, naku ah, kayo talaga, nalingat lang ako saglit may bebe time na kayo agad diyan." biglang asar saamin ni Irene.
Binitawan ko ang pagkakahawak sa karton at pumunta nalang kay Glen na namimili ng mga kanta sa song book.
Kinilig ako dun kanina, slight lang hehe.
Bakit ba nakakaramdam nanaman ako ng kilig na yan.
Bigla kong naalala ang nabasa kong tweet kanina sa twitter na kapag daw ang isang tao ay gusto ang nakita, lalaki daw ang itim ng mga mata nito.
Nakita ko kanina habang nakatingin siya sa mga mata ko, yun ang nakita ko.
Naks, gusto din kaya niya ako?
Tama na ang ilusyon Ely.
Pagkatapos ng ilang minutong pakikipagkulitan kay Glen ay nandito ako ngayon sa labas ng cottage mag-isa at nagmumuni muni.
Habang nakikipag-usap ako sa sarili ko ay dumating na pala ang mga classmates namin.
Malayo palang ay malalaman mo ng sila yung mga yun dahil sa ingay nila. Kahit saan talaga napakaingay nitong mga 'to.
"Ang ganda naman dito, parang gusto ko na tuloy tumira."
"Gago di ka bagay dito, dapat dun ka sa dagat, mukha kang shokoy."
"Ibaon kaya kita dito ngayon sa ilalim ng buhangin."
Rinig kong nagsasagutan ang mga sutil kong kaklase.
Ang mga kaklase naman naming mga babae ay dumeretso agad kina Irene.
Habang nakaupo sa labas ng cottage ay may lalaking papalapit saakin at tumabi sa pagkakaupo ko. Hindi ko ito namukhaan kagaad dahil madilim ang paligid.
"Hey, bakit mag-isa ka lang dito?" boses ni Pol, isinuot niya saakin ang jacket niya.
"Wala lang, gusto ko lang dito, malamig at tahimik. Salamat dito ah." sabay turo ko sa jacket na isinuot niya saakin.
"No prob." tumango siya.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko rin pabalik.
"Maybe because I saw you here, and gusto kitang samahan." naramdaman kong inakbayan niya ako.
Totoo ba 'to?!
Hindi ko alam pero hindi ako kumawala sa pagkakaakbay niya saakin at tila gusto ko rin ito nangyayari ngayon.
Nakaramdam ako ng antok kaya sumandal ako sa balikat niya.
Ilang minuto din kaming nasa labas.
Mga alon sa dagat ang bumabasag sa katahimikang bumabalot saamin.
Nagpanggap akong tulog para hindi ako makaalis sa balikat niya. Galing ko diba?
Tinapik niya ako pero hindi ako gumawa ng kahit anong tunog at galaw.
Akala niya yata tulog na talaga ako.
Hindi nagtagal ay nagsalita siya sa tabi ko.
"You know what Ely, you really did change me..." malambing na pag-uumpisa niya "...because of you I did everything to be better. Ikaw nga yung laging laman ng isip ko eh..." natawa siya ng konti "... I can't explain that feeling when I saw your smile, it makes my heart beat fast, make my face blush, and wanted to scream and punch all of my pillows. And I really want to tell this to you but I don't have the guts to say it, at dahil tulog ka naman siguro ito na yung tamang pagkakataon, hindi mo man siguro matatandaan 'to paggising mo pero sana marinig mo 'to sa panaginip mo. I love you, Ely."
"I love you too." pabulong na sagot ko.
-----
End of Chapter 15.
Thank you for reading! ❤