Chapter 4:
Unexpectedly unexpectedEly's POV
Shit! Bwakanang bitch! Pisting yawa! Bobo! Tanga tanga! Inutil! Tarantado! Sinto sinto! Baso kutsara tinidor pinggan kaldero aso pusa kambing baboy kalabaw kabayo! Bwisit na yan wala na akong maisip na mura.
Pano ba naman kasi, hindi man lang ako sinabihan ng mga kaklase ko na si Ms. Anne Lee Rais na pala yung nasa harapan ko kanina.
Edi ang ending, andito ako ngayon sa labas ng classroom. Nakatayo ako pero nakataas ang isa kong paa, oh diba parang kalapati lang. Nakataas din ang dalawa kong kamay pa-side habang may pabigat itong dalawang libro. Hay nako, kung hindi dahil sa paper chismisan namin ni Irene kanina malamang sa malamang nasa loob parin ako ngayon ng classroom.
Mag-iisang oras na akong nandito sa labas ng classroom. Nakakabagot. Kaya ang ginawa ko, kinuha ko ang cellphone ko at isinaksak ang earphones, sabay lagay sa tenga. Boom! You got me feeling like a psycho psycho! Solid ReVeluv yata 'to.
Kesa naman sa mabagot ako dito at nakatulala lang, mas minabuti ko nalang magpatugtog para naman kahit papano ay hindi boring.
Masyado yata akong nadala sa pinapatugtog ko at hindi ko namalayan na sumasayaw na pala ako.
Kahit may suot ako earphone ay medyo naririnig ko parin ang mga tunog sa paligid.
Nakapikit pa ako habang sumasayaw at dinadama ang kanta nang mapansin kong may mga nagtatawanan sa harapan ko.
Mga walangya, yung mga siraulo kong kaklase nanaman. Ganda ng pasayaw ko dito eh!
Muli akong bumalik sa reyalidad, pinatay ko ang tugtog, inilagay ko sa bulsa ko ang cellphone at earphones ko and act like nothing happened.
"Mukhang may saltik siya tol"
"Parang ewan nga eh"
"Sigurado ba kayong gatas ang pinadede sa kaniya nung bata siya hindi tubig ng kanal?"
Sunod sunod kong narinig mula sa loob ng classroom. Aba mga siraulo, anong tingin niyo saken? Sanggol na nag-swimming sa imburnal?!
Lalapitan ko na sana ang mga ulupong nang biglang may humawak at humila sa braso ko.
Waw! Sino kaya 'tong humawak sa braso ko. Ganito yung mga napapanood ko sa mga movies eh. Yung magsisimula sa hawakan ng braso hanggang sa tatanungin niya yung pangalan ko, sunod yung number ko, tapos magiging ka-text mate ko siya, tapos sasabihin niya na mahal niya ako, at sa huli iiwan din niya ako.
Masyado kang ilusyonada Ely!
Ay sorry sorry.
Ibinalingin ko ang paningin ko sa kung sinong poncho pilato ang humawak sa braso ko, pinipigilan mo pa akong gantihan yung mga ulupong na yun ah.
Pag harap ko, nabitawan ko ang mga librong hawak ko at natumba kami pareho. Napasubsob ako sa kaniya. Owshit ulit. Nakapatong ako sa kaniya ngayon at nararamdaman ko ang kaniyang....... yung ano.... yung ano nga.... basta yung ano medyo matigas.... yung sinturon!