Mga tol, ganto itsura ni Claire sa isip ko pero kung hindi niyo ma-imagine, ayos lang, mag-isip nalang kayo ng ibang itsura hahaha.
Chapter 21:
GuiltyClaire's Side
Bata palang si Claire ay hindi na niya napapakitunguhan ang kaniyang mga magulang ng maayos dahil lagi silang wala tuwing kailangan niya ang mga ito. Laging nasa ibang bansa, laging nasa trabaho, laging nasa ospital.
Tuwing may event sa school, siya lang ang laging walang kasamang magulang. Tuwing sasapit ang kaniyang mga kaarawan, tanging mga materyal na regalo lamang ang kaniyang natatanggap. Ngunit hindi iyon ang gusto niya, gusto niya lamang na makasama ang kaniyang mga magulang dahil para sa kaniya mas kailangan niya ang atensiyon ng kaniyang mga magulang kaysa sa mga gamit na hindi naman niya napapakinabangan.
May nakababata siyang kapatid ngunit may sakit ito sa puso.
Simula ng dumating sa buhay niya ang nakababata niyang kapatid ay lahat ng atensiyon ng kaniyang magulang ay nawala sa kaniya. Laging nakatuon ang atensiyon ng kaniyang mga magulang sa kapatid niyang may sakit.
Kailangang magtrabaho ng mga magulang ni Claire para may panggastos sa kanilang bahay, at pambili ng mga gamot ng kapatid.
Isang araw ay lumapit sa kaniya ang nakababata niyang kapatid "Ate, laro tayo pag magaling na ako ah" nakangiting sambit ng kaniyang kapatid.
Galit si Claire sa kaniyang nakababatang kapatid dahil pakiramdam niya ay inagaw nito ang mga bagay na dapat para sa kaniya, dahil sa kaniya ay nawala lahat ng atensiyon na nakukuha niya mula sa kanilang magulang. Dahil sa kaniya, lagi nalang siyang nag-iisa at walang mapagkwentuhan sa mga nangyari sa kaniya sa kanilang eskwelahan.
Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ng lubos na pagkainis si Claire nang sabihin ito ng kaniyang kapatid. Sumagot ito ng pabulyaw "Hindi tayo maglalaro dahil wala namang gamot diyan sa sakit mo, hindi ka na gagaling. Sana hindi ka nalang nabuhay! Dahil sayo naghihirap sina Mama at Papa ngayon." sagot ni Claire sa batang kapatid na ang gusto lang naman ay makipaglaro.
Nawala ang ngiti ng kaniyang kapatid dahil sa isinagot nito.
Nagsisi si Claire dahil sa isinagot sa kaniyang kapatid dahil masyado itong naging marahas at masyado niyang nasaktan ang damdamin ng kapatid.
Kahit nagsisisi ay hindi parin niya magawang humingi ng tawad sa kaniyang kapatid. Padabog itong pumasok sa kaniyang kwarto.
Isang linggo ang nakalipas, itinakbo sa ospital ang nakababata niyang kapatid dahil hindi na maayos ang paghinga nito. Sinisisi ni Claire ang sarili kung bakit naospital ang kaniyang kapatid.
Bumalik sa kaniyang ala-ala ang araw na sinabihan niya ang kapatid ng mga masasakit na salita na nagpasakit ng kaniyang damdamin.
Kung hindi ko sana siya sinungitan, hindi sana siya mapupunta sa ospital. Patawarin mo ako Peachy. Hindi sinasadiya ni ate yung mga nasabi niya sayo.
Bumalik ang mga magulang ni Claire mula sa ospital. Bagsak ang kanilang balikat at namamaga ang mga mata dahil sa iyak.
Lumapit si Claire sa kaniyang Mama "Ma, sorry." malakas na sampal ang natanggap niya mula sa kaniyang ina.
"Dahil sayo! Dahil sayo wala ang kapatid mo!" muling bumuhos ang luha ng kaniyang ina dahil sa sinabi.
Gumuho ang mundo ni Claire dahil sa narinig mula sa kaniyang ina. May kung anong dahan-dahang nababasag sa kaniyang dibdib na nagpapasakit ng kaniyang damdamin.
"Hindi ka nalang sana namin naging anak! Wala kang kwenta! Imbes na ikaw ang tumulong sa kapatid mo para hindi siya makaramdam ng kahit anong sakit, ikaw pa nagbigay sa kaniya ng dahilan para mamatay!" galit na tono mula sa kaniyang ina.
Bata lamang si Claire nang marinig niya ang mga salitang iyon mula sa kaniyang ina. Masiyado iyong naging traumatic para sa kaniya. Ang masabihan ng mga ganoong salita galing sa kaniyang magulang ay hindi biro.
Simula nung araw na iyon ay hindi na niya muli pang nakausap ang mga magulang ng maayos.
-----
Highschool si Claire ng makilala niya ang lalaking sa hindi malamang dahilan ay nakitaan niya ng pagkakapareho sa kanilang karanasan.
Habang tumatagal, lalong lumalalim ang nararamdaman niya para kay Apollo.
Nakita ni Claire ang pagkakapareho nila ni Apollo, may magulang pero hindi nararamdaman.
Nung mga panahon iyon ay masayahin pa si Apollo, palakaibigan, at masigla.
Hindi nagtagal ay naging magkasintahan ang dalawa. Ibinigay nila ang tiwala nila sa isa't-isa tanda ng kanilang matapat na pag-iibigan.
Nalaman ng magulang ni Claire. Sinabihan nila itong "Kung gusto mong maging proud kami sayo, kailangan mong maging asawa si Apollo para maiahon tayo sa hirap." wala na nga palang ipong pera sina Claire mula ng mamatay ang kaniyang kapatid.
Napaisip si Claire kung gagawin niya ba ito o hindi. Dahil kung gagawin niya ito, magmumukhang pera lang ang habol niya kay Pol at hindi na ito pagmamahal. Ngunit gusto rin niyang maging proud at maibalik ang dating pakikitungo ng kaniyang magulang sa kaniya.
Mas pinili niyang huwag sundin ang magulang, oo mahal na mahal niya si Pol nhunit hindi ito ganun kadesperada para humingi ng maraming pera para lang maiahon sila sa hirap.
Para kay Claire, kung mahal mo yung tao mahalin mo lang, huwag mong aabusaduhin.
Ngunit isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon, naramdaman ni Claire na nagkakagusto na siya sa ibang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Palihim niyang pinagsabay ang dalawang lalaki sa kaniyang buhay. Hindi rin nagtagal ay nawala rin ang nararamdaman niya sa pangalawang lalaki.
Nakapagdesisiyon na itong makipaghiwalay, gagawin niya itong payapa at walang ibang nakakaalam kundi silang dalawa lamang, nung araw na gagawin na niya ang bagay na iyon ay humingi ng isang huling halik ang lalaki sa kaniya
Hindi makatanggi si Claire sa sinabi ng lalaki at pumayag ito.
Pagkatapos makahingi ng halik ang lalaki mula sa kaniya ay sakto namang nakita sila ni Pol.
Malakas na suntok ang ibinigay ni Pol sa lalaking humingi ng halik mula sa babaeng mahal niya.
Lubos na nasaktan si Pol dahil sa mga nakita. Naramdaman niya ang pagtratraydor mula pa sa babaeng pinagkatiwalaan niya.
Iyon ang naging dahilan kung bakit sila naghiwalay at kung bakit nagbago ng lubos si Pol.
Simula ng iniwan ni Pol si Claire ay hindi na ito muli pang nakikipag-usap sa mga tao, nag-iba ang buong pagkatao niya, laging niyang iniisip na sa tuwing may gustong makipagkaibigan sa kaniya ay tratraydorin kang siya sa huli.
-----
Isang araw ay nalaman ni Claire na mayroon ng bagong babae sa buhay ni Pol. Nasaktan siya dahil hindi niya matanggap na wala ng nararamdaman si Pol para sa kaniya.
Dahil sa galit ay ginawa ni Claire ang bagay na dapat hindi niya ginawa. Bagay na pagsisisihan niya.
Hindi niya naman talaga dapat iyon gagawin ngunit pinangunahan siya ng galit.
Pagkatapos niyang gawin ang bagay na iyon ay natauhan siya't nagsisi sa huli.
Gusto niyang humingi ng tawad ngunit mas kinampihan parin niya ang galit at puot.
May parte sa kaniyang nagsisisi dahil sa maling ginawa at meron rin sa kaniyang parte ang nagsasabing tama ang kaniyang ginawa upang makaganti siya.
-----
End of Chapter 21.
Thank you for reading!❤