Chapter 8:
Nice to meet youEly's POV
"Are you okay?" tanong ni Pol saakin.
Seryoso ba 'tong mga nangyayari sakin ngayon?
Teka baka nananaginip lang ako. Pakisampal nga ako, yung malakas na malakas with feelings.
Hindi parin talaga ako makapaniwala, seryoso.
Andaming mga tanong sa isip ko ang gusto kong mabigyan ng mga kasagutan pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin, pano ko nga ba sasabihin?
Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Nakatitig lang ako sa kaniya. Lutang nanaman ang isip ko.
Malakas na palakpak ang narinig ko sa magkabilang tenga ko na siyang nagpabalik saakin sa reyalidad.
Si Pol, na kasalukuyang nakangiti nanaman ng maliit. Sparkling little smile naman ngayon ang bet niya.
Ano bang trip nito? Ka-vibes mo sina Ms. Anne. Pramis.
"Hey, what's on your mind?" pag-uulit nitong tanong saakin, natatawa nanaman ang itsura niya.
"Hatdog" hindi ko alam kung bakit yan ang nasabi ko. Yawa seryoso ka diyan Ely?
Muli nanaman itong natawa saakin.
"Hindi! Wala, ang ibig kong sabihin, salamat pala kanina ha." sagot ko ulit.
Ano bang meron sakin at ganito yung mga pinagsasasabi ko.
Walang anu-ano ay nagpatuloy na kami sa paglalakad dito sa eskinita kung saan kami nakarating kanina.
Hindi na gaanong umuulan, pero madilim parin ang kalangitan.
Basang basa ang mga damit at katawan namin.
Basa ang kalsadang nilalakaran namin.
Nagsibukasan na rin ang mga street light sa nilalakaran namin ngayon.
Naglabasan ng muli ang mga kalesa. May mga kalesa pala dito? Hindi ko napansin yun kanina ah.
Malapit ng sumilip ang kadiliman pero kasama ko parin si Apollo sa paglalakad.
Teka nga muna, ano nga ba ang dapat ang itawag ko sa kaniya, Apollo o Pol? Comment down below nga kayo! Hahaha.
Muli akong napaisip sa gapiranggot kong utak, hindi talaga ako makapaniwala. Bakit nagagawa niya akong kausapin dito ngayon, samantalang pag nasa school naman kami wala talagang kibo 'tong lalaking nasa tabi ko, hindi nagsasalita, laging nag-iisa, at mukha talagang hindi sanay sa maraming tao.
Sinadya kong huminto sa paglalakad, wala lang gusto ko lang magpapansin kay Apollo my loves. Bakit ba!
Napansin yata niyang huminto ako, kaya huminto din siya at lumapit saakin.
"Bakit? May masakit ba sayo?" malambing na boses niya ang sumalubong saakin.
Hoy! Bakit ganiyan ka sakin. Parang nakikitang kong ang sweet ng mga ginagawa niya sakin ngayon. Hindi naman kasi talaga siya ganito umasta pag nasa school kami.
Tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita, tinitigan ko siya sa mga mata hanggang sa mailang siya sakin.
At vuwala! Hindi nga ako nagkamali, tagumpay! Tingin dito, tingin doon, tingin sa baba, tingin sa taas, tingin sa likod. Parang bata na first time makakita ng tao itong si Pol, napansin ko ding namula ang mga tenga niya. Maputi nga naman pala kasi siya kaya madaling mahalata kung namumula siya o hindi.