Chapter 24

110 10 1
                                    

Chapter 24:
Trash Bin

Ely's POV

Hindi parin mawala sa isip ko yung full name ng bago naming kaklase.

Mykee ano?

Halatang napagplanuhang maigi ang pangalan niya.

Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng classroom namin.

Itong Mykee na 'to, nakaupo siya ngayon sa tabi ko, kung saan dating nakaupo si Pol.

Nasaan na nga pala yun? Bakit hindi na siya pumapasok?

Bakit ko ba yun iniisip?

"Hoy, Ely, alam mo ba kahapon, nung nasa bahay ako, umihi ako tapos yung amoy ng ihi ko kasing amoy nung ihi mo noon sa CR." biglang sumulpot sa kung saan itong si Irene. Pati ba naman amoy ng ihi niya kailangan updated ako? "Does it mean that we are meant to be?" kumindat-kindat pa ang mga mata niya.

Tumigil ka, nanggigigil ako sa buong kaluluwa mo.

Bangasan ko kaya mukha nito.

Napatingin ako sa kaniya at binigyan siya ng nagdududang tingin.

"Ano yung narinig ko?" sawsaw naman ng nasa harap ko na si Glen.

"Magkasing-amoy daw yung ihi namin," sagot ko kay Glen, "Ikaw bakit naman kailangan pati ako pagkainteresan mo, ha." naka-cross arms pa ako habang nakatingin kay Irene.

"Oh my gosh, so gross." natawang sambit ni Glen.

Tagos hanggang buto na yata ang kalokohan at kalandian na nakapaloob kay Irene kaya pati ako dinadamay na niya.

Out of nowhere, biglang napadaan sa tapat ng classroom namin ang dalawang taong iniiwasan kong makita, sina Pol at Claire, totoo nga ang sabi ni Glen, sila na ang magkasama palagi.

Pero may kakaiba sa itsura ni Pol ngayon, parang pumayat siya. Lumaki ang nga mata niya, lumaki rin ang sukat ng mga damit niya, lumuwang sa kaniya ang mga ito.

Anong nangyari sa kaniya?

Nagtama ang aming mga mata ngunit ito ay nangyari lamang sa mabilisang oras. Inalis din niya ang paningin niya saakin. Walang reaksyon ang mga mata niya, wala akong nakitang pananabik at saya nang magtama ang mga mata namin.

Nakita ko ulit ang Apollo na walang kibo gaya ng Apollo na nakita ko nung first day ko dito sa eskwelahang ito.

Wala na nga talaga siyang pakialam saakin.

Napatingin ako dito sa katabi kong transferee, si Mykee. Nakatingin din siya sa labas kung saan dumaan sina Pol, tumango pa ito habang nakatingin sa labas, may kausap ba 'to sa labas? Hindi ko nakita kung sino ang tinanguan niya.

Nang makita ni Mykee na nakatingin ako sa kaniya, agad niyang inayos ang sarili niya at umupo ng matino.

Anong nagyayari dito?!

May hindi ba ako nalalaman dito? Jok, wala naman akong pake sa kung anong meron dito, pake ko sa inyo!

-----

[RECESS]

Ayan nagsisilabasan nanaman yung mga kaklase kong parang ilang araw na hindi nakakain, lagi nilang binabalik-balikan yung maasim na spaghetti na luto nung mga masusungit na tidera, ewan ko ba sakanila jusmiyo marimar sila.

Te AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon