Chapter 1

396 18 3
                                    

Chapter 1:
New Start

*Ring ring ring*

Isang alarm ang gumising sakin sa mahimbing kong pagtulog.

Kahit labag sa kalooban ko ay bumangon na ako para maligo, magbihis, at pumunta sa bago kong eskwelahan.

Bagong eskwelahan na sana ay maging huli ko ng lilipatan. Lahat na yata ng school sa Manila ay napasukan ko na pero naki-kick out ako dahil sa mga kalokohan na pinaggagagawa ko.

Sa sobrang dami na ng mga records ko sa mga nalipatan kong mga school ay napipilitan talaga silang tanggalin ako.

Bumiyahe ako papunta dito sa probinsiya nung isang araw pa, malayo sa syudad, malayo kina Mama at Papa.

Aysh bakit ko ba sila inaalala pa? Kahit naman nung nasa Manila pa ako ni minsan hindi nila ako nagawang kausapin dahil palagi naman silang busy sa trabaho, palagi silang wala sa bahay, ako lang palagi mag-isa, aanhin ko ang magandang bahay, masasarap na pagkain na nakalapag sa lamesa at madaming pera kung hindi naman ako masaya, kung palagi naman akong nag-iisa.

Sabi ni Mama sakin noong bata ako ginagawa daw nila lahat ni Papa para magkaroon ako ng magandang buhay, oo, nabibili ko lahat ng gusto ko, nakakain ko lahat ng gusto ko, pero alam mo yung feeling na ganun yung palaging may kulang. Walang kasama, palaging nag-iisa, bukod sa wala na nga akong kapatid, wala pang may gustong kumaibigan saakin dahil sa ugali ko.

*Tok tok tok*

Biglang may kumatok sa pintuan ko.

Ano ba yan, nakikipag-usap pa ako sa sarili ko eh, istorbo naman!

Pag bukas ko ng pintuan, iniluwa nito si Lola, hala sorry si Lola pala 'to.

Bumungad sakin ang malambing at nakangiti niyang mukha. "Anak, labas ka muna dito sa kwarto mo, may inihanda akong pagkain para sayo. Bangon ka na nang masaluhan mo kami ng Lolo mo sa pagkain. Para pagkatapos ay maligo ka na at makapunta na sa eskwelahan." sambit ni Lola saakin kaya naman ay bumangon na ako at lumabas na sa kwarto ko.

Paglabas ko ng pintuan, pumunta na ako sa may likod ng bahay. Umagang umaga nga talaga, napakalamig ng klima, may hamog pa.

Pagkaupo ko sa upuan ay sumandok na ako ng sinangag at itlog na niluto ni Lola. Ang bango, masarap 'to sigurado ako. Inikot ko ang paningin ko sa paligid upang tawagin na si Lola para kumain, pagkatingin ko sa bandang likod ng bahay laking gulat ko ng nakita ko si Lola na..... naka-gloves?! Ayos ah! Boksingera pala tong si Lola! Naka pose siya na para bang siya si Manny Pacquiao habang sumusuntok suntok pa sa puno ng saging. Napasampal nalang ako sa sarili kong mukha dahil hindi ko inaasahan na sa ganung edad ni Lola ay nakukuha parin niyang mag boxing.

Lola baka mabali yang mga buto mo diyan uy!

Nag-antay pa ako ng ilang minuto bago tuluyang matapos na suntuk suntukin ni Lola ang puno ng saging. Umupo ito sa tabi ko at nagpupunas pa ng pawis.

"Pasensiya ka na Apo ha at mediyo napaghintay kita, may sinalihan kasi ako boxing contest diyan sa bayan na gaganapin sa susunod na limang buwan." aniya. Ayos ah! Sasali sa boxing contest si Lola? Astig!

"Love? Love halika na dito at sabayan mo na kaming kumain ni Ely, mainit pa 'tong niluto kong sinangag." malambing na pagtawag ni Lola kay Lolo. Oh diba sana all love ang tawagan!

"Yes Sugar Pie Honey Bunch, papunta na ako!!" masiglang sagot ni Lolo.

Juice colored hindi ko kaya tong ka-sweet'an nila Lolo at Lola dinaig pa ang KathNiel! Pero at the same time nakakatuwa dahil sa edad nilang yan ay malambing parin sila sa isa't-isa. Sana all talaga diba.

Pagkaupo ni Lolo ay tsaka palang kami nag-umpisang kumain.

"Nga pala, Ely, anak..." ani Lola "... mamayang papasok ka sa school, hindi kita maihahatid ha?" medyo malungkot na sabi ni Lola at nag-puppy eyes pa.

"B-bakit naman po?" tanong ko.

"Kasi mag d-date kami ng Lolo mo sa bayan!" sagot niya habang nakangiti, parang kilig na kilig at naka holding hands pa kay Lolo. Naku.

"Ayos lang po, alam ko naman na kung saan yung room na papasukan ko eh." sagot ko kahit na hindi ko naman talaga alam kung saan. Goodluck nalang sakin mamaya.

---

Natapos na kaming kumain, tapos ko na ding ayusin ang sarili ko at papunta na ako sa school. Hindi na ako nakapagpaalam kina Lolo at Lola dahil mas nauna pa silang umalis kesa sakin.

Sumakay ako ng tricy papunta sa eskwelahan na sinasabi ni Lola kanina.

Maayos naman ang itsura, pag tayo ko sa harapan ng gate, madaming mga estudyante ang bumungad sakin, maiingay, hindi ko alam kung saan at sino sakanila ang mapakikinggan ko.

Sana nga magkaroon ako ng mga kaibigan dito sa bago kong school.

Inisa isa ko ang mga pintuan ng mga room sa Grade 10 para tignan kung naroon ang pangalan ko, pero wala, as in wala, apat ang section ng Grade 10 na nakita ko, section A, B, C, at D.

Wala ni isa sa mga room na yon ang pangalan ko, kaya naglakas loob akong pumunta sa section A, naks kunwari matalino,  binigay ko sa teacher ang card na hawak ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Sinabi niya na doon daw ako sa section D, dahil puno na daw ang lahat ng section.

Pag dating ko sa section D, nakatitig lang saakin ang lahat ng mga estudyante roon, luh makatitig tong mga to kala mo alam lahat ng kasalanan ko eh no. Biglang bumungad sakin ang isang matabang teacher na nakangiti pa. "Goodmoring po Ms. Anne Lee Rais, dito daw po ako sabi nung teacher sa section A?" sambit ko at tumango tango ito. Nabasa ko yung pangalan niya sa pintuan. "Ano ka ba, Ms. Anne nalang ang itawag mo sakin, ampanget pag kinumpleto mo pa eh. By the way, ikaw ba yung inenroll dito ni Mrs. Montenegro?" Belinda Montenegro ang pangalan ni Lola kaya alam kong siya yun. "Opo, Ma'am. Dito po ba yung room na papasukan ko?" tanong ko at mainit akong tinanggap sa loob ng silid.

"Attention too all of my lovely and handsome students char ang chachaka niyo char ulet! May bago kayong classmate." ani Ma'am Anne, "Ms. Ely, would you like to introduce yourself?" tanong ni Ma'am. No choice ako, eto pa man din yung pinakaayoko sa klase, INTRODUCE YOURSELF.

Tumayo ako papunta sa harapan. "Hi, I am Eleanor Bartolome, but you can call me Ely. Nice to meet you all." matipid na bati ko sakanila.

Pagkatapos nun ay pinaupo na ako ni Ma'am sa bakanteng upuan sa may bandang likod, sa kanan ko ay nakaupo ang isang babae na ang lawak ng ngisi at nakatingin sakin, gusto yatang makipag kaibigan. Samantalang sa may bandang kaliwa ko naman ay isang lalaking parang walang pakialam sa mundo, mukhang tahimik eh. Hindi pa man ako nakakaupo ay sinalubong na ako ng babaeng nakangisi. "Hi Ely, ang ganda ganda mo, ako nga pala si Irene. Maligayang pagdating dito sa room natin!" malambing na sambit nito saakin habang nakahawak ng liptint at pulbos. Umagang umaga eh ganiyan na agad ang hawak niya.

"Hi Irene, nice to meet you." sagot ko sa kaniya habang nakangiti.

For the first time, may bumati saakin ng maayos. Sana nga hindi ko na ulit magawa yung mga katarantaduhan ko sa mga nauna kong school. Kaya ko 'to. Fighting!

-----

End of Chapter 1.

Thank you for reading! ❤

Te AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon