Chapter 19:
LibraryEly's POV
"Mga bhe!! Anong regalo niyo sakin, sabihin niyo na ngayon para kunwari magugulat nalang ako mamaya. Dali sabihin niyo na sakin ngayon." ani Irene na kanina pa excited, ano bang kinaka-excited nito eh tapos naman na ang birthday niya.
"Anong meron mga teh?" tanong ni Glen habang tutok na tutok sa pagsusulat ng assignment.
Nandito kami ngayon sa loob ng classroom, wala pa ang iba naming mga kaklase, maaga lang talaga kaming pumasok.
"Valentine's day ngayon anoba, hindi ba uso sa inyo yon." naghihimutok na sagot saamin ni Irene at pulang-pula na rin ang kaniyang mukha dahil hindi namin alam ang sinasabi niya.
"Huh? Ano naman kung valentine's day ngayon? Eh wala naman kayong mga jowa!" sawsaw ko sa usapan.
Napatingin sila saakin at naningkit ang kanilang mga mata na parang sinasabing punyeta ka edi ikaw na ang may jowa!
Pati si Glen na payapang gumagawa ng assignment ay napatingin na rin saakin.
"Ah, sorry sorry, 'tong mga 'to naman hindi na mabiro, mahal na mahal ko kaya kayo." agad kong binawi ang sinabi ko kanina dahil baka kalbuhin ako ng dalawang 'to.
Valentine's day pala ngayon? Hindi ko na namalayan. Napakabilis ng panahon. Baka bukas makalawa magkaroon na ako ng inaanak dito sa mga kaibigan ko.
Araw ng mga puso ngayon pero parang wala lang, parang normal na araw lang.
Diba ang karaniwang ginagawa ng couple tuwing valentine's day ay nagbibigayan sila ng regalo? Bigyan ko kaya ng regalo si Pol. Pero anong regalo ang ibibigay ko?
Muli kong ibinaling ang tingin ko sa dalawang walang jowa, este sa dalawang magaganda kong kaibigan.
"Anong pwede kaya ang kong iregalo kay Pol? Any suggestions?" tanong ko.
Nagkibit-balikat silang dalawa saakin at parang nagtatampong mga bata.
"Ililibre ko kayo mamay--" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng bigla silang sumagot.
"Naku bhe tama ka ng taong pinagtanungan, kaming dalawa talaga ni Glen ang expert pagdating sa mga ganiyang bagay." sinusuklayan na ni Irene ang buhok ko ngayon habang si Glen naman ay minamasahe na ang kamay ko, akala ko ba gumagawa 'to ng assignment?!
Oh diba, mga hindot, libre lang pala ang katapat.
Biglang may tumunog ang cellphone ko, tiningnan ko ito at nakita kong may nag-text.
From Apollo :
May gagawin ka ba mamaya?To Apollo :
Wala naman. Bakit?From Apollo :
Meet me at the library later.Bigla namang nagsitilian itong mga katabi kong nakikibasa na pala sa text ni Pol.
"Ahhh!!! Sigurado ako!!! May surprise yan sayo Teh!!!" kilig na kilig at parang hindi maipaliwanag na boses galing kay Irene.
"Kung ako sayo, bigyan mo din siya ng regalo para mas sweet." dagdag naman ni Glen.
Napangiti naman ako sa mga sinabi nitong mga 'to saakin.
Bakit kaya niya ako pinapapunta sa library?
Baka may surprise nga talaga siya saakin!
Just act like you didn't read any messages, Ely. Chill.