Wala kaming pasok ngayon dahil Sabado. Ano nanaman kaya ang gagawin ko ngayong araw na 'to.
At siyempre dahil sipag-sipagan ako ngayon, naisipan kong lumabas na ng kwarto at tulungan na si Lola sa gawaing bahay.
Paglabas ko ng kwarto, walang tao sa salas, pati sa kusina wala rin. Pumunta ako sa likod ng bahay at vuwala! Andun si Lola na nagwawalis sa bakuran suot ang gloves na pang-boxing.
"Lola tulungan ko na po kayo diyan." ani ko at lumapit na kay Lola.
"Sige ba apo, oh heto walis" inabot niya saakin ang walis at nagsimula na kaming maglinis.
Sa kalagitnaan ng pagwawalis ko sa bakuran namin ay muli ko nanamang naalala ang mga nangyari kahapon. Naramandaman kong uminit ang mga pisngi ko at parang bumilis ang tibok ng puso ko. Walangya naman naalala ko lang eh bat ganto yung mga nangyayari sakin.
Napangiti nalang ako sa mga naalala ko.
Hindi ko nalang masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga bumabagabag sa isipan ko dahil baka ma-stress lang ang bangs ko, char! Wala pala akong bangs. Ah basta ayokong isipin muna ang mga bagay na yun, mas gusto kong mag-focus muna dito sa ginagawa ko ngayon. Maglinis.
Kanina ko pa winawalisan 'tong punyetang dahon na 'to pero hindi matanggatanggal, panong makakawalis ako ng maayos eh napakalampa nitong walis na binigay saakin ni Lola, napakalambot na walis tingting hindi makawalis ng maayos. Kaya naisip kong kunin ang nakita kong walis kahapon sa harap ng bahay. Iniwan ko muna si Lola na naglilinis, samatalang ako pupunta sa harap ng bahay para kunin ang mas matibay na walis tingting.
Sa loob ako dumaan, habang naglalakad sa loob, hindi ko maiwasang mapatingin sa dingding namin, ngayon ko lang 'to napansin. Mga litrato, hindi lang basta mga litrato ng kung sino mang mga pocho pilato. Mga litrato iyon nila Lolo at Lola pero mas batang version.
Nilapitan ko ang dingding upang mas makita ko ng mas malapitan ang mga litrato. Ang ganda at ang gwapo nila noon. Hindi na ako nagtataka kung bakit ang gwapo at ang kisig ng itsura ni Papa ngayon.
Hinipan-hipan ko ang mga litrato dahil may mga alikabok, nang matapos kong matanggal ang alikabok, mas nakita ko nga ng mas malinaw. Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay ganito parin ang itsura nila Lolo at Lola pero mas matanda lang tignan ng konti yung ngayon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sinong mag-aakala na ang makisig na lalaking ito ay si Lolo, samantalang ang magandang dilag na katabi nito ay si Lola.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.