Chapter 13

132 12 1
                                    

Chapter 13:
New Version of Him

Ely's POV

Lumipas ang ilang buwan na magkakasama kami sa school ay medyo natanggap ko na.

Natanggap ko na, tinanggap ko na, na hindi talaga kami para sa isa't-isa.

Mas mabuting maging magkaibigan nalang kami diba, hindi ko pa naman sinasabi sa kaniya yung nararamdaman ko kaya ayos lang. Hindi magbabago ang paningin niya saakin.

Biglang may humampas ng malakas saakin.

"Arouch! Anak ng!" pagrereklamo ko.

"Ayan kasi, kanina pa kita kinakausap kung saan saan ka nakatingin." sagot ni Irene.

"Kailangan talagang batukan moko ha."

"Eh hindi ka nakikinig eh."

Biglang tumawa 'tong nasa harapan ko, si Glen.

Sige tawa pa. Parang di kaibigan eh no.

Ano nanaman bang sumapi sa kanila at naisipan nanaman nila akong pagtripan.

"Oh, eto na nga, birthday ko bukas kaya dapat nandun kayo ha. Magtatampo ako pag di kayo pumunta, lalo na kayo." pagtuturo ni Irene saamin ni Glen. "Pati ikaw rin." turo din niya kay Pol na kasalukuyang nakikipagtawanan sa mga sutil kong kaklase.

Ano? Si Pol?

Seryoso ba 'to? Si Pol tumatawa?

Natulala kami pareho ni Glen dahil sa nakita namin.

Habang si Irene naman busy siyang naglalagay ng make up at liptint sa mukha niya.

Humarap saamin si Pol, "Ano ulit yung sinabi mo?" pagtatanong niya kay Irene.

Nakakapanibago lang dahil bakit parang ibang Pol ang nakikita ko ngayon? Hindi naman siya ganito dati ah.

"Pumunta kayo sa birthday ko bukas kung hindi susunugin ko mga bahay niyo." pag-uulit ni Irene.

"Sure." matipid niyang sagot at bumalik na sa pakikipagkulitan kasama ang mga sutil kong kaklase.

Ibang-iba na si Pol kumpara sa nakilala kong Pol nung nag-transfer ako dito.

Yung dating Pol na mailap sa mga tao, ngayon kulang nalang barurutin niya lahat ng tao dito sa classroom.

Biglang lumapit si Pol saamin, tinignan ko yung mga kaklase naming nasa likod kung saan siya galing. Nakangisi at nakatingin lang saamin.

"Irene, please makisama ka." bulong niya malapit saamin, nakayuko at parang kinakabahan pa.

"Huh? Bakit?" nagtataka namang sagot ni Irene.

"Anong mas maganda, SpongeBob o Doraemon?" tanong niya.

Anak ng puchi, pati si Pol nahawa na sa ka corny-han ng mga tao dito.

Muli siyang tumingin sa mga kaklase naming nakaabang sa isasagot ni Irene.

"Kinakabahan ka pa, yan lang pala ang itatanong mo, mas maganda yung Cocomelon." sagot ni Irene habang patuloy parin sa ginagawa niyang pagpapaganda.

Te AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon