Chapter 9:
New Friend or New EnemyEly's POV
Naglalakad na ako ngayon palabas sa kalsada naming mas makinis pa sa pagmumukha ko.
Papunta na ako sa kanto para mag-abang ng tricy na masasakyan ko papunta sa school.
Lunes nanaman pero hindi parin mawala-wala sa isip ko yung mga nangyari nung araw ng Sabado, pano ba naman kasi napakadaming nangyari, una na dun yung tanong sa isip ko kung bakit ba laging naka-gloves si Lola ng pang-boxing, sunod dun yung bakit nga ba ako pinansin ni Pol nung araw na yun, baka crush niya ako! Charot lang. At panghuli, paano niya nalaman kung saan ako nakatira?
Habang nakatulala sa gilid ng waiting shed ay sa wakas may dumating ng tricycle. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sumakay na ako sa loob ng tricycle kahit napakamahal ng singil sakin ni manong driver.
Punyetang singilan yan, isang daan tol, one hundred pesos, ganun ka abusado itong tricycle driver na 'to. Masyadong mapagsamantala. Kasalanan ko din naman, pwede naman akong maglakad kaso lang tinatamad ako hehe. Eh sa late na nga ako maglalakad pa ba ako ng ganun kalayo.
Nakarating na ako sa school at talagang late na nga ako. Pabalik na sa classroom ang mga eastudyante, tapos na ang flag ceremony.
Papasok na ako sa gate ng bigla akong harangin ng school guard.
"Late ka ngayon ah, labas ang ID." paninimula niya.
Nilabas ko naman ang ID ko at ipinakita sa kaniya.
"Late ka, pasalamat ka unang beses mo palang ngayon, pag umabot yan ng tatlo, isusumbong na kita sa teacher mo. Nagkakaintindihan ba tayo dito?" paglilinaw niya.
Hindi na ako sumagot, tumango tango na lamang ako.
Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko, nasa loob na ng kani-kanilang mga silid ang mga estudyante.
Nagmamadali na akong naglakad dito sa covered walk, hindi pala lakad ang ginagawa ko ngayon. Nag-jo-jogging na ako. Feel na feel!
Nang makarating ako sa classroom namin, wala paring teacher. Naku buti naman.
Halo halo ang mga ginagawa ng mga sutil kong kaklase. May mga naglalaro ng basketball na may imaginary ring na pinag-sho-shoot'an nila. May mga ilan naman umagang umaga palang nakikipaglampungan na sa mga jowa nila, sana all may jowa! At yung iba naman tahimik lang gaya nitong naabutan ko sa likod. Si Apollo.
Nakaayos ito sa pag-upo at ngumisi ng maliit nang makita niya ako, yung sparkling little smile niya!
Anong meron sa kaniya ngayon? Bakit siya ganito?
Ngingitian ko palang sana siya pabalik ngunit isang babae ang yumakap saakin at may palundag-lundag pang nalalaman. Si Irene nanaman 'to sigurado ako mga 101% sure.
Hindi nga ako nagkamali, galing siya dun sa mga kaklase naming naglalampungan kasama yung mga jowa.
Lumapit siya sakin at may patili-tili pang nalalaman.
"Oh my gosh! I can't even. I can't even talaga!" kilig na kilig nanaman niyang saad saakin.
"Huh? Bakit? Ano nanamang problema mo?" sagot ko.