Chapter 28:
Lost and FoundEly's POV
Bigla akong napabangon sa pagkakaidlip dahil naalimpungatan ako. Inang 'yan sarap ng tulog ng tao dito eh.
Maya-maya pa ay kinatok ni Lola ang pintuan ko.
"Ely, apo, meron yung mga kaibigan mo dito, may kasama silang babae hinahanap ka raw." ani Lola na muling nagpabangon saakin.
Pilit sa pagdilat ang mga mata kong lumabas mula sa kwarto ko. Anong ginagawa nila dito? Nang makarating ako sa sala kung nasan sila ay may kalabuan pa ang paningin ko kaya kinuskos ko ito at inantay pang magising ang diwa ko.
"Oh bakit, anong ginagawa niyo dito?" inaantok na saad ko sa kanilang dalawa.
Walang sumagot. Kahit malabo ang paningin ko, ramdam kong nakatingin sila saakin.
Inilibot ko ang mga mata ko sakanila at ganun na lamang kabilis mapakunot ang noo't kilay ko dahil sa kasama nina Irene at Glen.
Claire?!?!?!
"Anong ginagawa mo dito?!" napalakas ang boses ko.
"Kalma lang, Ely." inawat ako ni Irene.
"Ayos lang ba kayo riyan?" sumilip si Lola mula sa pintuan.
Napatingin kaming apat. "Ah, opo La." sagot ko.
"Ely, hindi siya makikipag-away sa'yo. May gusto lang siyang sabihin. Kumalma ka muna." ani Glen.
Kasalukuyan kong katabi si Irene habang si Glen at Claire naman ay nasa kabilang sofa.
"Ely..." panimula ni Claire "... Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa'yo. Matatanggap ko kung gusto mo akong sampalin, sabunutan o kung ano man ang gusto mong gawin sa'kin na pananakit."
Napansin kong nangingilid ang luha niya.
"Pero bago mo 'yun gawin may gusto lang ako aminin. Ako ang dahilan kung bakit ka iniwan ni Pol. Wala siyang ginagawang masama, mahal na mahal ka niya, Ely, maniwala ka. Ako ang nag-set up ng lahat. Tinakot ko siya para piliting hiwalayan ka. Wala siyang ibang inalala kundi ikaw. Mahal na mahal ka ni Pol, Ely. Kasalan ko ang lahat, patawarin mo ako." napayuko na siya't nagsimula ng tumulo ang mga luha niya.
Hindi ko na rin napigilan ang mga luha 'ko dahil sa sinabi niya saakin.
Buong akala ko si Pol ang may kasalanan. Buong akala ko hindi na niya ako mahal.
Gustuhin ko mang sampalin ang animal na 'to ngunit hindi ko magawa. Hindi ko alam kung hahagulgol ba ako o mananapak ng tao.
Muli kong naalala ang mga huli kong sinabi kay Pol. Puro paninisi at pananakit ang nasabi ko.
"Tsaka Ely, nung araw na nakipag-away ka sa school, si Pol ang nagdala sayo sa ospital. Ayaw niyang malaman mo 'yun dahil alam niyang magagalit ka." ani Irene.
Mas lalo pa akong nakaramdam ng sisi dahil sa sinabi ni Irene. Pakiramdam ko napakasama 'kong tao dahil sa mga ginawa ko kay Pol.
![](https://img.wattpad.com/cover/267910959-288-k24699.jpg)