Chapter 26:
ChurchEly's POV
Huling araw ko ngayon dito sa ospital, lalabas na ako mamaya, ambilis ng tatlong araw.
Nagpunta na rin sina Lolo at Lola dito kahapon, ang sabi naman nina Irene at Glen, sila na daw ang bahala sa'kin. Naks, ambabait naman ng mga 'to kahit binilhan ako ng bulaklak na pampatay.
Hindi ko alam kung anong meron ngayon pero itong dalawa kong kasama ngayon kanina pa ngiti ng ngiti. Nasisiraan na rin ba sila ng bait?
Nag-aayos sila ng gamit, hindi naman sila nag-uusap, wala rin naman silang pinapanood na nakakatawa pero ngiti sila ng ngiti.
Ayan na nga ba sinasabi ko, ingat-ingatan niyo mental health niyo, ang hirap ng maging baliw ngayon.
"Oy, anyari sa inyo?" basag ko sa katahimikang bumabalot sa kwarto.
Agad namang napatingin si Irene at Glen sa'kin.
"U-uh eh wala wala." sabay pa silang sumagot.
Nagkatinginan silang dalawa.
Muli silang sumagot. "W-wala talaga." sabay nanaman silang sumagot. Jinx.
Nagsimula ng maningkit ang mga mata ko sa kanilang dalawa.
"May tinatago 'tong dalawang 'to saakin sigurado ako. Anong kayang meron? Bakit sila nagkakaganiyan?" kinakausap ko ang utak ko.
Nakakapanibago lang kasi usually hindi nauubusan ng chismis itong dalawang 'to saakin pero ngayon, anong nangyari sa kanila?
Hindi ko nalang pinansin ang mga kilos nila hanggang sa makauwi ako sa bahay.
Pero hindi mawala sa isip ko kung anong nangyayari ngayon. Parang andami kong hindi alam.
Naidlip lang ako saglit sa ospital na 'yon pero parang andami ng mga misteryosong nangyari nitong mga nakaraang araw.
Pagkatapos akong ihatid nina Irene at Glen sa bahay kanina, naagmamadali pa silang nagpaalam saakin.
Obvious na obvious na talagang may hindi ako nalalaman.
Kailangang may gawin ako, mag-suggest ka nga, oo ikaw na nagbabasa ng story na 'to. Mag-suggest ka dali.
-----
[SOME SUNDAY IN THIS MONTH]
Maaga akong nagising ngayong umaga, alas kwatro palang gising na 'ko. Linggo kasi ngayon at naisipan naming magsimba ng dalawang kong asungut na bestie.
Second mass ang napag-usapan namin pero alas kwatro palang ng umaga ay gising na ako. Bakit? Dahil ang pusa ay may apat na paa. Debiro lang, wala lang gusto ko lang magising ng maaga kasi why not?
Nakatulala lang ako habang iniisip ang mga bagay-bagay na hindi naman kailangan gaya ng saan at paano nabuo ang mga tao? kailan at paano nabuo ang universe? paano nabuo ang araw? bakit iba-iba ang writing system ng iba't-ibang bansa? bakit? basta bakit?
Mababaliw na 'ko kakaisip sa mga bagay na yan kaya minabuti ko nalang na tumungo sa kusina at magtimola ng kape para naman may kasama ako habang nakatulala.
Nang makarating ako sa sala, sinilip ko ng bahagya sina Lolo at Lola na kasulukuyang natutulog pa, nakadangkay pa ang mga paa ni Lola sa tiyan ni Lolo.
Anyways, magtitimpla ng kape ang gagawin ko baka kung ano pa ang maikwento ko sa inyo dito.
