ICHIRO'S POV
First time atang ako mag simula nitong chapter na to, e alangang si Nicole e wala namang kaalam alam yun.
Kayo nalang pag aalamin ko, matutulog muna ulit ako, ay pumapasok na nga pala ako ngayon. Edi maliligo muna pala ako.
FLASHBACK
Ano sabi nitong si Jae Lo?
Siya daw ang sasali? Edi kasali din buong team niya?
"Hindi ko kailangan ng tulong mo" sabi ko, e hindi naman talaga e.
"Sampu kailangan niyo! Aapat lang kayo!"
Oo nga tama naman siya. Nakakatamad namang mag recruit sa ibang grupo na anung malay ko kung asan.
"tss ona, edi Walo lang tayo? Kulang dalawa."
"Oy gusto niyo sumali?" tanong nila sa Black Moon at Royal Kingdom Team.
"Malamang hinde" sabay na sabi ng captain nila.
"Tsk! Wag namang nating isali yung mga bakla! Bah lalamya lamya makipag laban parang nasa ulap" sabi ni Jae Ho.
"Sino pa ba pwedeng team?" tanong ni Jae Kang dun sa captain ng Royal Kingdom na nasa harap ng laptop ngayon.
"Wala na, lahat ng teams may laban" sagot ni Fire Princess.
"San laban?" tanong ni Gian yung captain ng Black Moon.
"Japan"
"tsk hirap hilahin yun" sabi ni Jae Hyun e malamang nasa Japan e.
"Captain, pwede na bang umuwe?" tanong nung kagrupo ni Gian. Tiningnan naman kami ni Gian. Tumango nalang kami hanggat sa walo nalang kami dito.
"Hmmmmm e kung yung dalawang babae kaya?" sabi ni Kaname, aba ngayon lang to umimik.
"Aba hoy! Ni wala ngang kaalam alam yun e!" sabi ni Kazuhiro
"Wag niyong idamay si Nicole dito" sabi ni Jae Lo
"Tss pake mo naman dun? Kala mong kapatid ka e" sabi ni Jae Ho. "Oonga yung dalawang babae na lang, itrain nalang naten"
Natahimik naman si Jae Lo. Basa ko iniisip mo, kaya pala ayaw mo.
Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat. Lahat sila nagulat sa ginawa ko, ako rin naman -_____-.
Ikaw ba naman tapikin mo sa balikat mga kaaway mo diba? Kung di lang to kasama sa usapan e. Kaya for now di sila kaaway nor kaibigan.
"Poprotektahan natin sila" sabi ko nalang, dinamay ko na si Myrra, makahalata pa sila e. -_____-.
"kung mag kakakampi na tayo ngayon edi mag kakaibigan na tayo?" tanong ni Seiji na mukhang excited. Gagu.
"Seems like it" at nag ngitian ang mga loko loko, kahit si Kaname e napangiti ng konti, nag tinginan sila pareho saming mga captain.
Siguro okay lang naman no?
Nag tanguan kami.
"Tropa" nag ma men kame.
"Wooooo! Mga dati naming kabakbakan sa Hapon tropa na! Tara sa bar inuman!" natawa na lang ako. Date kase kaagaw namin sila sa number 2. Kaya mag kakaaway kami.
At nag punta na nga kami sa bar.
END OF FLASHBACK
Kaya ayun, ang problema nalang e itetrain namin yung dalawa. 6 months pa naman e. At sumakto pang leap year.
Pero pano kaya namin sasabihin sa dalawang babae? Papayag kaya?
Si Aldrich na mamorblema nito.
ALDRICH'S POV
BINABASA MO ANG
A Messed Up Life Of A Dummy ( COMPLETED )
Teen FictionMakikiuso lang ho, madalas kasi dito sinasabi yung mga copy right ganun ganyan e hindi ako marunong nun, kaya wala nalang gagaya ha? or kukuha ng kung ano man dito. Wala tong kinalaman sa kung sino, kung ano at kung saan, lahat imahinasyon ko lang...