Chapter 30 -,-

664 5 0
                                    

Nicole San Adrias MVP ng bayan.*

Morning, kakagising ko lang, hihi.

Bumaba na ko, ay walang pagkain? May sticky note din sa ref.

"Nix beybe, nasa hospital kami ngayon ni daddy mo nag papackeck up, pag tapos non pupunta kami sa isang Mommy and Daddy class, yung tuturuan kami maging good parent. Kaya baka gabi na kami makauwi, ikaw na bahala sa kakainin mo ah? We love you, ingat"

Nyiiii.

Ano kakainin ko? Waaaa bakit ba kasi ngayon day off ni yaya T_________________T

Hmmmm nag ikot ikot ako sa kusina naming malaki, na wala namang laman na pagkain.

May kutsilyo, kung mag laslas kaya ako?

Hindi naman yung laslas na sa pulso mismo, ano ko nagpapakamatay? sa may braso lang o palad o daliri.

Tingin tingin sa paligid (-,-) wala namang tao. wala ring tao sa labas, berry good! Walang makakapigil sakin!

Don nalang sa una kong hiwa, para hindi na dodoble doble sugat ko, close wound na siya e, iopen ulit natin.

Okay, dahan dahan baka mapalalim e.

"Gimme that" biglang may nag salita sa likod ko at kinuha yung kutsilyo sa kamay ko.

"PANO KA NAKAPASOK DITO HA?!"

"You left the door unlocked" normal na sabi niya. Si ichiro lang naman to -,- siya lang naman palaging gumagamit ng linyang yun e 

"Mukha mo! Nakakandado ako dito sa loob no" ganon kasi kapag aalis sina mama, kinakandado ako para hindi ako mapasok ng magna, kasi madalas pag aalis sila tulog pa ko. Pero may susi naman ako kaya makakalabas ako.

"O kaya nga" sabi niya habang binabalik yung kutsilyo at nag hahanap ng kung ano sa ref.

"Pano ka nga nakapasok? Yung totoo." seryoso kong sabi. "Kung ayaw mong lagasin ko yang buhok mo at gamiting pang walis dito sa bahay." Dugtong ko sa sinabi ko.

Nanlaki naman mata niya

"Di mo kayang gawin yon." Sabi niya ng pangisi ngisi

"talaga lang ha? Ngayon napakagaling ko ng fighter? Bunutin lang buhok mo di ko kaya?" Sabi ko habang palapit sakanya at isinandal siya sa ref. Hinimas himas ko buhok niya.

Yung adams apple niya naman nag wawala, kinakabahan na siguro to, ramdam ko pintig ng puso niya e.

"Hmmmmm sayang, malambot pa naman buhok mo," sabi ko habang nakangiti ng matamis.

"Tss fine fine, inakyat ko bakod niyo. Kase alam kong ikaw lang mag isa dito." at nag ka baliktad naman ang posisyon namin, ako naman yung nakasandal sa ref, tapos ako naman yung kinakabahan, amfotek.

"E ano naman kung ako lang mag isa dito? At pano mo nalaman?"

"Wala lang, pano ko nalaman? Nag tanong ka pa" sabi niya habang nakangisi na naman.

"Tssss chupi na, naiirita ako sa presensya mo e." Hinde pero seriously, ayoko lang ng naiipit ng ganto, parang naiirita ako na nag iinit ulo na napapaiyak na....hmmm alam niyo yung feeling na parang sinusumpong ka na at gusto mo nang manapak? Pero naiiyak ka at the same time.

"Sus if I know, kinikilig ka lang"

"che mukha mo" nangangaliti na buong katawan ko, gusto ko ng manipa, manapak, at mag lupasay.

"Oh fck fck, geez, im just fooling around, stop crying! kuso!" Napamura siya in japanese hahaha kakatuwa fez niya, ano daw ako umiiyak? Sabi sainyo e, pag nakakaramdam na ko ng sumpong naiiyak ako sa sobrang frustration, lahat naman ng sinusumpong e ganon.

A Messed Up Life Of A Dummy ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon