Chapter 69 Yaaaayaah

485 3 0
                                    

Niccccsss*

Pang unang linggo na dito ni Kris sa ospital, baka daw next week makalabas na siya tutal isang napakalaking pasa lang naman nakuha niya, wala namang gaanong malala o ano.

Dahil natural akong mabait, ako palaging nakabantay sakanya, pinauwi ko muna si Tao kasi siya palagi kong kasama dito, minsan sina Lay at Luhan, Minsan sina Sehun, pero ngayon ang kasama ko e ang ibang members ng SHINY team kasi nabalitaan nila ang nangyari kay Kris, kaya yung iba andito ngayon, yung iba padalaw dalaw lang kasi sisikip pag nakitambay din sila, e alam niyo naman ako pag masikip.

Kasamo ko si Taemin, Minho, at Kai, kaya andito si Kai kasi andito si Taemin HAHA.

Umupo ako sa may kama ni Kris at nag rubiks cube, nakapan tulog lang ako, alangang pumorma pa ko e ospital lang naman to,

"Hindi kaba nababagot?" Tanong ko sakanya, kasi nung napaospital ako, sobrang tinamad ako.

"Ahh pwede dalhin mo ko sa  garden?" sabi niya

"Ahh sigi." kinuha ko yung wheel chair niya at tinulungan siyang tumayo tapos iniupo ko siya sa wheel chair.

"Sama kayo sa garden?" tanong ko.

"Ahh sige sige!" at lumabas na din yung tatlo. Si Kai, kung mag lakad parang super model e hahaha

Pag dating namin sa garden tumayo lang kami dun at nag palamig, nasa tapat niya e sementeryo, grabe naman tong ospital na to, parang sinasabi na welcome kayong mamatay. 

"Aish! Matawagan nga si Ichiro!" sabi bigla ni Kai, napalingon naman ako sa gawi nila, yung dalawa tawa lang ng tawa. Tapos si Kai mukhang naiinis.

"Ichiro! May bakante pa ba sa sementeryo nyo? May ililibing lang ako." napalingon din si Kris, siguro iniisip nito na baka siya yung ilibing.

"Hindi ikaw mag ka mag alala." Sabi ko, ngumiti lang siya at tumingin na sa ulap.

Nag tataka ako sa sementeryo nina Ichiro, ano kaya ginagawa don ng mga employees? Parang nag hihintay lang sila ng may mamatay e. Gravy. Yaman yaman nina Ichiro kung tutuusin, may sementeryo, maraming malls, may resto at bar. 

"Nixii!" tawag sakin ni Kai, oo yan tawag niya sakin, e okay lang naman kasi cute xD

"Woh?"

"Uuwi na muna kami ha? Pupunta naman sina Minhyuk dito."

"Ahh sige sige , babay!" nag kawayan nalang sina Taemin at Minho, hihihi nahihiya ako, medyo crush ko din yung dalawang yon e. Aish tigel! May Cefiro ka na, teka pano ko kaya sasabihin na sinasagot ko na siya? Sabihin ko lang na "Woy tayo na sinasagot na kita" waahh hindi talaga ako marunong! Dati kasi tinulugan ko lang si Ichiro naging kami na e pano kung ano ano sinasabi ko -,-

"Ano na gusto mong gawin?" tanong ko kay Kris na tinetrace yung clouds, ako naman nakaupo sa tabi niya, sa damuhan.

"Ahhh pwede iduyan mo ko?" 

Nagulat naman ako, siya iduduyan ko? Luh. "Hala, hindi kita kaya no."

"Engot! Dalhin mo ko sa duyan!" sabi niya

"Sorry nemen, pasalamat ka....tshhh...tss" At tumayo ako tapos tinulak siya sa may playground, wala namang tao gaano kasi medyo hapon na. Pababa na ang araw.

Narinig ko siyang napatawa ng mahina, kaya pala ang mga babae e patay na patay dito, ang ganda kasi ng tawa.

Tinulungan ko siyang makaupo sa duyan at tinulak ko pero mahina lang baka tumalsik to mag kanda leche leche lang. at dahil wala kaming mapag usapan, nag alala muna ako ng alala.

A Messed Up Life Of A Dummy ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon