Nicole's POV
Owkay. Uhhh, Medyo weird kasi nung mga nakalipas na araw, Hindi ko nakikita si Aldrich, pati na rin si Ichiro, si Ichiro ayos lang di naman kami close e, pero nakaka one week nang hindi kami nag kikita kita.
Tapos sina Kris at Dana biglang nag laho na lang, si Myrra na lang palagi kong kasama, pareho kaming walang balita sakanilang dalawa e.
Hayy. 8 am palang, as usual mag jojogging na ako.
Hindi na ko nag abalang mag palit ng damit, nadedepress ako e, kaya naka pantulog lang akong tumakbo.
Bumaba na ko ng unit ko at lumabas na, si kuya eric at yung isa ko pang body guard ang sumalubong sakin
"Tatakbo na po ko" paalam ko sakanilang dalawa
"sige po mam pero simula po ngayon kasabay niyo na tong tumakbo" sabay turo niya dun sa isa ko pang body guard
"bakit po?" tanong ko habang inaayos yung tali ng buhok ko.
"may nag bilin lang po samin"
"ah sige po" sagot ko
At tumakbo na ko, kasabay ko lang yung isa ko pang guard
"kuya ano po pangalan niyo?" tanong ko habang nag jojogging
"Antonio po mam" oh masyadong makaluma
"ah alam niyo po ba kung bakit niyo ko kailangang sabayan na palagi?"
"hindi ko din po alam e" sabay kamot namin pareho sa mga batok namin hahaha
"ahh okay po" at nag patuloy lang ako sa pag takbo
After two hours umakyat na din ako at kumain ng tinapay. Pag tapos nun naligo na ko para makapasok na.
Pag dating ng 11:30 pumasok na ko sa school.
Ayun, nakita kong malungkot na nakapangalumbaba si Myrra
"Ey, may balita ba?" pag lapit ko sakanya
"Wala e hayy, ako na nga tung kasama nila sa iisang bahay di ko pa alam"
"kelan ba sila biglang hindi umuwi?"
"Nung isang linggo pa, todo hanap na nga mga tauhan ko at mga pulis e pero ni isang trace wala" malungkot niyang sabi
Inakbayan ko na lang siya to comfort her.
-----
After a month, wala pa ring balita sakanilang dalawa, pati na rin kay Aldrich at Ichiro.
Hayy, pumunta muna ako sa mall, wala si Myrra busy asikasuhin yung mga tauhan niyang nag hahanap kay Kris at Dana.
Andito ako sa may Bench sa sea side ng mall, tinitingnan ko lang ang pag lubog ng araw.
Nang biglang may tumabi sakin.
Baka naman pag mamasdan niya lang rin kasi eto na ata pinakamagandang spot sa pagtitig sa araw.
"uh miss" biglang salita nito, hindi ko na lang pinansin maraming miss dito xD
Bigla niya kong kinalbit
Kaya napalingon ako sakanya, "Nande?" sabi ko
Biglang nanlaki mata niya ay nga pala japanese yun -___-
"i mean bakit pala?" natatawang sabi ko
"look" sabay abot niya sakin ng dalawang pictures na nag pasabog ng mundo ko
:((
T_____T
"Huh?" ayun na lang naitanong ko kasi naguguluhan na ko.
"Your friends died last month"
"Huh?" yun lang ulit nasabi ko, yun lang lumabas sa bibig ko e
"They are already dead"
"Pano?"
"ikaw na bahalang tuklasin yan, kasi yan lang ang pwede kong sabihin sayo."
Naiiyak na ko. Wala na sila?
Tiningnan ko ulit yung picture dalawang babae na mag katabi na nakahiga sa sahig at duguan,
Suot ang uniform ng school namin.
Sila nga :(
"I'm sorry Nicole" sabi niya, pano niya nalaman pangalan ko? Tsaka parang familiar mukha neto ah, nkita ko na ba to?
"P-Pano mo nalaman pangalan ko? Sino ka ba? At pano mo nalaman to? Wait may libing ba?"
"Kaname"
Yun lang sinabi niya at umalis na.
Apat yung tanong ko pero isa lang sinagot niya.
Kaname?
Oonga nakita ko na nga siya.
Nandun siya sa kubo na pinag dalhan sakin ni Ichiro noon.
Na nag laho na lang na parang bula katulad ni Aldrich. Hayy kaka depress.
Ayos lang sana mawala si Ichiro e, wag lang yung tatlong yon, kaso wala na yung dalawa e.
Napapahid na lang yung kamay ko sa pisngi ko na basa na. Si aldrich baka patay na din yun, ang gaan gaan pa naman ng loob ko saknya.
Humalo pa tong si Ichiro na nag papagulo sa isip ko. Sumulpot lang yang si Ichiro nag kanda loko loko na buhay ko,
Atleast si kaname sinabi yung mga dapat kong malaman kaya kahit papano nakatulong siya
Pero pano kaya niya nalaman yun? At sino nag sabi sakanya nun? At pano niya ko nakilala?
Dami kong tanong pero wala akong mahanap na sagot.
Hayy.
Why is my life so messed up?
Tinawagan ko si Myrra at sinagot niya kagad
"Girl may balita ka?" tanong niya
"yap" malungkot kong sagot
"ano yun? At parang malungkot ka diba dapat masaya ka?" kung alam mo lang e
" uhhhh"
"anu excited nako!!! Hahahaha saya saya may balita naa!! Yea!"
Luh? Sasabihin ko ba? Eh parang ang saya saya niya oh nooo help me, hay mag sisinungalin na nga lang ako
"Nasa ibang bansa sila" sabi ko sakanya please maniwala ka
"ah kelan daw balik nila?"
"di ko pa alam e" sagot ko
"ah sige papatigil ko na yung pag hahanap ng mga tauhan ko salamat sa balita ah!"
"okay!"
At binaba ko na baka kasi mag tanong siya nang kung ano ano e
Tinago ko lang yung dalawang pictures sa likod ng caseng cp ko kasya naman e kapag tiniklop, para imposible pang may makakita nito at sabihin ang totoo kay myrra.
Ayoko muna maging magulo mga buhay nila.
Sasarilinin ko muna to.
![](https://img.wattpad.com/cover/2579853-288-k977234.jpg)
BINABASA MO ANG
A Messed Up Life Of A Dummy ( COMPLETED )
Fiksi RemajaMakikiuso lang ho, madalas kasi dito sinasabi yung mga copy right ganun ganyan e hindi ako marunong nun, kaya wala nalang gagaya ha? or kukuha ng kung ano man dito. Wala tong kinalaman sa kung sino, kung ano at kung saan, lahat imahinasyon ko lang...