Chapter 42 Ms. Infinity

581 7 0
                                    

NIC*

H-ha? Diba yung donut yung titikman niya?

Ichiro*

Ang cute niya, tulalang tulala oh.

"Ay, hindi ko pala natikman yung donut" sabi ko, kinuha ko yung donut at idinikit sa labi niya, tinanggal ko tapos hinalikan ko ulit. Landi ko -,-

"Onga ang sarap nga" sabi ko, at inakbayan siya, pero tinanggal ko din, kasi baka mabigatan ang boo ko, nakahiga kami dibaaaa?

"U-uh" paulit ulit niya lang yun sinasabi.

"Boo, ano problema?"

"E-eh."

"Yaan mo, pareho naman tayong first kiss isa't isa e" sabi ko, e bakit ba? Ngayon lang naman ako lumandi e -,-

Natulala pa rin siya. Hayyyy, babaeng to talaga, windang na windang sakin :"""">

Nic*

Ngayon lang nag sink in sakin na nasa kanya na first and second kiss ko T^T, e bakit ako nalulungkot? EH PANO! Hindi naman romantic ih -,-

"O Twilight palabas, stalker to, palaging ito pinapalabas" Sabi niya. Bumalik na ko sa huwisyo ko wag kayong mag alala -,-

"If I had asked you, would you have turned me down?" O_O Gayang gaya niya boses ni Edward.

Natulala naman ulit ako.

"Huy!" Naramdaman ko nalang hinahalikan niya na ko sa pisngi ko, "Oy oy oy tinatanong kitaa eehh" parang bata niyang sabi.

"Ha? Alin ba?"

"Kung ako kako yung ang tanong sayo na sumama sakin sa prom na yon, sasama ka ba sakin?"

"W-well, oo naman"

"Sakto! Malapit na prom!"

"Ha anong prom?"

"Boo, may prom tayo pag kakatapos ng sem break ano kaba, pag tapos ng prom na yon, konting aral tas christmas break na."

"WEH?!"

"Yap, sa totoo lang, inaayos na siguro nila yung campus ngayon, kasi next week na prom e"

"HA?! TARA NA MAG PAPATAHI AKO NG GOWN!"

Hinawakan niya kamay ko at lumabas na kami ng bahay, gravy! Malapit na pala prom? Bat di ko alam? Agad agad kong dinial number ni Myrra.

Sinagot niya naman kagad

"BES PROM NA PALA NATIN NEXT WEEK!" Sabay naming sabi, Ay?

"SINO NAG SABI SAYO?!" Sabay ulit naming sabi, woah, creepyyy.

"Si Ichiro" inunahan ko na "Ikaw?"

"Si Kazuhiro!"

"WAAAA, TARA MAG KITA TAYO NGAYON AT PATAHI NG GOWN!"

"TARAAA!" At wala pang five minutes, dumating na si Myrra na nakajet pack, kaya nung lumapag siya sa lupa, para siyang model, may palipad lipad pa ng buhok, naka shades pa ang bruha. 

"Ichiro, samahan mo muna tropa mo, mag pagawa kayo ng tux! Kami munang dalawa ni Nic! SHUPIIII!" at sumakay na kami ni Myrra sa sasakyan ko, si Ichiro? Ayun naiwan sa tapat ng bahay ko, sa totoo lang ayoko siyang makasama sa pag papatahi, kasi syempre gusto ko surprise!

Habang nag mamaneho ako, si Myrra bising bisi mag hanap ng napakagaling na designer na kayang gumawa ng gown within a week

"BES BES!"

"My, hindi tayo mag kalayo, halos isang baboy lang pagitan natin, dont shout"

"Ay ehe, eto oh, si Ms. Infinity! Napakagaling ng mga gown na ginagawa niya! Eto oh" sabay pakita sakin ng mga sample ng gowns, maganda nga.

"Sa tingin mo kaya niyang gumawa within a week?"

"Kahit nga isang araw lang e! Basta daw may pambayad"

"Sus, walang problema yan"

"O eto address ng kanyang mansyon, dun daw tayo susukatan, nag pareserve na kagad ako e!" Sabi niya, bilis talaga ng babaeng to -,-

SInunod ko yung address at ayun, may bumungad na mansyon sa harap namin ni Myrra, OM. baka naman milyon milyon isang gown dito -,-

Pag pasok namin, woah, napakaganda ng lugar!

"Hi!" sinalubong kami ng isang magandang babae "Im Ms. Infinity, kayo ba sina Myrra at Nicole?"

"Yes po" sagot namin, pinaupo niya kami sa napakalaki niyang sofa at pinainom kami ng tea.

"So, ano gusto niyong kulay ng gowns niyo? Ay nga pala alam niyo ba! Kayo pinaka una kong customer ngayon, kasi lahat ng mga gustong maging kliyente ko, namamahalan daw sa gowns ko" Sabi niya ng nakapout.

"Mag kano po ba?"

"Kung gusto niyo bonggang bongga, umaabot siya ng lagpas 100k"

Bagsak naman panga namin ni Myrra, pero ngumiti ulit kami. "Ay sigi po,  kahit umabot pa dun okay lang, so ang gusto po naming color ng gown namin ay---" tae ang daldal pala neto

"TALAGA?! Kyaaah, osige, what color?" Baliw pa.

"Ako po dark blue" sabi ko. 

"Ako po white" sabi ni Myrra

"Ahh, sige sige, tayo kayong dalawa at susukatan ko kayo" at pumalakpak lang siya at nag datingan ang mga maids, may hawak na pang sukat at papel at ballpen.

Pag tapos niya kami sukatan, mag hintay lang daw kami ng 15 minutes ang mag iisketch daw siya ng naiiimagine niyang gown para samin.

Ang ginawa namin ni Myrra? Nag laro ng tetris.

"Girls! Eto na yung sketch!" lumapit naman kami sakanya, muling nag bag sakan mga panga namin ni Myrra, seriously! 15 minutes niya lang to ginawa?

GANDA>

Yung akin, may konting punit pataas pero hanggang hita lang naman, tapos basta ang hirap iexplain! Napakaganda talaga! May parang korona pa ko, tapos yung heels ko! WAGAS ang taas! Kulay black siya na parang may net na ewan basta bagay na bagay omay! Tapos yung mga accesories ang gaganda din!

Yung kay Myrra naman kulay white siya na may gold sa gitna, super elegant tignan, yung akin kasi parang pang gangster e pero maganda! Gravy! Ang ganda ng susuotin namin!

"Okay, maganda ba?"

"YES PO!"

"So, ang presyo ng lahat ng yan ay 150k,"

":O OKAY PO!" at pag tapos naming mag pirmahan ng kung ano ano, sabi niya mayayari na daw yun sa wednesday, e ang prom ay sa saturday. Bilis ah!

Umalis na kami dun, tinawagan ko naman si Ichiro.

"Hi Boo! Ang ganda ng Tux namin, BABE HYOOOJIIIN!! GANDAHAN NIYO GOWN NIYO AH! Oy oy si Myrra asan? *Yawn* Tumahimik nga kayo! Ay sorry miss, ano nga ulit number mo?" Ha? Ang gulo naman ng phone call na to! Binaba ko nalang, at tinext si Boo, 

"Boo okay na kami, kayo?" Sent

"Okay na din, pero boo, nung pauwi na kami, nadatnan namin yung isang team captain, nasa loob ng condo ko, tapos pinasabog niya condo ko. Sigurado kaming yun yung nirecruit nina Rikki na member." Reply niya

"E pano na?" Sent

"Pede dyan muna ako sa bahay mo Boo? Please?" 

A Messed Up Life Of A Dummy ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon