Nicole's POV
"DAMMIT! You're f*cking heavy!" Sabi niya nang makalapag na kami sa lupa, grabetyyy, imba nung jet pack haha
"Mahiya ka naman oy! Sexy sexy ko tapos mabigat? Pinag loloko mo ba ko?" Sabay irap ko sakanya, kaimbyerna ka, gamitin mo nga mga mata mo.
Hindi siya sumagot,
Kaya nilingon ko siya, nakatitig pala siya sakin, from head to toe tinitingnan niya ko ng pabalik balik
Napangiti ako "Oh? Diba?"
"Tsss, freaky thin girl" Sabay lakad niya palayo
"Aba hoy! bakit mo ko iniiwan ha? Ni hindi ko nga alam kung nasan ako ngayon e! Tsaka anong payat! Sexy sexy ko oh! Gamitin mo nga mga mata mo o kaya mag salamin ka para makita mo tong mga curves ko! Geez" Habang hinahabol ko siya, dakdak lang ako ng dakdak.
Ang bilis naman nito mag lakad e, takbo ko ata e lakad niya lang, kahaba kasi ng legs, tangkad pa, siguro hanggat balikat lang ako nito -____________-
Nang mahabol ko siya, nakisabay na ko sa lakad niya pero medyo hirap pa din.
"Ihatid mo ko sa bahay ko" Utos ko sakanya
"Why should I?" Naiinis niyang tanong
"Aba, ikaw lang naman ang humila sakin kanina sa school, dinala ako sa kubong may gyera at nilipad ako sa kalangitan, kaya dapat mo kong ihatid kasi pinagod mo ko at iniwan sa mundo ng kawalan" Sagot ko sakanya ng superior na superior haha
"tsss, fine, just shut up already, you talk too much shit."
Hayyy ewan ko sayo.
Dinala niya ko sa kotse niya, aba san nanggaling to? o,O
"Where do you live, freaky thin girl?"
"Hindi nga ako payat! Sexy ako!" Sigaw ko sakanya
Bigla siyang nag preno. As in todo todong preno na kala mong makakabangga na
"SHIT! STOP SHOUTING! F*CK IT"
"Tss, turo ko na lang daan"
"Just tell me the F*Cking address!"
"Payn payn! Sheesh"
At sinabi ko na sakanya yung address ko
"Psh, demanding mo, talo mo pa Presidente" Bulong ko
"What did you say?" Ano ba to? May super ears? Kahina na nun e narinig pa -_______-
"sabi ko ang pogi mo tch"
"I know that already" Sabay ngisi niya
Poncio ka.
Hinanap ko yung cp ko sa bulsa ko kasi nag vivibrate e.
Pag ka hugot ko ng cp ko, may nahulog na papel
"Uh, ano to?"
Binuksan ko yung papel.
"Blanko lang naman? Palagi na lang tsss"
At siniksik ko ulit yung papel sa bulsa ko, pero bago ko pa magawa yun hinablot na nitong katabi ko -____________-
At tinapon sa bintana
"Bakit mo kinuha yun?"
"I don't want trashes in my car so I threw it away" diretso lang tingin niya sa daan.
"Itatago ko nga sa bulsa ko e, tss, nag mamarunong"
"What?!"
"WALA! Leche"
![](https://img.wattpad.com/cover/2579853-288-k977234.jpg)
BINABASA MO ANG
A Messed Up Life Of A Dummy ( COMPLETED )
Novela JuvenilMakikiuso lang ho, madalas kasi dito sinasabi yung mga copy right ganun ganyan e hindi ako marunong nun, kaya wala nalang gagaya ha? or kukuha ng kung ano man dito. Wala tong kinalaman sa kung sino, kung ano at kung saan, lahat imahinasyon ko lang...