Nicole's POV
At pag katapos ng klase umuwi na ko sa unit ko, ang condo ko kasya siguro limang tao, ayoko ng masikip na lugar e, nasa taas kwarto ko, nasa baba sala at kitchen, tapos may dalawang banyo at may balcony na pwedeng pag sentihan hahaha
Nakahiga ako ngayon sa kama ko tinititigan ang kisame. Hihihi.
Sino kaya yung batang yon? Hindi ko na maalala hahaha
Eh?
Ahhhhh
May picture kasing nakadikit sa kisame ko, pina display ng mga magulang ko, picture siya ng dalawang bata, isang boy at girl, ako yung girl.
Ganto kasi yun.
Ang pag kakaalala ko, nasa playground ako nun, nasa slide ako, eh bigla akong nahulog, tinulungan ako ng isang batang lalaki, pag tapos non kinissan niya ko sa cheeks, e napicturan kami nina mama, kaya ayun napadevelop.
Pero hindi ko natanong pangalan niya kasi bigla na lang siyang tumakbo papalayo, 3 years old lang ata ako non e.
Hmmm.
wala kong magawa kakatamad.
Mag aral na nga lang ako.
Dun ako sa balcony, nag aral lang ako.
nag papatugtog lang ako, mas nakakapag aral ako kapag may music, hahaha
Remembering Sunday by All Time Low
TSSSS >_________<. AYOKONG MAG ARAL TAKTE NAKAKATAMAD!!
Mag jojogging na lang ako, anong oras na ba? 7 palang naman e,
Nag bihis ako ng jogging pants at tshirt,
Ayokong mag jogging ng nakashorts at sando, ano ko mag papaholdap o kidnap? Conservative naman ako kahit papano.
kinabit ko yung head set ko sa tenga ko at bumaba na
"Kuya Eric, jojogging lang po ko ha!" Paalam ko dun sa guard ng building ng unit ko
"Sige ingat ka mam San Adrias!" Maya maya may sumusunod na sakin.
Wew, di na sila nag sawa.
Hindi naman ako takot kasi hindi naman masasama ang sumusunod sakin.
Kundi mga body guard ko, yap mga body guard. Hayyy, mahirap talaga kapag napakaimportante mong tao.
Ehem, ako lang naman ang heiress ng kompanya ng San Adrias.
Company namin? Puro clothing thingies, mahilig ako sa damit e kaya yan ang ginawa nina mami na negosyo hahaha, hanggat sa kumalat na sa buong mundo.
Etong buong building naman ng condo. Kay Myrra, e syempre dahil matalik niya kong kaibigan, palagi niya kong pinapabantay. Hihihi :""">
Bumagal ng konti pag takbo ko, at nilingon yung mga sumusunod sakin.
O______O
Weh?
Nag lalakad lang sila na parang wala lang?
Eh ako nga e tumatakbo na! Sila lumalakad lang! Pano kahahaba ba naman ng legs. Tsss.
"Kuya, wag niyo na po kong sundan, baka mapagod kayo" As if naman na mapagod sila e lakad lang sila, pero syempre dapat mabait ^____________^
"Hindi po mam, icontinue niyo na lang po ang ginagawa mo, tagabantay po talaga kami"
"Hayyy osige!"
At tumakbo na ulit ako ng normal speed.
Pag dating ng eight oclock, tumigil na ko at umakyat sa condo ko
"salamat po" Sabi ko dun sa guard at sa mga tagabantay ko.
Sumaludo lang sila sakin at ngumiti.
Pag ka akyat ko, kumain lang ako ng ramen at tinry ulit mag aral.
Pero bago ako mag aral may tumawag.
*Ringtone*
"Wendy run away with me, I know I sound crazy don't you see what you do to me, I wanna be a lost boy, The last chance a better reality"
Ah si Myrra
"Oh?" Sabi ko sakanya
"Hello din! Hahahaha" Sabi niya "HI NICS!" Singit nung dalawa, hayy buti pa sila, mag kakasama sa isang bahay ako lang nakahiwalay, T___________T
"Bakit kayo napatawag?"
"Wala lang hehehehe"
"Hayyy, mag aaral lang ako ha"
"ehhh, mag telebabad na lang tayo!!"
"Oo nga naman!!" Singit ulit nung dalawa
"Eh, mahalaga kasi to, kailangan kong makahabol dun sa late ko kanina"
"Hayy sige na nga! bye bye we lab yaaa!!"
"Bye!"
At binaba ko na
Hayyy. Kakatamad maryosep.
Nakatambay lang ulit ako sa balcony, trying hard mag aral.
Tinutula ko yung inaaral ko
"The---" "ARAY KO POW!" Lekat, ano ba yon?!
Pag tingin ko, may bumato pala sa ulo ko ng papel, huh?
Binuksan ko yung crumpled paper.
"YOU. DEAD." WOOOOAAAHH ALL CAPS TALAGAAA!
Kanino naman galing to?
Ano to Death Threat? Grabe lang ha, baka wrong send.
Ano to text at may wrong send wrong send pa talaga?! hahahaha ibigsabihin ko wrong throw ng papel kayo naman -________-
Tutula na nga lang ulit ako, pero ngayon tatagalugin ko para mas matanda ko pa. Para lalong mag sink in sa utak ko.
"Ang mga---" "POTEK ANG SAKIT HA!" May bumato na naman sa ulo ko T______________T
Binuksan ko ulit, papel na naman siya e na gusot gusot.
Pero blanko lang siya, adik naman to.
Sa loob na nga lang ako mag aaral, ayokong maulanan ng crumpled papers T__________T
Nagulo buhok ko sayo e! Sino ba yun?! Panira ng gabi leche.
Pumasok na ko at nag hilamos, tooth brush at nag palit ng damit.
Siguro ibigsabihin nun, wag nakong mag aral kasi distorbo siya ng distorbo, baka yun yung nakatadhana sakin
Lol pati sa pag aaral may tadhana tadhana xD
Nahiga na ko at natulog.
Hayy panibagong araw na naman bukas.
Naaalala ko na naman yung lalaking nakabungguan ko ng dalawang beses kanina.
Hayy. Poncio siya, di marunong mag sorry,
Tsk,
Nyt.
BINABASA MO ANG
A Messed Up Life Of A Dummy ( COMPLETED )
Teen FictionMakikiuso lang ho, madalas kasi dito sinasabi yung mga copy right ganun ganyan e hindi ako marunong nun, kaya wala nalang gagaya ha? or kukuha ng kung ano man dito. Wala tong kinalaman sa kung sino, kung ano at kung saan, lahat imahinasyon ko lang...