Nicole's POV
Paggising ko, kumain na ko at naligo.
Hayy, ano naman gagawin ko sa loob ng apat na oras? Maaga ako nagising e 8, e 12 pa pasok ko.
Mag jogging nga muna ko.
Lumabas na ko at nag jogging.
Habang tumatakbo ako, alam mo yung feeling na may nakatitig sayo?
Nararamdaman ko yun ngayon.
Lumingon lingon ako.
Wala naman?
Nilaksan ko na lang lalo ang pinapatugtog ko
How To Save A Life by The Fray
Kakanta na sana ako kaso.
"Aray koooo!"
Bigla akong nadapa T____________T
Nag takbuhan yung mga guards sakin
"Ayos lang po kayo mam?" Tanong ni kuya guard, bata pa to, siguro nasa twentys pa lang.
"Ah, oo ayos lang ako."
Napatingin ako sa semento
"Awwww"
May dugo sa semento
"May sugat kayo mam!" Sabi ni gwapong guard
"Saglit mam kukuha ako ng first aid!" Sabi nung isa, dalawa lang sila, yung isa siguro twenty fives na, hmmm gwapo tong twentys
Hinintay kong bumalik yung isa
"Hayy, tagal naman nun" Sabi ni kuya
"Ansakit" Sabi ko, napatingin ako dun sa ilang patak ng dugo sa semento, hmmm may papel?
Pinulot ko. at tinago sa bulsa ko.
* Shrieeeekkk *
Parang punit yun ah
Napansin ko na lang na may binabalot na cloth si kuya sa sugat ko sa tuhod
"Halika na, bubuhatin na lang kita, baka abutin tayo ng hapon kahihintay dun e"
"Ah? O-okay" Alangang tumanggi pa ko e ang sakit ng sugat ko
Napansin ko yung uniform niya, may punit, hahaha siguro dun niya kinuha yun xD
Pinag masdan ko katawan niya habang buhat buhat niya ko, maputi naman, macho, gwapo at mukhang alagang alaga balat, at mukhang mayaman.
Kung mayaman to bakit siya mag tatrabaho bilang body guard ko? Utak naman Nics.
"Nicole masakit ba?" Tanong niya, ngayon niya lang akong tinawag na Nicole ah
"Oo ahhh"
"Aldrich" Sabi niya sabay ngiti
"Ahh, bata ka pa no?" Sabi ko sakanya
"Ya, I'm only 20" Sabi niya, pakiramdam ko bumagal ang pag lalakad niya, ewan ko ba.
Edi bale 2 years lang gap namin.
"Bakit ka nag tatrabaho dito?" Parang komportable akong kasama siya, ewan ko ba.
"Wala lang, trip ko lang, wala akong magawa e hahaha,"
"Ahh anung oras shift mo dito?"
"8 am to 12 pm. Tapos 6 hanggang 9 Pm"
"Ah bakit ganun?"
"Kasi pumapasok ako e, libangan ko lang to." ^___________^ yan ang mukha niya nang tumingin siya sakin.
BINABASA MO ANG
A Messed Up Life Of A Dummy ( COMPLETED )
Novela JuvenilMakikiuso lang ho, madalas kasi dito sinasabi yung mga copy right ganun ganyan e hindi ako marunong nun, kaya wala nalang gagaya ha? or kukuha ng kung ano man dito. Wala tong kinalaman sa kung sino, kung ano at kung saan, lahat imahinasyon ko lang...