Chapter 59 Olympics

517 5 0
                                    

Nips*

Hindi ako makatulog sa sobrang ka excitedan para bukas! Weh talaga Nix ha? Yun ba dahilan? Hindi po T^T Oh diba, ano yung dahilan talaga? Nag picture picture si Lay gamit selpon ko nung nakatulog ako sa balikat niya T^T Yan very good. Huhu konsensyaa why u so sungit to me? T^T

"Huy, tulog na, mag aalauna na" sabi ni Myrra na naalimpungatan ata

"Opo mam." pero hindi pa rin ako tumigil kakasoundtrip. Pero nakatulog din ako.

--------------

Morning. Naligo na kami ni Myrra at nag bihis, ang suot ko ay rubber shoes, alangang mag boots ako diba? Tanga lang? Nag jogging pants ako na may leggings na maluwag sa loob tapos may boxers pa ko sa loob nun. Tapos may sando ako at tshirt, tapos manipis na sweater tapos jacket na may hood. Okay na, hindi na ganung kalamig, actually hindi naman talaga ako lamigin, yung katawan ko yung nilalamig hindi ako -,-

Nung handa na kami ni Myrra bumaba na kami at nag almusal, Pancakes na may Sausage at Hotdogs. Tapos may omelet din. Vongga! Nag sipilyo kami at lumabas na ng bahay.

Nag sama sama na kami ng Exo Team, at SHINY Team ( Team yan ng Shinee at mga iba) 

Nag lakad na kami papunta dun sa Ajubalu Stadium xD

Nag soundtrip na ko, si Myrra naman ayun nakay Kaso -,-

May kumuha ulit ng irfongs ko. Guess who? Ang aking ultimate crush.

NP - MAMA by EXO M.

"Lay, uhm pwede sabayan mo yung kanta?" tanong ko.

"Ya ya sure" Sabi niya at ngumiti tas kumanta, napapansin ko ngang napapasayaw siya eh.

Lay*

Bagay na bagay talaga sakanya mga hoodie. Grabe, pinakanta niya din ako, hindi ko nga mapigilang sumayaw e

"Wah, I can't believe Zhang Yixing is beside me" bigla niyang sabi

"Well, believe it" And also believe that Me, Zhang Yixing is inlove with you, a guy that has never been inlove.

Natawa nalang siya, maya maya nag iba na kanta, Lover Boy by Btob. Kumakanta pa siya oh.

"Woah woah, sino yung kumakanta ng kanta namin?" sabay na tanong ni Peniel at Minhyuk na nasa likuran namin.

Tinaas ko braso ko at itinuro tong katabi ko, natawa lang siya hahaha ang cute potek

Nakita kong sina Luhan at Sehun naka thumbs up sakin. HAHAHAHA, salamat sa support! :">

I'm so kilig.

"Oh andito na tayo" sabi ni Aldrich pag dating namin sa Ajubalu Stadium xD

Wala gaanong tao, konti lang, sino ba namang gusto manigas diba? HAHA Kahit ako lamigin, para kay Nic na mukhang hindi naman nilalamig, gagawin ko to. Sayaw pa ko ng naka boxers lang eh okay lang.

Nag tataka nga ako kay Nic, balot na balot pero sa kilos niya hindi siya nilalamig, hindi ko pa nga siya nakikitang kilabutan manlang e.

Pag pasok namin, nag pa register kami ng mga pangalan at nag laro na, nung una kung sino sino nakalaban namin. Palagi lang akong nakatitig kay Nic, mabilis tumakbo, magaling mag badminton at basketball, mataas din tumalon, siguro kasing taas niya na tumalon si Tao. Pero pag dating sa archery, ang weak niya hahaha.

Maya maya dineclare na si Nic daw may pinakamaraming medals, pag kaalis ng mga tao, bilang prize daw kay Nic, kanyahin na daw namin tong stadium at mag laro ng one to sawa xD

A Messed Up Life Of A Dummy ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon