IJO18-62

677 28 1
                                    

Vanna POV

Umagang umaga nandito kami sa labas namamasyal.

Mommy told me na ipaaraw yung kambal dahil vitamin daw yun sa balat.

Ang dami kong natututunan kanila mommy at mama. Gora din naman akong matuto dahil para sakin din naman yun.

Si manang karga si Rayleigh habang karga ko naman si Ryle. Minsan sabay silang gising ng gabi kaya medyo kulang din ako sa tulog lalo na si Trevor na may pasok pa sa kompanya.

Masaya ang maging ina. Nakakatuwa sa puso pag ngumingiti ang kambal habang tulog.

Nilalaro daw sila ng mga anghel nila sabi ni manang.

"Aalis na ako misis ko." sabi ni Trevor na papalapit samin.

Naka office suit na siya.

"Nag almusal ka na ba?." tanong ko.

Lumapit siya kay manang at kinarga si Rayleigh.

"Kakatapos ko lang misis ko. Syempre kahit di naman ako mag almusal o kumain maghapon. Makita ko lang kayo busog na ako." sagot niya.

Natunaw naman ako puso ko.

Napangiti na lang ako habang pinoproseso ng utak ko ang sinabi niya.

Dumadamoves na naman ang loko.

"Oo na lang. Baka malate ka pumasok ka na." sabi ko.

Bigla naman siyang umupo at humawak sa ulo niya.

"Parang sumakit ulo ko." alibi niya.

Hay nako. Nagpapalusot na naman para hindi makapasok.

Noong isang araw ganyan din ginawa niya. Akala ko may sakit talaga siya hanggang maghapon maayos naman ang pakiramdam niya kaya nakatikim siya ng sapak sakin.

"Papasok ka ba o kakaladkarin kita palabas?." pagbabanta ko.

Napalunok naman siya sa kaba.

"Misis ko naman. Mahal na mahal mo talaga ako. Huhuhu" sagot niya at kunware umiyak.

Napapoker face na lang ako.

"Bibilangan kita." sabi ko.

Tumayo naman siya at binigay kay manang si Rayleigh.

"Eto na misis ko. Hehehe. Hindi ka na mabiro." sagot naman niya saka kunware tumawa tawa.

Baliw. Nagiging isip Bata na naman.

"Ewan ko sayo Trevor." saad ko.

Nagmartsa na siya paalis pero lumingon pa ulit siya saka nagflying kiss.

Masuka suka naman akong sinusundan siya ng tingin.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni manang sa tabi ko.

Ilang minuto lang kaming nag stay sa labas after non pumasok na kami.

Tinitimplahan ko ng gatas ang kambal nang marinig ko ang pagpatay ng makina ng kotse sa harap ng bahay.

Nagtaka naman ako kung sino yun dahil wala naman akong inaasahang bisita sa ngayon.

Naglalakad si manang papalapit sa pinto hanggang sa buksan niya iyon at tumambad si Dad at Mom.

Miss na naman nila mga apo nila.

"Mom, Dad. Naparito po kayo." saad ko.

Dali daling pumasok si mom habang si dad may bitbit na dalawang sky blue na teddy bear.

"Nagpahatid ako sa daddy mo dahil nababagot lang naman ako sa bahay kaya nagpunta ako dito." sagot ni mommy.

"Hay nako. Miss na niya kasi ang kambal." sabat naman ni Dad.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon