IJO18-63

659 28 1
                                    

Vanna POV

Tulala lang ako sa pintuan ng emergency room.

Ayaw mag sink in sa utak ko na binaril ang daddy ko.

May mga tanong din na gumugulo sa utak ko.

Bakit binaril si daddy?

All I know, wala naman siyang naging kaalitan. My dad is great. Never siyang nakipag away because of business kaya bakit siya pag iinteresan na ipapatay ng kung sino?

At yung mata ng gunman. It seems familiar. Parang nakita ko na siya. I don't remember kung saan.

Naalala ko yung sinabi niya kanina.

Bakit hindi ko man lang napansin na signos na yun na may mangyayaring masama?

Napayuko na lang ako hanggang sa isa isa nang nagsituluan ang luha ko.

Nakarinig ako ng nagmamadaling yabag kaya napalingon ako sa hallway at nakita ko si Kuya Ran na nagmamadaling maglakad papalapit sakin.

Napatayo agad ako at sinalubong siya ng yakap.

Naalala ko. Dito nga pala naka destino si kuya.

Niyakap niya din ako ng mahigpit kaya mas lalo akong napaiyak.

"K-kuya si D-dad." nabubulol na saad ko habang humihikbi.

Pinapat niya lang ang ulo ko pero ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.

Pinipigilan niya ang sarili niyang mag burst out.

"I know. May nakapagsabi sakin na dinala siya dito kasama mo. I'm at the operating room kaya hindi agad ako nakasunod sainyo." mahabang saad ni kuya.

Humiwalay naman agad ako sa yakap ng lumabas yung doctor sa emergency room.

Bagsak ang balikat niya habang nakatingin samin.

Parang gumuho ang mundo ko ng dahan dahan siyang umiling.

"Doc what does it mean? You did it right? You save him right?" sunod sunod na tanong ni kuya.

"I'm sorry. We did everything we could just to save your father. The other bullet hit his heart. He didn't manage to fight." saad ng Doctor at nag excuse na.

Lumingon ako kay kuya na lumuluha na din.

"Kuya" tawag ko sakanya.

Napaupo na lang siya sa bench at humagulgol. Humihikbi lang ako habang pinoproseso ng utak ko na patay na ang daddy ko.

Ang sakit. Sobrang sakit.

Parang may nawala sa pagkatao ko nang sabihin ng Doctor na wala na ang daddy ko.

Ilang minuto lang kami don ng kumalma na si kuya at inaya ako sa lobby dahil dadalhin na si Dad sa morgue.

Mugto ang mata ko habang nakaupo sa sofa sa waiting area at may hawak na mineral water. Si kuya naman umiiyak ulit sa tabi ko habang may kausap.

Siguro si mommy at kuya.

Hindi pa rin ako makapaniwala na patay na ang daddy ko.

Wala na ang daddy ko.

Isang masaganang luha ang tumulo mula sa mata ko.

"Nasa morgue na si Dad sabi ng kaibigan kong nurse. Gusto mo ba siyang tignan? Mom is on the way likewise Rafael." sabi ni kuya habang hawak yung kamay ko.

Hindi ako nagsalita bagkus napatungo lang ako at tahimik na lumuluha.

"Wag kang masyadong emotional. Alam kong masakit pero tatagan mo ang sarili mo. Hindi ka pwedeng mastress Vanna. Kawawa ang kambal pag iniwan mo sila dahil bagong panganak ka pa lang." sabi ulit ni kuya.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon