IJO18-16

4.6K 91 1
                                    

Trevor POV
Naghahanda ako ngayon. Aalis ako eh. Pupunta ako sa Company ng Daddy ko. May importante daw na sasabihin eh. Today is Monday at start din ng home schooling ni Vanna.
So yun matapos Kong mag ayos lumabas na ako sa kwarto ko.
Naiinis nga ako eh. Medyo di maluwag saken yung kwarto ko. Huhuhu gusto ko Pa sanang magreklamo kaso baka magkaroon ng giyera dito sa bahay. Nakakatakot Pa naman si Vanna. Hay. Iba talaga pag Buntis. Napapansin ko lagi din siyang galit saken. Pinaglilihian niya kaya ako? Hehehe
Natutuwa din ako dahil nabili ko na tong bahay na to. Aba dati pinapangarap ko lang to ngayon nakapangalan na kayo Vanna. Oo sakanya ko pinangalan tong bahay na to. Sweet ko ba? Hahaha. Mabuti nga hindi siya nagreklamo eh. Hindi talaga magrereklamo yun dahil nasa Masters Bedroom siya. Ayaw niya akong katabk matulog eh. Hindi naman ako mabaho. Gwapo lang. Hehehe
Anyways. To na nga may nilusot akong papel sa kwarto niya. Note ko yun. Ayoko na kasi siyang istorbohin sa tulog niya.
So yun after Kong malusot yung papel bumaba na ako para pumunta sa kotse ko. Natapos naman na ako sa pagluluto ng breakfast niya. Maghahire Pa ako mamaya ng katulong sa para sa mga gawaing bahay. Hindi kasi alam ni Vanna magluto eh. Sigurado ako pag yun nagluto sunog ang bahay. Hehe.
Sshh. Lang kayo ha. Wag niyo kong isusumbong. Hehe
Nagdadrive na ako papunta sa kompanya ni Dad. Halata ko parang ang saya saya ko ngayon? Hmm. Baka nasa goodmood lang ako. Hehe
Pagkatapos ng ilang minutong pagmamaneho nakarating din ako sa Kompanya. Kilala naman ako ng guard dito at mga impleyado ni Dad kaya wala akong naging problema sa pagpasok. Bawat madaanan Kong babae napapalingon saken at kikiligin.
Nknang. Iba talaga pag gwapo. Hahaha
"Sir Trevor. Diretso na daw po kayo sa office ng Daddy niyo sabi niya"sabi nung assistant ni Dad.
Tumango naman ako at dumiretso nga sa office niya. Nasa top floor Pa yun kaya nag elevator na lang ako hanggang sa makarating ako sa mismlng office ni Dad. Kumatok muna ako saka pumasok.
Pagpasok ko naabutan ko siyang may pinipirmahan sa isang folder habang naka eyeglasses Pa.
"Trevor. You came. Maupo ka muna"sabi niya habang tinatapos yun.
Sumunod naman ako saka naupo sa harapan niya. Sinara naman na niya yung folder saka tinanggal yung glasses niya at napatingin ng seryoso saken.
Chill lang naman ako dahil gwapo ako. Hahahaha
"Hindi ko aakalaing tataas ang ratings naten simula nong nagmerge ang kompaya naten sa mga Carbonel"sabi ni Dad na parang masaya.
Tumatango tango lang naman ako.
"Naalala ko noong nagsisimula Pa lang kami ng Daddy ni Vanna sa pagpapatayo ng Business. Madami kaming pangarap noon hanggang sa nasira ang pagkakaibigan namin at nagkanya kanya kami. Dahil sa inggit nagkaroon ng lamat ang dating kami"sabi niya saka tumayo at pumunta sa isang drawer habang kinukuha yung isang litrato doon.
Nagulat naman ako ng makita si Dad na masaya habang nakaakbay sakanya si Papa.
So magkaibigan nga talaga sila noon? Wow naman. So parang destiny kami ni Vanna? Ugh. Hindi nga pala ako naniniwala sa Destiny. Hahaha
"Panatag na ang loob ko dahil maayos na kami at nakabalik na sa dati ang nagkalamat na pagkakaibigan namin. Salamat sainyo ni Vanna anak"sabi ni Dad saka napangiti.
Napangiti naman ako at tumayo saka niyakap siya.
"Wala yun Dad."sabi ko habang tinatapik tapik yung likuran niya.
Humiwalay naman agad ako sa yakap at naupo ulit.
"Pero Dad. Bakit mo Pa ako pinapunta dito kung ikukwento mo lang yung nakaraan niyo ni Papa. Kawawa naman si Misis ko dun. Mag isa tiyak na hahanapin ako nun. Alam niyo naman gwapo. Hehehe"sabi ko saka napangisi.
Dami Pa kasing satsat ni Dad. Di Pa lang sabihin kung bakit niya ko pinapunta dito. Nababagot Pa naman ako. Hayyy.
"Ang habang mo talaga kahit kelan. Buti at natitiis ka ni Vanna. Anyway. Pinapunta kita dito para sabihin sayo na simula bukas ikaw na ang uupo sa pwestong ito"sabi ni Dad saka napahawak sa swivel chair niya.
Nanlaki naman mata Kong napatingin sakanya.
Woo. I'm surprised.
"P-pero Dad. I'm not yet graduate. Baka di ko mahandle ng maayostong Company"sabi ko.
Alam niyo naman ako puro pambababae lang ang alam. Hahaha
"I trust you son"sabi ni Dad na nagpatibay ng loob ko.
Napatayo na naman ako at nayakap sakanya.
Pakiramdam ko may care na saken ang mga magulang ko simula nang dumating si Vanna sa buhay ko. Kailangan ko Pa lang mag thank you sakanya. Mabilhan nga siya ng pasalubong mamaya.
"Salamat Dad. That's mean a lot to me"sabi ko.
Humiwalay ulit ako sa yakap at napangiti.
"You deserve it. Besides bubuo ka na ng sarili mong pamilya. You need to hard work for Vanna and to our apo. Itigil mo na ang mga gawain mo or else di kita pamamanahan"sabi niya nagpasimangot saken.
"Dad naman. That's unfair. Alam niyo naman di ba? Gwapo ako kaya habulin ng babae. Marami Pa namang umiyak nung nakasal kami ng Misis Ko"sabi ko.
Napapoker face naman si Dad saka naupo na sa swivel chair niya.
"Hay naku Trevor. Umalis ka na baka hinihintay ka na ni Vanna and tomorrow. Magsisimula ka na"sabi niya saka nagbuklat ng folder ulit.
Nagpaalam naman na ako habang nakangiti. Hehe. Ang saya lang. Magiging CEO agad ako.
Anyway so yun. Pagkalabas ko ng Company dumiretso agad ako sa kotse ko at nagdrive pauwi. Nagstop over naman ako sa supermarket para bumili ng grocery at green apple para sa Misis ko. Gustong gusto niya to eh. Pagkatapos ko mamili lumabas na ako saka nagdrive pauwi.
Nakarating naman din agad ako sa bahay. Pagbaba ko ng kotse nadatnan ko yung Misis ko na nagbabasa ng Wattpad book sa Veranda.
Lumapit naman agad ako sakanya habang nakangiti. Bigla naman siyang nagulat nung makita niya ako.
"Oh my goodness. Papatayin mo ba ako sa gulat?"sabi niya habang nakahawak siya sa dibdib niya.
Aba. Magugulatin talaga tong Misis Ko. Hehe
"Sorry naman. Hehe. Masaya lang ako. May Good news kasi ako at Surprised."sabi ko sakanya.
Napatingin naman siya saken habang nakapoker face.
"Ano naman yun?"mataray na saad niya.
Huhuhu. Bakit ba lagi na lang mainit yung dugo saken ng Misis ko. Nahuhurt kaya ako.
"Tomorrow magwowork na ako sa company namin as a Chief Executive Officer and Green Apples for you Misis Ko"masayang sabi ko at binigay sakanya yung Green Apple.
"Ah. Okay"sagot niya saka kinuha yung Green Apple.
"Ah. Okay? Yan lang sagot mo? Wala man lang Hug? Or Kiss?"sabi ko.
"Gusto mo ng Sapak?"sagot naman niya saka inamba saken yung Kamao niya.
Hmp. Iba talaga manlambing tong Misis Ko. Gusto niya talaga yung ramdam na ramdam ko yung Love niya. Hehehe

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon