IJO18-37

3.7K 77 2
                                    

Vanna POV
Today is Tuesday. Maayos naman ang nangyari nung mga nakaraang araw at maayos na kami ni Trevor. Hihi. Ang ganda ko kasi kaya siya na in love saken. Haha. Ugh. Nahahawa na ako sa kayabangan ng siraulong Playboy na yun. Tss.
Anyways nandito ako sa bahay nina Mama. Magpapaturo ako magluto eh. Hihi. Balak ko kasing hatidan ng baon si Trevor for lunch. Si Mommy kasi wala. Nagbusiness trip sila ni Daddy sa New York pero makakadating naman sila bago magpasko. Ang dalawang kuya ko naman busy masyado sa work kaya wala kaming time para mag bonding sa isat isa.
So yun nasa kitchen na kami at naghahanda na ng mga ingredients para sa paboritong ulam ni Trevor na adobong atay ng manok.
Akalain mo yun nag uulam pala siya ng ganun. Hahaha. Akala ko kasi maarte siya eh. Lagi ba namang ipinagmamayabang na gwapo siya.
"Alam mo kasi simula nung matikman to ni Trevor naging paborito na niya."sabi ni Mama.
"Ganon po ba. Di Bale po Ma imememorize ko po kung pano lutuin yan para nakahanda ang cooking skills ko kung sakali mang ipaluto niya yan. Hahaha"sabi ko saka natawa.
Natawa din maman si Mama saka nilagay yung Pan sa electric cooking stove. Pinainit niya muna saka nilagay yung olive oil. Tapos pinainit niya ulit saka nilagay yung bawang at sibuyas.
Pinapanood ko lang yung ginagawa niya. Parang nakakainggit tuloy dahil marunong sila magluto samantalang ako. Nganga. Haha
After naman nun nilagay na niya yung Atay ng manok tapos hinahalo niya tapos nilagay yung pineapple juice. Tapos yung toyo at konting suka tapos hinayaan niya munang kumulo.
Naaamazed ako sa twing maaamoy ko yung niluluto ni Mama. Nakakatam kase. Huhu
Nung naluto na ni Mama pinaglagay niya ako ng niluto niya sa maliit na pinggan.
"Try mong tikman tamo masarap"sabi ni Mama saka binigay sakin yung maliit na pinggan.
Inamoy ko naman yun at naglaway agad ako. Waaaww. Unang beses Kong makatikim nito sa tanang ng buhay ko. Hihi
Tinikman ko naman yun at nagulat na lang ako dahil masarap pala. Napatingin naman ako Kay Mama na nakangiti lang sakin habang nginunguya ko yun.
"Masarap?"tanong ni Mama.
"Ayy opo. Sobrang sarap Ma"sabi ko.
Napatawa naman siya at naghanda na para sa ihahatid Kong baon ni Trevor.
Nung maihanda niya binigay na niya sakin at tinawag ang driver nila para ihatid ako sa company.
"Salamat po sa time niyo Mama. Nag enjoy po ako. Sa uulitin"paalam ko nung nakasakay na ako sa kotse nila.
"Walang anuman iha. Basta balik ka ulit dito"sabi niya habang nakangiti.
Napatango naman ako saka nagwave na bago umandar yung kotse.
Habang nasa biyahe hindi ako mapakali dahil first time Kong pumunta sa company nina Papa. Hindi din alam ni Trevor na dadalhan ko siya ng pagkain for lunch. Hihi. Mabilis din naman kaming nakarating agad dahil hindi masyadong traffic. Pagkapark ni manong bumaba muna siya para alalayan akong bumaba dahil ang laki na nang tiyan ko. Sabi nila hindi daw normal ang laki ng tiyan ko sa isang bata lang. Napapangiti na lang ako sa pagpupuna nila sakin. Nagpaalam na sakin si manong at ako naman pumasok na sa company nila Papa. Dumiretso lang ako ng lakad hanggang sa lobby.
"Miss. May I talk to Mr. Trevor Villegas?"tanong ko sa receptionist na babae.
Napatingin maman siya sakin at tinaas ang isang kilay.
Woah? Taray naman ng babaeng to.
"Just wait a second mam"sagot niya at may idenial sa telepono at may kinausap tapos tumingin siya sakin.
"Ano daw po pangalan niyo mam?"tanong niya sakin.
"Ivanna"sagot ko.
Sinabi naman niya yung pangalan ko sa kausap niya saka binaba na ang telepono.
"Maghintay na lang po daw kayo sa waiting area. May meeting kasi on-board si Sir."sabi niya.
Napatango naman ako at nagtungo na sa waiting area. Naupo ako sa sofa at kumuha ng magazine.
Mangangalahating oras na akong nakaupo nang may marinig akong pamilyar sakin.
"Misis kooo"masayang sigaw niya saken.
Napalingon naman ako at nakita si Trevor na papalapit sakin habang nakangiti.
Napatayo naman agad ako.
"Misis ko. Nandito ka woah"hindi makapaniwalang sabi niya.
Natawa naman ako sa itsura niya.
"Bakit? Bawal ba ako dito?"mataray na tanong ko.
"Hindi naman misis ko. Hehe pasensya ka na may meeting kasi kami kanina eh. Tara na sa office ko."sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Namula naman ang pisngi ko sa ginawa niya. Napatingin naman ako sa paligid at nagulat ako nang makita yung mga kababaihan na umiiyak at parang nagluluksa pati yung babaeng receptionist.
Hala? Parang namatayan lang. Grabeng mga babae to.
So yun pagkarating namin sa office niya niyakap niya agad ako saka hinalikan.
Hindi niya ako na miss. Hihi
Nung nararamdaman Kong lumalim ang halik niya tinulak ko siya agad.
"Bakit misis ko? Ngayon na nga lang ako makakaiskor eh."sabi niya saka napakamot sa ulo.
Napapoker face naman ako at binato sakanya yung baon na niluto ni Mama. Buti nasalo niya.
"Napakalandi mo talaga kahit kelan"sabi ko naman.
Lumapit naman siya sakin at niyakap ako mula sa likod.
"Lalandi lang ako pag ikaw ang kalandian ko."sabi niya.
Natahimik naman ako sa sinabi niya at namula.
Enebey. Sweet sweet niya masyado. Haha.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at pinaupo sa mini sofa niya.
"Sino nagluto nito?"tanong niya habang binubuksan yung baon.
"Si mama syempre"sagot ko.
Para naman siyang batang hindi nakakain ng isang taon dahil sa titig niya sa adobong atay ng manok.
Nababaliw na ata to. Hahaha
"Talagang alam ko na si Mama ang nagluto nito. Di mo naman alam magluto eh"sabi niya.
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya at matalim ko siyang tinignan.
Nilalait ba niya ako?
"Ulitin mo nga yung sinabi mo?"sabi ko.
Mukhang nagulat naman siya at napatingin sakin habang nakangiti.
"Hehehe. W-wag mo na lang pansinin yun misis ko"sabi niya.
Mukha naman siyang natakot kaya hinayaan ko na lang.
Under to saken eh. Takot mabugbog. Hahaha. Buti na lang nagkaroon ako ng dalawang kuya. Natutunan ko tuloy sakanila kung pano lumaban. Hehe
So yun hinayaan ko lang siyang kumain habang nagmumuni Muni ako sa office niya. Napangiti naman ako ng makita ang picture namin noong kinasal kami na nakadisplay sa table niya.
Naalala ko. Noong araw na yun mismo parang gusto Kong umatras dahil wala naman kaming intimate relationship hanggang sa hindi ko namalayan. Unti unti ko na pala siyang minamahal. Tanggap ko kahit na Playboy siya. Mahal ko eh. Hihi
Anyways. Ayun meron palang sliding door tong office niya. Inopen ko yun at lumabas habang tinitignan ang buong lungsod ng kaMaynilaan.
Ang ganda. Tanaw na tanaw ko ang lahat mula dito. Nakakalula. Hihi
Nakatanaw lang ako sa magandang view nang maramdaman Kong may mga bisig na yumakap sakin mula sa likuran. Napangiti naman ako nang maamoy ang pabango niyang nakakaakit.
"I love you"bulong niya sa tenga ko.
Umikot naman ako at hinarap siya saka hinawakan ang pisngi niya.
"I love you too"saad ko.
Napangiti naman siya at ipinatong ang palad niya sa kamay Kong nasa pisngi niya.
"Salamat at pinaramdam mo ang kulang sa pagkatao ko. Ang saya saya ko at hindi ko kakayanin pag nawala kayo sa buhay ko"sabi niya.
Napangiti ako at tinitigan ang malamlam niyang mga mata.
"Hindi kita iiwan. Hindi ka namin iiwan"sagot ko.
Napangiti naman siya at hinalikan ako. Ramdam ko na napaka passionate nun. Isang totoong halik.
Isang totoong halik na galing sa isang Playboy.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon