IJO18-46

3.1K 62 2
                                    

Vanna POV
Today is February first. 7months na ang tummy ko at mas lalo pang lumaki. Huhu. Feeling ko ang pangit ko na kasi naman umiitim ako tapos ang taba. Huhuhu. Subuk subukan lang akong ipagpalit ng babaerong yun malalagot ang ibon niya sakin. Bwahahaha. Nagiging bad na talaga ako. Ganito siguro kapag buntis masyadong madrama. Laging may mood swings at parang dragon kung magalit. 7 months na ang kambal ko. 2 months na lang lalabas na sila at sobrang excited na ako. Hindi ko Pa alam kung anong mga pangalan nila eh pero gusto ko yung mga unang pangalan nila nagsisimula sa letter R kagaya ng 2 Kong kuya. Hihi
Anyways nakasakay ako sa kotse ko ngayon papuntang Mall. Hindi ko Pa alam magdrive eh kaya naghire si Trevor ng personal driver ko.
Natapos na nga pala namin yung photoshoot at pinersonalized na nila yun. Nagpagawa si Trevor ng malaking frame picture ko at isinabit niya sa salas namin. 2 yun eh yung picture Kong nasa beach yung dinisplay niya sa sala at yung picture naman namin na kuha sa Star Gazer Garden dinisplay niya sa kwarto namin.
So yun pagkaraan ng ilang minuto nakarating na kami sa Mall. Bumaba naman si Kuya Ramon na driver ko at pinagbuksan ako ng Pinto habang inaalalayan akong lumabas.
"Hintayin niyo na lang po ako dito Kuya. Kakausapin ko lang yung dalawang kaibigan ko"sabi ko paglabas ko.
"Sige po mam"sabi naman niya.
Mga nasa 50s or 60s na si Kuya Ramon medyo matanda na din pero naghahanap buhay Pa rin kaya nga saludo ako sakanya eh. Isa siyang dakilang ama ng tahanan at tatay. Nakikita ko tuloy sakanya si Daddy.
Kinalkal ko yung bag ko at nanguha ng 3K sa wallet ko at kinuha ang palad ni Kuya Ramon at nilagay dun yung pera.
Naguguluhan naman siyang nakatingin sakin habang nakangiti naman ako.
"Mam. Hindi ko po ata matatanggap to"sabi niya habang nakatingin sa parang nasa palad niya matapos Kong bitawan ang kamay niya.
"Naku para sayo po talaga yan. Ibili niyo po ng gamit ng mga anak niyo at ng asawa niyo"sabi ko habang napangiti.
"P-pero mam. Nakakahiya naman po"sabi ulit niya.
"Tanggapin niyo na po. Sige na"pagpupumilit ko.
Tumango na lang siya at ngumiti sakin.
"Maraming salamat po mam"sabi niya.
Napangiti naman ako at nagpaalam nang papasok sa loob baka kasi naghihintay na si Olive at Zy sakin eh.
Pagpasok ko nakita ko din agad silang nagwawave sakin. Napangiti naman ako at nagpunta sakanila.
"Grabe ang taba mo na bakla"panlalait ni Olive.
Napasimangot naman ako.
"Pretty ka din naman eh. Ikaw kasi bakla daldal ka ng daldal eh"sabi ni Zy at pinalo palo si Olive.
"Haha. Sorry naman. I'm just stating the obvious pero ang ganda mo Pa rin bruha"sabi ni Olive sakin.
Lumapad naman ang ngiti ko sakanila.
"Hay naku mga bakla kumain muna tayo dahil nagugutom na ako"sabi ko at lumakad na.
"Halaaa. Ginugutom ka ba ni Papa Trevor?"tanong ni Olive.
Nasa gitna nila ako at nasa gilid naman sila.
"Hindi no. Nagugutom lang talaga ako"sabi ko.
"Magtatanghali naman na eh."sabi naman ni Zy.
Nagdadaldalan lang kami hanggang pumunta kami sa Yellow Cab. Umorder na kami at naupo sa labas na may mga table at chairs.
"Bakit mo nga pala kami pinatawag bakla?"tanong ni Olive.
Tumingin naman ako sakanya saka kumain.
"Balak ko na kasing magpa baby shower eh. At kailangan ko ang tulong niyo"sabi ko.
"Ay gora ako diyan"sabi ni Zy.
"Ako din. Hihihi"sabi din ni Olive.
Napangiti naman ako sakanila.
I really love my friends. Wala silang pag aalinlangan pag kailangan ko ang tulong nila.
After naming kumain tumambay Pa rin kami dun. Naglabas naman ng ballpen at papel si Olive para itake note yung mga kailangan sa baby shower party ko.
"Ano bang favorite color na gusto mo bakla?"tanong niya.
Napaisip naman ako.
Lalaki ang kambal ko kaya dapat panglalaki din ang kulay syempre.
"Skyblue"sabi ko.
Napatingin naman siya sakin at napangiti.
"Aba I smell something ah"sabi niya.
"Hoy wag kang chismosa bakla. Basta Vanna ninang ako. Hihi"sabi ni Zy.
"Ayy ako din Ninang. Hahah"sabi naman ni Olive.
"Anong ninang ka diyan? Ninong ka dapat. May ibon ka kaya no"sabi ni Zy.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Ah basta ninang ako"matigas na sabi Pa rin ni Olive.
"Oo na. Ninang na kayong dalawa. Hahaha"sabi ko.
Ayun nag usap usap lang kami nang may tumapik sa likuran ko.
"Vanna?"sabi niya sa pangalan ko.
Tumingala naman ako at nakita si Mike.
"Oh? Ikaw pala"sabi ko.
Ngumiti naman siya at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Sabi na ikaw ulit yan eh. Kamusta ka?"tanong niya sakin.
"Maayos naman"sagot ko.
"Ehem."sabi ni Zy.
Napatingin kami sakanila.
Nakalimutan ko nga Pa lang sabihin sakanila na magkaibigan na kami ni Mike.
"Kelan Pa kayo naging okay aber?"tanong ni Olive habang may mapanuring tingin.
"Haha. Olive naman. Friends na kami ni Vanna."sabi ni Mike.
Hindi naman tumawa o ngumiti si Olive.
"Hay naku. Wala akong tiwala sayo. Hindi ko Pa rin makakalimutan yung sinabi ni Vanna na hinaharass mo siya sa Mall noon. Buti na lang meron si Papa Dale kung wala huhuntingin kita"sabi ni Olive saka tinuro turo si Mike.
Hindi naman natinag si Mike at nakangiti lang siya habang kami ni Zy tahimik lang.
"Hindi ko naman na uulitin yun. Nadala lang siguro ako ng stress at hindi pagtanggap sa nangyari"sabi ni Mike at napatungo.
Nalungkot naman ako at napatingin kay Olive na nanlalaki ang mata sakin.
"Ano?"tanong ko sakanya.
"Hay naku"sabi ni Olive.
Napatingin naman ako Kay Mike na nakatungo Pa rin.
"Alam niyo guys forgive and forget na. Tapos na yun okay?"sabi ko sakanila.
Inirapan naman ako ni Olive.
Nag usap usap na lang kami at medyo okay na din si Olive kay Mike ulit. Sira talaga yung bakla na yun ang laki ng galit kay Mike pero naiintindihan ko naman siya dahil sinaktan ako ni Mike but now sabi ko nga kanina. Forgive and forget. Kahit na sobrang sakit yung nakaraan. Kahit ilang beses ka niyang sinakta ng paulit ulit. Ipinagpalit ka man sa malapit isa lang ang tamang way para maghilom yung sugat at maibsan yung sakit. Forgive. At kalimutan ang nakaraan dahil kailangan mo nang magfocus sa kasalukuyan. Forget.
Hindi dapat pairalin ang poot at galit dahil hindi mo matatakasan ang nakaraan kung meron Pa yun sa puso mo. Kailangan mo lang tanggapin at patawarin ang mga taong nanakit sayo. Hindi habang buhay kailangan mong dalhin yung sakit. Minsan kailangan mo ding palayain ang sarili mo para di ka na masaktan.
Dahil ang Diyos mismo ang nagpaplano kung sino ang nakatadhana sayo at naniniwala ako na yung taong yun yung Mas kesa sa nanakit sayo at pinagpalit ka sa malapit.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon