IJO18-11

5K 82 0
                                    

Trevor POV
Napabuntong hininga na lang ako habang paulit ulit na nag eecho sa utak ko yung sinabi niya.
Buntis ako!
Ugghhh. Nknang. Hindi pwede to. Maraming iiyak na babae pag nalaman nilang matatali na ako. Pero mali din yung hindi ko siya panagutan eh. Ako ang nakauna sakanya kaya malamang ako ang tatay ng bata sa tiyan niya.
Napahilamos na lang ako ng palad sa mukha saka napatingin sakanya habang nakatayo siya at may kausap sa phone.
Hindi ako makapaniwala. I'm going to be a father soon. Karma ko na ba to?
Ayun nga. Lumabas ako ng kotse ko at sinundan siya. Kinulbit ko ang balikat niya nang makalapit ako.
Napalingon naman siya saken saka tinaasan ako ng kilay.
Napatulala naman ako saglit sa mukha niya. Ang amo kasi tsaka napaka inosente. Kaya nga ang tanga ko para mabuntis ang isang katulad niyang inosente.
"Anong kailangan mo?"tanong niya.
"Papanagutan ko ang bata"matapang na sagot ko.
Mukha naman siyang nagulat.
Tama. Pananagutan ko ang bata. Ang nangyari samen nung gabing yun. Pero never as in never akong maiinlove sakanya dahil alam niyo naman ako. Hindi naniniwala sa Love na Yan.
"Sigurado ka ba?"tanong ulit niya.
"Oo"sagot ko naman.
Napatitig siya sandali sa gwapo Kong mukha at napatango saka tinuon ulit ang atensyon sa phone niya.
"Alam na ba to ng parents mo?"tanong ko.
Napatingin naman siya saken at umiling iling.
"Natatakot ako. Kaya nga hinanap kita para sabay nating sabihin sakanila. Pag ako lang ang nagsabi baka sabihin nila nadisgrasya ako ng kung sino sino diyan sa tabi. Hindi gaanong strict ang parents ko saken kaya may tiwala sila na hindi ako gagawa ng ikasisira ng pag aaral ko at buhay ko pero ito. Naguguilty ako kasi parang nasira ko na tiwala nila"mahabang saad niya saka tinago yung phone sa bag niya.
Inaya niya muna ako sa malapit na 7/11 dahil nagugutom daw siya at gusto niya ng Cup Noodles na maanghang.
Talking about cravings. So yun naghihintay lang siya sa table sa labas habang ako bumibili ng pagkain niya.
Hindi Pa rin ako makapaniwala. Akala ko hindi ko na siya makikita pero eto oh. Hinanap niya Pa ako para sabihin na buntis siya. Woo. Karma ko na nga talaga to.
So yun matapos kong lagyan ng mainit na tubig yun lumabas na ako at nagpaalam dun sa babaeng cashier. Nagpapacute saken eh in entertain ko muna sandali.
"Tagal mo naman kanina Pa ako nagugutom"reklamo niya.
Napakamot naman ako sa ulo at binigay na sakanya yung Cup Noodles.
"So anong Plano?kelan naten sasabihin yan sa magulang mo?"tanong ko sakanya.
Nilunok niya muna yung kinakain saka tumingin saken.
"Hindi ko Pa alam. Ikaw? Anong balak mo?"tanong din niya.
Napaisip naman ako.
Araw araw naman available ako so pwede ako anytime. Tsaka di ako natatakot sa parents niya. Gusto lang naming maging honest.
"Sa Saturday gusto mo? Baka may lakad ka"sabi ko naman.
Nilunok ulit niya yung kinakain niya saka nagsalita.
"Ikaw bahala. Basta kailangan meron ka pag umamin na ako."sabi niya.
Natouch naman ako. Kailangan meron daw ako. Hihi
Napangisi naman ako ng malapad sakanya habang nagtataka siyang napatitig saken.
"Vannaaa"sigaw ng isang babae at lalaki sa kabilang kalsada.
Nknang. Panira ng moment. Dumadamoves na ako eh. Tss
Patakbo naman silang lumapit samen. "Anong ginawa mo sa kaibigan namin?"tanong nung babaeng lumapit samen. Mukhang mga kaibigan niya to.
Nakaporma siya na parang boksingero habang nakatitig ng matalim saken.
Woah. Amazona.
Tinaas ko yung dalawa Kong kamay na parang wala akong nalak lumaban. "Chill lang okay. Wala akong ginawang masama sakanya"sabi ko.
Binaba naman niya ang mga kamao niya pero nanatili Pa rin siyang napatingin ng matalim saken.
"Ohmygad. Kyaaahhh"tili ng baklang kasama nung amazona.
Bigla naman kaming napatakip sa tenga dahil sa tinis ng tili niya.
"Huy bakla. Nakakita ka lang ng gwapo tili agad? Manahimik ka nga"sabi ni Vanna.
Tumigil naman yung bakla pero lumapit siya saken at kumapit sa braso ko.
Nknang. Rape to. Rappeeee
"Hindi niyo ba to kilala mga bakla?"tanong niya sa mga kaibigan niya.
Woah. Kilala niya ako. Ang gwapo ko talaga.
Umiling naman yung dalawa at nagtatakang nakatingin saken.
Hindi nila ako kilala? Nakakapanlumo naman. Kaya pala hindi sila nagwapuhan saken. Huhuhu
"Siya si Trevor Johan Villegas. Ang Certified Campus Heartthrob sa University. KYAAHHH. "sabi nung bakla saka napatili na naman.
Napangisi naman ako sa dalawa habang wala silang reaksiyon.
Wala lang talaga silang reaksiyon? So hindi talaga nila ako kilala? Hindi ba sila attractive saken? Huhuhu.
"So?"sabi nung isang babae.
"At isa Pa mga bakla. Isa din siyang Certified Playboy ng Taong"dagdag Pa nung bakla.
Korek ka diyan Bakla. Hahaha
"Wala kaming panahon para kilalanin siya basta malinaw na saken. Papanagutan niya ang anak ko"sabi ni Vanna saka kumain ulit.
"Ohmygad Vanna. Siya ang ama ng anak mo?"gulat na tanong nung babaeng nasa tabi niya.
"Totoo ba Vanna?"tanong din nung bakla.
Tumango tango naman si Vanna saka kumain ulit.
"Kyaahhh. Ang gandang lahi. Isang Maganda at Gwapo"sabi nung Bakla.
Aba tama lang naman yata na maganda ang lahi ko. Syempre sa gwapo ko ba namang ito. Hahaha
"Tama ka diyan bakla"sabi ko sa bakla saka nakipag apir sakanya.
"Anakan mo din akooo. Hahahah"sabi niya saka niyakap yakap ako.
Waahhhh. No way.
Napahiwalay naman siya agad saken kasi bigla akong tumayo at tumabi kaya Vanna habang sinisiksik ang sarili ko sakanya.
Huhuhu. Nakakatakot. Anakan ko daw siya.
"Manahimik ka nga diyan Bakla. Landi neto."sabi ni Vanna habang tumatawa.
Tumatawa din yung kasama nilang babae.
Huhuhu. Pinagtatawanan ba nila ako.
Tatayo na sana si Vanna pero pinigilan ko siya.
"Wag mo kong iwan dito. Baka rapein niya ako"bulong ko sakanya saka nginuso yung bakla na ang nakangiti saken at ang lagkit ng tingin.
Ano ba yan? Pati kasi bakla hinahabol habol ako. Ang gwapo ko talagaaaa. Hahaha
"Wag kang OA. Tatapon ko lang to."sabi niya saka tumayo at tinapon yung Cup Noodles na walang laman.
Napalunok naman ako habang napatingin sa Bakla.
Sa tingin ko sa isip Pa lang niya hinuhubaran na niya ako. Waaahhh. Di kami talo lul.
Mabilis din agad na nakabalik si Vanna.
"Tara na guys. Inaantok na ako eh. Basta ha. Sa sabado. To number ko tawagan mo na lang ako pag papunta ka na. Maliwanag ba?"sabi niya saka inabot saken yung maliit na papel.
Tumango tango naman ako.
Kinuha naman ng kaibigan niyang babae yung kotse niya habang hinihintay namin siya. Ilang sandali lang nakarating na din siya. Pumasok na siya sa loob.
"Mag iingat ka"sabi ko saka ngumiti.
Tumango naman siya saka sinarado yung pintuan ng kotse.
Nalipat naman yung tingin ko sa bakla. Nagflying kiss Pa siya saken saka nagbabye.
Masuka suka naman akong bumalik sa Parking lot nung Club.
Naglalakad lang ako habang napapangiti.
Wow just wow. Magiging Daddy na nga talaga ako.
Pero kaya ko nga bang talikuran yung dating Gawain ko para sa bubuoing pamilya ko?

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon