IJO18-26

3.9K 82 1
                                    

Vanna POV
Ilang araw na ang lumipas at patindi ng patindi yung nagpapadala saken ng death threat or death note. Hindi na din ako nalabas ng bahay dahil natatakot ako na baka sinusundan ako ni Mike. Baka siya din ang nagpapadala saken ng mga sulat na yun. Hindi alam ni Trevor. Ayoko nang dagdagan Pa ang mga problema niya. Basta ang gagawin ko lang magkulong dito sa bahay o pag lalabas ako dapat kasama si Manang.
Magpadeliver na lang ako ng Christmas decor na inorder ko Online. Sabay naming dinecorate ni Trevor ang bahay noong nakaraang linggo.
Anyways. Eto ako ngayon nanonood lang ng TV. Nababagot na ako dito sa bahay kakakulong. Huhu. Gusto ko sanang lumabas pero natatakot ako. Baka kasi may mangyari saken sa labas wala Pa naman si Trevor dito.
Nasa kalagitnaan na ako ng panonood ng may magdoorbell. Pinuntahan naman yun ni Manang.
"Mam may naghahanap sainyo sa labas"sabi ni Manang nung lumapit siya saken.
Nagtaka naman ako.
Wala naman akong bisita ah.
"Sino daw Manang?"tanong ko.
"Hindi po sinabi yung pangalan Manang eh. Pero kaibigan daw po ni Ser"sabi niya.
Napatango tango naman ako saka tumayo.
Naiwan naman si Manang sa loob dahil maglalaba Pa siya.
Nakaramdam ako bigla ng kaba.
Hindi ko na lang pinansin yun at nagtuloy tuloy ako sa paglabas hanggang makalabas ako ng gate at makita ko ang isang babaeng mukhang galing sa mataas na pamilya.
Napatingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay.
Woah. Taray naman neto.
"So you're Vanna? Ano bang nakita sayo ni Trevor at pinakasalan ka niya?"mataray na sabi niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang para hanggang madako ang paningin niya sa tiyan ko.
"Ohh at buntis ka Pa pala o nagpabuntis ka. Hahaha How desperate"sabi niya.
Hindi naman ako makaimik kahit iniinsulto na niya ako.
Ughh. Wag kang papatalo diyan Vanna. Kaya mo yan. Gooo
"Excuse me lang ha? Sino ka ba para pagsabihan mo ko niyan? Iniinsulto mo ang pagkatao ko samantalang hindi mo mainsulto ang sarili mo. Pathetic."sagot ko.
Tumigil naman siya sa kakatawa saka matalim na tumingin sakin.
Biglang tumayo ang balahibo ko at kumabog yung dibdib ko.
Parang kinukutuban ako ng masama.
"Tell me. Plano mo ba to para maangkin si Trevor? I can't believe na papatol siya sa tulad mo. I know him Pa naman. Hindi siya basta bastang pumapayag na magpatali."sabi niya.
Syempre ganun siya. Kaya nga Playboy eh. Haha
"Hahaha. Wala kang alam miss. Kung may sasabihin ka Pa pwede bang itikom mo na lang Yang bibig mo dahil wala akong panahong makipag usap sa mga katulad mo. Okay ba?"sabi ko saka tinalikuran siya.
Nakakailang hakbang Pa lang ako ng higitin niya ang braso ko.
Grabe. Ano ako? Tali para higit higitin lang? Huhuhu.
"Walang sinuman ang pwedeng tumalikod saken habang nagsasalita ako at Akin lang si Trevor. Naiintindihan mo?"sabi niya saka diniinan ang pagkakahawak sa braso ko.
Napaaray naman ako.
"B-bitiwan mo ko"matigas na saad ko.
"Ahh. Gusto mong bitiwan kita? Sige. Sure"nakangising saad niya saka tinulak ako.
Parang slowmo ang nangyari. Nakatitig lang ako sakanya hanggang sa bumagsak ako sa sahig. Bigla akong nakaramdam ng matinding sakit habang sapo ang tiyan ko. Halos mamutla ako nang makita ang dugong umaagos mula sa pagitan ng mga hita ko.
"A-ang b-baby k-ko"sambit ko saka napaiyak.
"Vanna"sigaw ng boses lalaki sa pangalan ko.
Napatingin naman ako sa likuran nong babae at nakita ko si Kuya Raf.
"K-kuya Raf"tawag ko sa pangalan niya.
Napatingin ulit ako sa babae at nakangiting demonyo lang siya habang pinapanood ako hanggang sa mandilim ang paningin ko.
Rafael POV
Yon oh. First time magka POV. Hehe. Ako nga pala si Rafael Carbonel. Kuya ni Vanna at Kambal ni Raniel sungit. College Graduate bilang Architect.
Anyways. Katatapos ko lang maihatid yung BluePrint sa Engineer ng kliyente ko dahil magpapatayo sila ng Resort.
Uuwi na sana ako nang bigla Kong maalala si Vanna.
Namimiss ko na si Bunso. Wala na tuloy akong kakulitan sa bahay dahil inagaw siya ng siraulong lalaking yon. Tss. Tapos bubuntisin niya ng walang pakundangan. Naiinis tuloy ako. Gusto ko nga siyang bugbugin eh. Pinigilan lang ako ni Ran. Tss
Anyways. Yun nga nakapasok na ako sa Subdivision kung saan sila nakatira. Nagdrive lang ako hanggang sa tanaw ko na ang bahay nila nang makita ko ang isang babae habang higit higit si Vanna.
Nanlaki mata ko sa nakikita ko kaya mas binilisan ko Pa ang pagmamaneho. Malapit na ako nang makita Kong itulak niya si Vanna at bumagsak sa sahig. Tinigil ko na agad yung kotse ko saka tumakbo papunta sa kanya.
Tinawag niya muna ang pangalan ko saka siya nawalan ng Malay. Nilapitan ko naman siya. Kumabog ang dibdib ko nang makita ang dugo sa hita niya.
Matalim ko namang tinignan ang babae.
"Anong ginawa mo sa kapatid ko? Pag may nangyaring masama sakanya malalagot ka saken."sabi ko saka binuhat si Vanna papunta sa kotse ko.
Iniwan ko naman yung babae dun na tulala.
Habang nagmamaneho papuntang hospital nagdadasal ako na sana walang mangyaring masama sakanya at sa baby niya.
Fck. Sino ba kasi yung babaeng yun? Malalagot talaga saken yun.
Ilang minuto lang ang dumaan nakadating na din kami sa hospital. Hiniga ko siya habang tinatakbo namin siya sa ER.
"Raf. Anong nangyari?"tanong ng kambal ko paglapit niya.
Dito kasi siya nagwowork bilang Doctor.
"Ipapaliwanag ko mamaya"sabi ko habang naiiyak.
Mabilis naman kaming nakarating sa ER at naiwan na kami ni Ran sa labas.
Kinontak ko naman sila mom at dad about sa nangyari kay Vanna. Papunta naman na daw sila sa dito sa Hospital.
Kinuwento ko naman kay Ran ang lahat ng nakita ko. Nagalit naman siya. Ilang sandali lang dumating na sila mommy at Daddy kasama ang parents ni Trevor.
"Raf. What happened to Vanna?"tanong ni mommy nung makalapit sila samen.
"May babaeng tumulak sakanya mom"sagot ko saka napahilamos ang palad sa mukha ko.
"Call your son. Papuntahin mo siya dito"rinig Kong sabi ng mommy ni Trevor.
Nag uusap naman sila nang dumating si Trevor kasama ang isang lalaki at yung babaeng tumulak kaya Vanna.
Biglang nag init yung ulo ko nang makita siya.
Tumayo agad ako saka lumapit sakanila.
"Ano pong nangyari kaya Vanna?"nag aalalang tanong ni Trevor.
Bakas sa mukha niya na kinakabahan siya.
"Anong ginagawa mo dito?"sabi ko nang makalapit ako sakanila. Nakatingin lang ako sa babae ng matalim habang nakayuko lang siya.
Naagaw ko naman ang atensyon nila kaya napatingin sila saken.
"What are you talking about Raf?"tanong ni Dad.
Hindi naaalis ang matalim na titig ko sa babae.
"Siya. Siya ang nagtulak kay Vanna. Ikaw ang dahilan kung bakit nandito ang kapatid ko"sigaw ko sakanya.
Nagkatinginan naman si Trevor at yung lalaking kasama nila.
"Totoo ba yun Adele?"tanong ni Trevor dun sa babae.
Hindi naman makatingin samen yung babae habang namumutla.
"Kausapin mo Yang kapatid mo"sabi ni Trevor sa lalaki saka nilagpasan kami at umupo sa harap ng ER.
Nakita ko namang umalis sila.
Sisiguraduhin Kong magiging miserable ang buhay mo pag may nangyaring masama sa kapatid ko.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon