IJO18-68

677 30 2
                                    

Vanna POV

Mag isa lang ako dito sa terrace ng kwarto namin habang pinag mamasdan ko ang paligid.

Tahimik ang buong bahay dahil wala ang kambal. Ako, si Trevor at si manang lang ang nandito.

Si mama at papa muna ang mag aalaga sa kambal habang nagpapalakas ako.

Nitong mga nakaraang araw kasi bumagsak ang katawan ko dahil sa depression. Malimit akong kumain. Lagi akong nagigising sa gabi dahil sa mga masasamang panaginip. Puro problema ang nasa isip ko.

Nag leave din muna si Trevor sa trabaho para maalagaan ako. Binabalik balikan na din ako ng lagnat dahil napapabayaan ko na ang sarili ko.

Naramdaman ko ang marahang pag ihip ng hangin sa mukha ko.

Naalala ko tuloy yung mukha ni mommy habang nag uusap kami sa Skype. Sobra yung iyak niya nang malaman niya na anak sa ibang babae ni daddy ang pumatay sakanya. Naaawa ako kay mommy dahil pinagtaksilan pala siya ni dad na akala ko di katulad ng iba. Pero pinangako naman ni mommy na magiging matatag siya sa pagsubok sa buhay namin. At ganun din ako.

Isang masaganang luha ang dumaloy sa pisngi ko.

Ang bigat ng nararamdaman ko.

Naalala ko din ang dismayadong mukha ng kuya kong kambal nang malaman nila kung sino ang pumatay kay Dad. Halos gibain nila ang kulungan para lang masuntok si Carlo pero hindi hinayaan ng mga pulis na makalapit sina Kuya. Hindi din sila makapaniwala na kapatid namin si Carlo sa ama.

Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko at kailangan kong danasin to. Sobrang sakit.

Mas gugustuhin ko na lang maging manhid para di ko na maramdaman to.

"Umiiyak ka na naman." saad ni Trevor sa likuran ko.

Niyakap niya ako mula sa likuran at pinatong ang baba niya sa balikat ko.

"Ang lungkot ng buhay ko." sagot ko at napapikit.

Naramdaman ko namang kinalas niya ang bisig niya at pinaharap ako sakanya.

Bumabakas sa mata niya ang awa at lungkot.

Kung mayron mang taong handang intindihin ako at alagaan si Trevor yon.

Pinaramdaman niya sakin na hindi niya ako iiwan sa bawat pagsubok na dumating sa buhay namin.
Nag stay siya at pinaramdam sakin na hindi ako nag iisa.

Marahan niyang pinahid ang basang pisngi ko.

"Sa panahong dumaranas ka ng pagsubok mararamdaman mong malungkot ang buhay mo pero Vanna sa totoo lang masaya mabuhay. Darating din ang araw na mapag tatagumpayan natin ang pagsubok na to at makikita ko din ang kislap sa mga mata mo." sabi niya.

Gumaan tuloy ang bigat na nararamdaman ko.

Pano na lang ako kung wala si Trevor sa tabi ko.

Alam ko sinusubok lang ako ng tadhana. Tinitimbang niya kung hanggang saan ang kaya ko.

Niyakap ko ng mahigpit si Trevor at bahagyang napangiti.

"Wag kang mapapagod na lumaban sa bawat pagsubok na dumating sa buhay natin. Kahit na anong mangyari mananatili ako. Kasama mo ako. Hindi ka nag iisa. Tandaan mo lagi yan Vanna." saad niya.

Ang sarap pakinggan.

Para akong nasa langit.

Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko sakanya.

Ang init ng katawan niya ang nagbibigay sakin ng kaginhawaan at komportable. Wala na akong hihilingin pa kundi ang makasama siya hanggang sa pagtanda.

NP: Crazier - Taylor Swift

Naramdaman ko na dahan dahan kaming sumasayaw.

At yun nga mas lalong nahuhulog ang puso nang magsimula siyang kumanta habang yakap ako.

I never gone with the wind
Just let it flow
Let it take me where it wants to go
Till you open the door
There's so much more
I've never seen it before
I was trying to fly
But I couldn't find wings
But you came along and you change everything

You lift my feet off the ground
Spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling
And I , I'm lost in your eyes
You make me crazier, crazier

Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko at dinadama ang bawat liriko ng musikang binibigkas niya.

Tama ang mga nakasulat sa kanta.
Noong mga panahong walang wala ako bigla siyang dumating sa buhay ko. Binago niya ang pananaw ko. Binago niya lahat.

I watched from a distance as you
Made life your own
Every sky was your own kind of blue
And I wanted to know how
That would feel
And you made it so real
You showed me something that I couldn't see
You opened my eyes and you made me believe

Minulat niya ako sa mundong totoo. Sa mundong hindi ko lubos akalain na magiging masaya ako.

You lift my feet off the ground
Spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling
And I , I'm lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier

Napaka swerte ko. Dumating siya sa buhay ko.
Hulog na hulog ang puso ko sa mga bagay na ginagawa niya. Pinaramdam niya sakin na ako ang nag iisang Reyna niya.

Loko loko man siya noon binago na niya ang buhay niya ngayon. At ako ang dahilan non. Pareho kaming nagbago. Pareho kaming nag grow up. Pareho kaming minahal ang isat isa.

Baby you showed what is living for
I don't want to hide anymore

You lift my feet off the ground
Spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling
And I , I'm lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier
Crazier

"Ramdam mo ba ang tibok ng puso ko Vanna?" tanong niya matapos kumanta.

Ramdam ko ang parang tambol na pintig ng puso niya.

Tumango ako bilang tugon.

"Ikaw lang ang may kakayahang magpatibok niyan. Kaya hanggat tumitibok yan nandito lang ako. Susuportahan kita lagi. Aalalayan ka sa bawat oras na pakiramdam mo hinang hina ka na." saad niya.

Ano ba yan? Bat ang drama masyado ni Trevor?
Pero sa totoo lang napapangiti ako.

Kahit na corny siya.

"Salamat sa lahat." sagot ko.

Humiwalay kami sa pagkakayakap at tumitig sa mata ng isat isa.

"Mahal na mahal kita." sabi niya.

Napangiti ako ng totoo at hinalikan siya pero mabilis lang.

"Mahal din kita." sagot ko.

Dumating man ako sa puntong lugmok na lugmok na darating pa rin ang taong siyang sasama sakin para makaahon.

Pakiramdam ko hindi na ako nag iisa.

Kailangan kong lumaban para sa pamilya ko.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon