IJO18-9

5K 83 0
                                    

Vanna POV
Ilang na araw na ang nakalipas matapos ang insidenteng yun. Hanggang ngayon di Pa rin ako makapaniwala na naisuko ko na ang Bataan ko. Huhuhu. Tapos hindi ko man lang kilala yun. Waaaah. Ilang araw na din akong wala sa sarili at ilang araw ko na ding hindi nakikita si Mike at Tanya. Maski sa Campus wala ni anino nila.
Mukhang wala na silang mukhang maihaharap Pa saken matapos nila akong gaguhin. Pwes dapat lang na hindi na sila magpakita saken. Mandidiri lang ako pag makikita ko sila. Baka kung ano Pa yung magawa ko sakanila pag nagkataon.
Wala Pa ding kaalam alam ang pamilya ko sa nangyari samen ni Mike at sa nangyari saken. Natatakot akong sabihin yung totoo.
Anyways ayun nga. Naghahanda na ako para pumasok sa School. Nagawa ko na ang morning rituals ko at nasa garahe na ako ng bahay namin habang hinihintay si Kuya Raf.
Si Kuya Ran laging wala sa bahay dahil nga Doctor busy masyado. Tsaka natatakot ako sakanya. Bipolar yun eh. Hahaha
So ayun. Pagkaraan ng ilang minuto dumating din si Kuya.
"Grabe Kuya ha. Antagal"reklamo ko saka inopen yung Pinto ng kotse at pumasok dun.
"Sorry naman. Jumebs Pa eh. Hahaha"sabi niya saka tumawa tawa Pa.
Pumasok na din siya saka inistart yung makina ng kotse at umalis na kami.
"Ambantot kuya"sabi ko naman at kunware tinatakpan takpan ko yung ilong ko.
"Hoy. Di ah. Nag alcohol ako no."sabi naman niya.
Natatawa na lang ako sa itsura niya hanggang sa manahimik ako at tumulala na naman.
"Bunso may problema ka ba?"out of the blue na tanong ni Kuya.
Napatingin naman ako bigla sakanya.
"Wala naman kuya"sagot ko.
"Ilang araw ka nang natutulala at tahimik eh. Pansin ko lang"sabi naman niya habang nakatutok lang yung mata sa daan.
Binaling ko naman sa ibang direksiyon yung tingin ko saka bumuntong hininga.
"Stress lang siguro kuya"sabi ko.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumatango tango siya.
Ilang sandali lang nakarating din kami sa University.
Bumaba na ako saka nagpaalam. Umalis din naman siya kaagad. May project kasi siya eh. Kailangan niyang tapusin yung Blue Print para sa itatayo nilang Mall.
So yun naglakad na ako at nakita Kong hinihintay na ako ng mga kaibigan ko.
"Baklaaa"tawag ni Olive saka lumapit saken at niyakap ako.
Niyakap Ko naman siya pabalik. After nun nakipag beso naman si Zy.
"Mga bakla maaga Pa naman. Tambay muna tayo sa Coffee Shop."sabi ni Olive.
Tumango naman kami ni Zy at naglakad na.
Pagkarating namin sa Coffee Shop. Umorder muna kami ng Frappe Cafe saka nagpunta sa labas. Doon daw muna kami.
"Kamusta kaya si TanyaLiparot no?"sabi ni Olive.
Natawa naman kami ni Zy sa sinabi niyang pangalan ni Tanya.
TanyaLiparot.
It suits for her. Hahaha
Ohgolly. Nagiging bad ka na Vanna. Kaibigan mo kaya yun pero kaibigan Pa nga ba ang tawag sa pagsulot ng boyfriend ng may boyfriend?
"Baka naman sa naging manipis na yung makapal niyang mukha. Hahaha"sabi ni Zy saka napatawa.
Natawa din kami ni Olive.
"O baka naman nakatira na sa gubat dahil naging ahas na. Hahaha"sabi ko naman.
Nagtawanan na lang kami sa sinabi ko.
Oh yes starting this day enemy na ang turing ko sakanya. Hindi na kaibigan.
"And speaking of the devil. Nandito na yung ahas"sabi ni Olive.
Napatingin naman kami sa direksiyon na tinitignan niya. At nakita namin si Tanya na nakasakbit ang kamay niya sa braso ni Mike.
Grabe. Ang kapal talaga ng mga mukha nila.
Sa totoo lang nasasaktan Pa rin ako. Pero hindi ko na siya kailangang iyakan. Hindi niya deserve ang mga luha ko.
So yun papunta sila sa direksiyon namin habang kami nakatitig lang sakanila hanggang sa matapat sila sa kinauupuan namin. Nanlaki naman ang mga mata nilang nakatitig samen. "Vanna"sabi ni TanyaLiparot.
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Hay naku. Parang gusto Kong manabunot ng buhok"sabi ni Olive habang kinikilatis ang mga Kamay niya.
"Bakit di mo itry? Pagpaparinig Pa ba ang tawag diyan Oliver?"sarcastic na sabi ni Tanya.
Yung kaninang parang nakakaawang itsura niya napalitan na ng bitch look. Nanghahamon ba siya ng away?
Padabog namang tumayo si Olive. Napatayo na din kami ni Zy.
"Aba ate girl. May mukha ka Pa talagang ihaharap matapos mong landiin yung boyfriend ng kaibigan naten no?"sabi ni Olive.
Nagcross arms naman siya at nagroll eyes.
Hindi ito ang Tanyang kilala ko.
Napatingin naman ako Kay Mike. Nakatingin lang siya sa baba at hindi kumikibo.
Mukhang sinadya talaga nilang magpunta dito at magpakita samen. Kapal talaga ng mga mukha nila.
"Anyway Vanna. Nandito kami para sabihin sayo na Tapos na kayo ni Mike. Tutal alam mo naman na kung ano ang namamagitan samen. Wala na kaming dapat ipaliwanag Pa. So ako na ang nagsasabi sayo. Hiwalay na kayo ni Mike"sabi niya habang dinuduro duro ako.
Napatingin naman ako sa paligid at may mga Tao nang nanonood samen habang nagbubulong bulungan.
Aba. Walang sinuman ang pwedeng dumuro duro saken.
Lumapit ako sakanya at sinampal siya. Mukha naman siyang nagulat sa ginawa ko kaya napahawak siya sa pisngi niya. Maski si Mike nagulat din. Wala na akong pakealam kung gumawa kami ng eksena dito. Sagad na sagad na yung pasensya ko.
"Kahit di mo sabihin hiwalay na talaga kami. Bakit? Sa tingin mo ba hahabul habulin ko yung taong sinusuka ko na? Hahaha. Mygad Tanya. Di ako pathetic kagaya mo na kakaladkarin mo Pa mismo si Mike para lang hiwalayan ako. Di ako kagaya mo na malanding kaibigan"sarcastic na sabi ko.
Hinahabol ko naman ang hininga ko matapos ko sabihin yun.
Waaaahh. Nasasapian na ako ng masamang espiritu. Hahaha. Di ko aakalaing magiging bitch din ako.
Narinig Kong napatawa si Zy at Olive. Namumula naman sa galit si Tanya.
"You know what Tanya. Bumalik ka na lang sa gubat kung saan ka nakatira. Bagay na bagay ka don. Isama mo na din si Mike. Hahaha"sabi naman ni Zy.
Masama naman kaming tinignan ni Tanya saka tinalikuran na kami.
Malungkot namang tumingin saken si Mike saka sinundan si Tanya.
Ano yun? Nagpapaawa ba ang mga tingin na yun? Well hindi na ako apektado. They deserve those kind of words. Bagay naman sila eh. Isang tanga at isang tira tira. Hahaha

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon