IJO18-67

709 31 1
                                    

Vanna POV

Isang maaliwalas na kalangitan ang bumungad sakin paglabas ko ng bahay. Isang buwan na ang nakalipas at nalulungkot pa rin kami sa nangyari. Pero sabi nga nila hangga't nabubuhay ka pa maging masaya ka na lang. Dahil kung mabubuhay ka lagi sa lungkot dahil sa pagkawala ng isang tao mas lalo kang malulugmok. Keep on fighting cause one day you will see that person again.

After ng burol ni dad napagdesisyunan ni mommy na tumira muna sa America kasama ang mga kapatid niya. Ayaw niyang manatili sa bahay dahil malulungkot lang daw siya at magluluksa ng magluluksa. Karamihan din sa mga kamag anak namin nagpaiwan para magbakasyon ng isang buwan dito sa pilipinas. Kasalukuyan silang tumutuloy sa bahay kasama sina kuya Raf at kuya Ran.

Balik sa work din Yung mga kuya ko. Mas mabuti nang isubsob na lang daw nila sarili nila sa trabaho kesa magmukmok. Hindi din magugustuhan ni Dad kung pinabayaan nila mga work nila.

Hindi madali samin ang magpaalam pero life must go on. We should enjoy our life. Death is unexpected.

Balik din kami ni Trevor sa dating gawi. Ang yabang pa rin ng loko. Hindi na ata magbabago.

Tapos na din namin icelebrate ang unang buwan ng kambal. 1st Month Birthday kumbaga. Masaya naman kaming lahat. Binati din sila ni mommy kahit nasa America.

Anyways kakapasok lang ni Trevor sa trabaho at ipapasyal ko sa mini garden namin ang kambal.

Ilang minuto na din kaming naglalakad lakad nang lumapit si manang.

"Mam may naghahanap po sainyo sa labas." saad niya.

Nagtataka naman akong napatingin sakanya kasi nga wala akong inaasahang bisita sa araw na ito. Busy ang mga kaibigan ko sa pagrereview para sa exams nila.

"Sige po. Paki bantay na lang sila." sagot ko.

Naglakad na nga ako hanggang sa gate ng bahay at nakita ang taong nagligtas sa buhay ko noon.

"Carlo?" pagkumpirma ko.

Tumingin naman siya sakin at ngumiti.

"Kamusta?" sagot niya.

Napangiti naman ako at pinapasok siya sa bahay.

"Grabe di kita nakilala. Ang laki na ng pinagbago mo. Tumangkad ka pa ata lalo. Lumaki na din katawan mo at uyyy tumatanda ka na nga kasi may bigote ka na." saad ko.

Napatawa naman kami at naghanda ako ng meryenda niya.

"Napansin mo pa pala pati bigote ko. Haha" sagot niya saka natawa.

"Ano nga palang ginagawa mo dito? Maghahanap ka ba ng trabaho?" tanong ko.

Umiling naman siya at uminom ng juice.

"Pwede mo ba akong tulungan? Hindi ko kabisado ang siyudad dahil nga laking probinsiya ako. Hahanapin ko lang kung saan nakatira ang tunay kong ina." sagot niya.

Napatitig naman ako sa mukha niya na puno ng determinasyon.

Naaawa tuloy ako sakanya. Lumaki siya sa pamilyang hindi niya kadugo pero tinuring siyang tunay na anak.

Siguro ito na ang daan upang makaganti man lang ako sa pagtulong niya sakin noong nasa bingit ako ng kamatayan.

"Sige sa abot ng makakaya ko." sabi ko at ngumiti.

Tumango naman siya sakin at kumain na.

Tanghali na nang nagsimula kaming bumyahe papuntang Taguig. May address ang nanay niya na nakasulat sa papel. Nagpaalam naman ako kay Trevor. Pumayag naman siya at umuwi para siya ang magbantay sa kambal.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon