IJO18-10

5K 83 3
                                    

Vanna POV
Mag iisang buwan na ang nakalipas. Gaya nga ng inaasahan ko. Nalaman ng parents ko ang nangyari samen ni Mike. Syempre galit na galit sila pati sina Kuya Raf at Kuya Ran. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Kuya Ran.
"Sabi ko naman sayo lolokohin ka nun eh. Halata naman sa pagmumukha nun. Di bale mas maganda ka sa Tanya na yun bunso"
Natatawa na lang ako kasi may side pala siyang judgemental. Hahaha
Matapos ang araw na yun di na namin sila nakita. Nabalitaan na lang namin na nag drop out na silang dalawa.
Nahiya na siguro. Hahaha
Anyway magkasama kami ni Zy dito sa Starbucks ngayon. Si Olive ayun nag boyhunting ang bakla. Atat na kasi magka boyfriend. Hahaha
So yun nga umorder na kami ng pagkain ni Zy. Ilang minuto din ang nakalipas dumating na yung order namin.
Kakain na sana ako nang makaamoy ako ng bawang na galing sa pagkain ni Zy. Bigla akong tumayo papunta sa Cr habang naduduwal.
Sumusuka lang ako ng pumasok si Zyra habang nag aalala. Matapos naman akong sumuka nagmumog lang ako at nagpunas.
"Vanna okay ka lang? May masama ka bang kinain kung bakit ka nasuka?"tanong niya.
Napaisip naman ako.
Wala naman akong kinaing iba maliban sa naamoy Kong bawang na nasa pagkain ni Zyra.
Parang ambaho kasi nun kaya bigla akong naduwal.
Omg. Hindi kaya?
Nanlulumo naman akong napatingin kay Zy.
"Sabihin mo nga saken Zy. Mali ba ako ng iniisip?"tanong ko habang naiiyak.
"Subukan mo muna Vanna. Wala namang mawawala eh. Para malaman natin kung meron nga ba o wala."sagot niya.
"Natatakot ako sa magiging resulta"sabi ko saka napatingin sa tiyan ko.
"Wag ka munang mag isip ng ganyan. Sabi ko naman sayo. Subukan mo muna"sabi niya.
Kahit nagtatalo ang pusot isip ko. Tumango na lang ako.
So ayun umalis muna si Zy para bumili ng PT sa malapit na Pharmacy. Naghintay lang ako sa Cr.
Mabilis din namang nakabalik si Zyra at binigay saken yung PT.
Napatingin muna ako Kay Zy na naka Okay sign bago ako tumungo sa isang bakanteng Cubicle doon at gamitin yung PT.
Kinakabahan ako habang pinapatak ko yung urine sa may maliit na butas. Pinikit ko muna yung mga mata ko habang hinihintay yung resulta. Nagbilang muna sandali at nung natapos muna ako sa pagbibilang kinakabahan Kong sinilip yung PT.
Napahilamos na lang ako ng palad sa mukha nang makita yung resulta.
Positive.
Buntis ako. Pero imposibleng mangyari yun. Huhuhu
Paglabas ko napasandal na lang ako sa may dingding habang pinapakita kaya Zy yung PT.
Maski siya di makapaniwalang napatingin saken.
Paano na ako neto? Siguradong magagalit ang pamilya ko pag nalaman nilang buntis ako. Huhuhu
"So tanong Plano mo bakla?"tanong ni Zy habang kumakain.
Bumalik kasi kami sa pwesto namin kanina para makapag usap ng maayos.
Napaisip naman ako sa tanong niya.
Ano nga bang Plano ko? Well hindi ko alam. Natatakot ako na kinakabahan na ewan.
"H-hindi ko Pa alam bakla. S-siguro hahanapin ko muna yung tatay nito bago ko sabihin sa pamilya ko."sabi ko habang nakatulala lang sa pagkain ko.
"Samahan kita gusto mo?"tanong niya.
Napahawak naman ako sa kamay niya at napangiti.
"Talagang kailangan mo Kong samahan bakla."sabi ko.
Napangiti naman siya at pinagpatuloy na yung kinakain niya.
Nagpapasalamat naman ako sa Diyos at binigyan niya ako ng kaibigang ganito. BI nga lang. Hihihi
Anyway fast-forward na naten. So yun nga napag usapan namin ni Zy na magkita na lang sa Park ng 10pm at eto na ako ngayon nakaupo lang habang hinihintay siya.
Bigla Kong naalala na dito pala kami huling nag usap ni Mike bago ako mapunta sa Club na yun.
Kung sana umuwi na lang ako noon di sana hindi na ako umabot sa puntong ganito. Hay.
So yun naghintay lang ako ng ilang minuto dito hanggang sa matanaw ko ang isang Mercedez Benz ni Zy. Tumigil ito sa harap ko at bumukas ang Pinto sa likod. Nagulat naman ako kasi nandun pala si Olive.
"Huy bakla ano pang tinutunganga mo diyan sakay ka na. Marami ka pang di sinasabi saken."sabi niya.
Napatingin naman ako Kay Zy na nakangiti lang habang hawak ang manibela. Napapailing iling na lang ako habang sumasakay sa kotse niya. Ayun nagstart na siyang magdrive habang ako nagstart nang magkwento kaya Olive sa nangyari kanina. Medyo naiiyak nga ako sa part na nalaman Kong buntis ako eh. Waaahh.
Niyakap naman ako ni Olive saka kunwareng umiiyak. Niyakap ko naman din siya at sinabing okay lang ako.
Yun nga sinabi ko kaya Zy yung pangalan ng Club na yun hanggang sa makarating kami dun. Pagkaparking niya ng sasakyan bumaba na kami.
Kinakabahan ako habang nakatitig sa Club na yun.
Nagbabaka sakali lang naman akong dito ko siya makikita eh. Kailangan niya akong panagutan. Siya ang ama ng bata at kailangan niya ding malaman yun dahil may karapatan siya.
So yun pigil hiningang pumasok kami sa Club na yun. Pagpasok namin as usual maingay. Mausok at magulo. Maraming mga Tao ang nagsasayawan at nag iinuman. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid nagbabaka sakali na makita ko siya pero wala. Wala siya dito.
Naaalala ko Pa naman ang mukha niya kaya alam Kong makikilala ko Pa naman siya.
Napatingin ako Kay Olive at Zy saka umiling iling. Kaya yun bagsak ang balikat kaming napalapit sa counter ng bar at nag order na lang ng inumin pero juice lang. Bawal ang alak saken eh. Makakasama yun kay baby.
"Pano yan bakla?"tanong ni Olive.
Halata sa boses niya na nag aalala siya.
"Hintay muna tayo. Dadating din yun"sagot ko.
Napatango na lang sila habang ako nililibot Pa rin ang paningin sa buong paligid.
Mangangalahating oras na kami dito pero wala Pa rin hanggang sa bigla Kong maramdaman na tinatawag ako ni inang kalikasan. Tumayo na ako at nagpaalam muna.
Nakikioagsiksikan lang ako habang tinatahak ang daan papuntang Cr nang mahagip ng mata ko yung mukha ng lalaking nakakuha ng Bataan ko at ama ng anak ko.
Nasa isang sulok siya habang may kahalikang babae. Dahan dahan naman akong lumapit sakanila.
"Amm excuse me?"pang iiistorbo Kong tanong sakanilang dalawa.
Napabitaw naman sila sa isat isa at napatingin saken.
"May kailangan ka ba miss?"tanong niya saken.
Yung boses niya. Tama nga ako siya nga.
Lumapit Pa ako lalo sakanila at hinawakan ang kamay niya.
"We need to talk"sabi ko saka kinaladkad siya.
Napabitaw naman sa pagkakahawak sakanya yung babae at tinatawag siya pero hindi ko na lang pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot. Binitawan ko naman na siya at humarap ako sakanya.
"So anong pag uusapan naten?"tanong niya.
Napatingin tingin naman ako sa paligid.
Baka kasi may makakita samen dito.
"Amm may kotse ka ba? Pwedeng dun na lang?"tanong ko sakanya.
Napangisi naman siya at tinalikuran ako. Sinundan ko naman siya hanggang sa makarating siya sa isang itim na MBW saka pinagbuksan ako ng Pinto. Nakatungo naman akong pumasok sa loob. Sinara na niya yung Pinto saka siya umikot at binuksan yung Pinto sa drivers seat saka pumasok dun.
Kumakabog naman ang dibdib ko habang kaharap siya.
"Ano nga ulit ang pag uusapan naten miss?"pag uulit niya sa tanong niya kanina at bahagyang lumapit saken.
Lumayo naman ako konti saka bumuntong hininga.
"I'm pregnant."sabi ko habang di makatingin sakanya.
Narinig ko siyang natawa at napatingin ulit saken.
"Woah.  Ang isang Trevor Johan Villegas nakabuntis. Imposible naman yata yan miss"sabi niya.
Trevor? Wait narinig ko na ang pangalan na yan eh. Minsan sa Campus.
"Well kung hindi ka naniniwala I don't care basta sinabi ko na sayo. Maliwanag na yun saken"sabi ko at binuksan ang Pinto ng kotse niya at lumabas.
Kung Hindi niya kayang panagutan ang bata pwes ako na lang ang magpapalaki mag isa. Bahala na si batman kung magalit saken at itakwil ako ng pamilya ko. Kaya ko naman eh. Kakayanin ko basta para sa anak ko.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon