IJO18-32

3.6K 79 2
                                    

Vanna POV
Gabi na at nagkayayaan na silang magbonfire. Nakaupo lang ako sa may kahoy habang sila nagluluto ng barbeque at yung iba bumibili ng drinks. Hindi ko Pa rin makalimutan yung nangyari kanina samin ni Trevor sa Trike habang nakasakay kami pauwi. Pakiramdam ko dumadampi Pa rin ang labi niya sa noo ko. Bat kaya ganun siya kasweet saken? Alam na niya kaya na mahal ko siya? O baka naman umaacting lang siyang sweet siya sakin dahil balak niyang paibigin ako at saktan din sa huli kagaya ng mga naging babae niya. Huhuhu. Ayokong mangyari yun sakin. Lagot siya sakin pag ginawa niya yun at isama niya ako sa koleksiyon niya ng mga babae.
Anyways. Nakatulala lang ako sa may apoy nang may tumabi sakin. Napalingon naman ako at nakita si Dale na nakangiti.
"Hi"bati niya.
"Hello"bati ko din pabalik saka napangiti.
"Mag isa ka ata? Asan si Trevor?"tanong niya.
"Ewan ko. Baka nambabae na naman"sagot ko.
Natawa naman siya kahit korni yung joke ko.
Napangiti naman ako sakanya.
"Masyado ka atang seryoso ah. Nagseselos ka ba?"tanong ulit niya.
Ugh? Bat ba ako tinatanong ni Dale ng ganyan? Yung mga babae ng damuhong yun pagseselosan ko? Sus mukha niya dahil bugbog sarado siya. Bwahahahaha
"Hindi no. Amm. Kamusta ka nga pala?"pag iiba ko ng topic.
Hinahots pot niya ko eh. Grabe
"Well. Maayos naman. Eh ikaw? Pasensya na nga pala sa nagawa ng kapatid ko sayo"sabi niya saka tumungo.
Napatingin naman ako sakanya.
"Kapatid mo yung babaeng yun?"tanong ko sakanya habang nanlalaki ang mga mata.
"Kapatid mo yun?"tanong ko sakanya. "Oo bakit?"tanong niya naman saken.
"Wala naman. Di Bale okay lang. Kalimutan na lang naten kung tanong nagawa ng kapatid mo saken"sagot ko.
Napangiti naman siya at napatango tango.
Ngayon ko lang narealize na ang gwapo pala ni Dale pag napangiti. Waahhh. Stop it Vanna. May Trevor ka na wag kang malandi. Hehe
"Pwede magtanong?"sabi niya.
Napatingin naman ako sakanya. Nakikita ko sa mga mata niya na parang may gusto siyang sabihin.
Halaaa? Bat ang seryoso niya?
"Sige. Ano ba yun?"tanong ko naman sakanya.
Napatingin siya sa apoy at ngumiti.
Halaa? Nasisiraan na ba siya ng bait? Bat ngumingiti siya sa apoy?
"Anong nakita mo kaya Trevor?"tanong niya.
Napaisip naman ako at tumulala din sa apoy at napangiti.
"Marami. Marami akong nakita sakanya na hindi nakita ng mga babae niya"sagot ko.
"Ano naman ang mga yun?"tanong ulit niya.
"Yung pagiging makulit niya. Kahit nakukulitan na ako hindi Pa rin siya nagsasawang kulitin ako ng kulitin kahit nasasaktan ko siya pag nahahampas ko. Narealize ko kasi na kaya niya ginagawa yun kasi gusto niya akong makitang masaya o gusto niya akong mapasaya"sagot ko at naalala yung mga kalokohan ni Trevor.
Kahit minsan epic fail ang pagpapatawa niya sakin basta kulitin niya lang ako okay na. Masaya na ako. Kaya ko siya minahal dahil don. Dahil mas nakikita ko yung totoong Trevor sa mukha ng isang malanding Trevor.
"Yun lang?"tanong ulit ni Dale.
"Hmm. Meron Pa. Yung pagiging sweet niya. Kahit sabihin nating babaero siya at sweet din siya sa ibang babae pero hindi para sakin. Ramdam ko na totoo yung pagiging sweet niya."sagot ko at napangiti na naman.
Ramdam ko na totoo yung pagiging maalagain niya. Yung pag aalala niya at yung pagiging Daddy niya sa magiging baby namin.
"Kaya ka ba nahulog sakanya? Kaya ba mahal mo na siya?"tanong ulit niya na ikinagulat ko.
Napatingin agad ako sakanya kaya napatingin din siya sakin.
P-pano niya nalaman? Maski sila Zy at Olive nga di alam eh pero siya? Waahh. Baka ibuko ako neto sa damuhong yun. Huhu
"Hindi naman ako bulag Vanna. Nakikita ko sa mga mata mo na mahal mo na siya"sabi niya.
Hindi naman ako nakaimik agad.
Napatingin naman ako sa kamay ko nung hawakan niya yun.
"Pero hindi niya nakikita yun. Kahit iparamdam mo hindi niya mararamdaman. Bato ang puso niya Vanna. At kahit kelan hindi namin nakitang nagmahal ng tapat si Trevor"sabi ulit ni Dale.
Bato ang puso niya? At kahit kelan hindi siya nagmahal ng tapat?
"Bakit mo sinasabi sakin to?"seryosong tanong ko.
Tinitigan niya ang mata ko saka hinawakan ang mga braso ko.
"Handa akong maghintay Vanna dahil Mahal kita. You don't deserve someone like him. Hindi na siya magbabago"sabi niya.
Nanlaki naman mata ko at para akong nawalan ng boses dahil hindi ako makapagsalita.
Ohmyg. Mahal ako ni Dale? Waahh. Haba naman ng hair ko. Hihihi
"P-pero Dale. Kasal ako at magkakaanak na kami. Sorry pero wag na. Wag mo nang ituloy Yang balak mo. Even if I don't deserve someone like him pinili ko Pa rin na mahalin siya. Dale. Alam Kong mabuti kang tao. Nararamdaman ko yun. Hinahangaan kita kasi niligtas mo ako non kay Mike. Salamat para don pero kaibigan lang ang turing ko sayo eh. I'm sorry. I can't love you back"mahabang sagot ko.
Gumuhit naman ang sakit sa mga mata niya at anytime tutulo na ang luha niya kaya niyakap ko na lang siya.
Naramdaman ko naman ang mainit na bagay na dumadaloy sa balikat ko.
"I'm sorry Dale. Patawarin mo sana ako"sabi ko ulit habang hinahagod ang likuran niya.
"Naiintindihan ko. Marahil nga na masyado akong nahuli para makilala ka. Sana pala noon Pa lang hindi na ako umalis dito sa Pilipinas para tumira sa London di sana ako ang mas naunang nakakilala sayo"sabi niya habang umiiyak.
Nalulungkot naman ako dahil hindi naman dalawa ang puso ko para mahalin din siya pabalik. Nag iisa lang yun at iisa din ang tinitibok nun. Si Trevor lang.
"Kahit naman baguhin mo ang nakaraan hindi Pa rin magbabago ang pagtingin ko at nararamdaman ko."sabi ko.
"I'm sorry umasa ako. Nung una Pa lang kasi kitang makita pakiramdam ko gusto kitang protektahan."sabi ulit niya.
Humiwalay naman siya bigla sa yakap ko at tumitig sa mata ko.
Naawa ako bigla sakanya. Punong puno ng luha ang magaganda niyang mata at sobrang lungkot nito. Hindi ko naman alam na may nararamdaman siya sakin di sana iniwasan ko na lang siya para hindi siya nahulog at nasasaktan ng ganito.
Nauguilty tuloy ako.
"Anytime pwede mo akong protektahan. Magkaibigan tayo di ba?"sabi ko sakanya saka ngumiti.
Tumahan naman na siya at pinunasan ang luha niya saka tumingin sakin at napangiti din.
"Makakaasa ka"sabi niya.
Marahil nga na hindi ako ng itinadhana para sakanya at naniniwala ako na balang araw makakatagpo din siya ng babaeng nararapat sakanya.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon