IJO18-58

7.9K 131 85
                                    

Vanna POV
Naalimpungatan ako sa mga boses na naririnig ko. Pagdilat ng mata ko puti agad ang bumungad sa paningin ko.
Binaling ko naman ang paningin ko sa lalaking nakaupo sa tabi ko habang hawak ang kamay ko na tumatawa dahil sa joke ni Olive na naririnig ko.
"Vanna"rinig Kong tawag ni Zy sakin.
"Gising ka na. May nararamdaman ka bang masakit?"tanong agad ni Trevor sakin.
Umiling naman ako at umupo habang nakaalalay si Trevor.
"Kumusta ang pakiramdam mo anak?"tanong ni mommy.
Kompleto sila dito. Si Mom at dad, si papa at mama, yung tropa, si Zy at Olive.
"Okay lang ma. Masakit lang po yung tahi ko"sabi ko.
"Hay naku. Ganyan talaga pag nanganganak. Di bale sulit kasi lumabas na ang mga apo natin"sabi ni mama.
"Sigurado akong kamukha ko yung isa"sabi ni papa.
"Wag ka ngang assumero honey. Mas kamukha ko yung isa"sabi naman ni mama.
Natawa na lang kami dahil para silang mga batang nag aaway.
"Ah basta ninang ako."sabi naman ni Olive.
"Sira. Ninong dapat"sabi naman ni Zy. Natawa naman ako dahil matagal nang kinukulit ni Olive na ninang daw siya.
Ayun nag usap usap na lang kami nang pumasok yung dalawang nurse karga ang mga anak ko.
"Oras na po para sa breastfeed mommy"sabi nung isa.
Ang lawak naman ng ngiti ko habang inaabot si Rayleigh Trevor. Hinaplos naman ang puso ko nang ngumiti siya habang nasa mga kanlungan ko.
"Mga apo ko"sabi ni mommy.
Hawak naman niya si Ryle Ivan.
"Naku kamukha niya si lolo oh"sabi ni Dad.
"Pakarga nga rin ng isa Kong apo"sabi ni mama saka kinuha si Rayleigh sakin.
Nagpaalam naman na yung dalawang nurse na halatang nagpapacute kina Lance, Gab at Kiel.
"Waahh. Ang mga inaanak ko. Ang popogi niyo"sabi ni Olive.
Ang saya saya ng lahat habang aliw na aliw sa kambal.
Pinisil naman ni Trevor yung kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Nakangiti siya sakin.
"Bakit?"tanong ko.
"Salamat."sabi niya.
"Para San?"tanong ko.
"Sa saya. Sobrang saya ko dahil binigyan mo ko ng dalawang anghel"sabi niya.
Napangiti naman ako saka hinaplos ang pisngi niya hanggang sa tumulo ang luha niya. Pinahid ko naman yun. "Mahal ko kayo."sabi ko.
Napangiti naman siya saka hinalikan ang noo ko habang lumuluha.
"Tears of joy lang pareng Trevor?"sabi ni Lance.
Napatingin naman kami sakanila na sobrang lawak ng ngiti.
"Naman. Gagawa kaya ako ng Varsity team."sabi niya saka tumawa.
Natawa naman sila habang ako pinanlakihan siya ng mata.
"Idol ka talaga namin."sabay sabay na saad nila Kiel, Gab at Lance.
"Mana ka talaga sakin anak"sabi ni papa habang nagnining ang mata.
"Anong mana? Kita mo ngang iisa lang anak natin mana sayo. Kung hindi ka ba naman kasi takot nung araw na magkaroon ng maraming anak di sana meron ka nong varsity team na sinasabi mo"mahabang litanya ni mama kay papa.
Natawa na lang kami dahil kumakamot na lang si papa ng ulo habang hindi makatingin.
Kinarga din ni Zy si Ryle at si Lance naman kay Rayleigh.
Napangiti naman ako dahil bagay talaga sila at para na rin silang mga magulang.
"Gumawa na din kasi kayo."sabi ni Kiel na tatawa tawa lang.
"Oo nga kasi. Hahaha"sabi din ni Gab.
"Gawa din tayo papa Gab"sabi ni Olive.
Masuka suka namang lumabas si Gab habang kami tawa ng tawa.
Hanggang sa umiyak si Rayleigh. Binigay naman ni Lance sakin si Rayleigh habang si Ryle aliw na aliw lang.
Itataas ko na sana ang damit ko para magpabreastfeed nang mapatingin ako sakanila na nakatingin lang sakin. Lumabas na kasi sila mama, papa, mommy at daddy para bumili ng pagkain. Lumabas din si Gab kanina.
"Ehem."sabi ni Trevor saka sumenyas lang.
Mukhang nagets naman nila yun kaya binigay na ni Zy si Ryle kay Trevor at lumabas na sila.
Napangiti naman ako nung dumidede si Rayleigh dahil para siyang gutom na gutom.
Aww. Ang cute ng mga anak ko. Mana sa daddy nila.
Napalingon naman ako kay Trevor na nilalaro si Ryle.
Mukhang magkasundo sila ah. Nakatingin lang kasi sakanya si Ryle kahit hindi Pa siya masyadong nakakakita.
Ito na. Ito na ang simula ng bagong buhay namin ni Trevor bilang mga magulang.
**
Trevor POV
Lumabas muna ako dahil tulog si Vanna at yung kambal. Nandun naman sina mama at papa habang sina mommy at daddy umuwi muna dahil walang mag aasikaso sa kompanya.
Natanaw ko naman si Kiel, Lance at Gab na kumakain habang pumipila sa counter sina Olive at Zy.
Gagaling talaga ng mga to. Imbes na sila ang umorder hindi. Hay.
"Ohh pareng Trevor."sabi ni Lance saka nakipag apir sakin.
Tumango naman si Gab at Kiel saka ako naupo sa harap nila.
"May lead na ba kayo kung nasan siya?"tanong ko sakanila.
Nabanggit sakin ni Vanna noon na may babaeng tumawag sakanya bago siya maaksidente at malaki ang kutob Kong siya yon.
Magbabayad siya sa ginawa niya sa mag iina ko at kay manong.
"May nagtip sakin na nakikita nila siya sa UP"sabi ni Kiel.
"Akala ko ba nasa London siya?"tanong ko.
"Yon nga din ang malaking palaisipan samin eh. Hindi na din namin tinanong si Dale dahil baka maghinala siya"sabi ni Lance.
Napatango tango naman ako.
"Pupuntahan na ba natin siya?"tanong ni Gab.
Tumango naman ako at tumayo. Tumayo na din sila at sakto namang kararating lang ni Olive at Zy na may dalang pagkain.
"San kayo pupunta?"tanong ni Zy.
"Ahh. Grocery lang babe"sabi ni Lance.
Tumango na lang siya habang dumiretso na kami sa parking lot ng hospital at sumakay sa kotse ko.
Nag uunahan naman silang sumakay hanggang sa makasakay na nga sila.
Mga to talaga parang di dala ang kotse ah. Tss
Napailing iling na lang ako habang binuhay ang makina ng kotse ko at nagsimulang magmaneho.
Ilang minuto lang ang nagdaan nakarating na din kami sa harap ng gate ng UP. Nagpark muna ako saka lumabas na kami.
"Pano tayo makakapasok niyan? May bantay sa gate eh"sabi ni Kiel.
Napatingin naman ako sa gate at tama nga si Kiel. May guard na nagbabantay sa gate. Nilibot ko naman ang tingin ko sa paligid at may namataan akong mga studyante na naglalakad papasok.
"Mukhang siyesta nila. Pwede natin pakiusapan yung guard."sabi ko.
Tumango naman sila at sabay sabay na kaming naglakad papuntang gate.
"ID po"magalang na sabi ng guard.
Nagtinginan naman kami at sumenyas ako kay Lance na kausapin yung guard. Napatango naman siya dahil mukhang gets niya.
Si Lance ang magaling sa ganitong bagay eh. Hehe
"Manong mga studyante po kami ng Ateneo. Pwede po ba kaming pumasok? May kakausapin lang po kami. Pangako. Hindi po kami gagawa ng gulo"sabi niya.
Mukha namang naestatwa yung guard dahil nakatitig lang siya kay Lance.
Nagtataka naman kami nagkatinginan nila Kiel.
"Papasok na po kami manong ah"sabi ni Lance nang hindi sumagot yung guard pero tumango naman siya kaya malawak ang ngiti ni Lance na napalingon samin.
"Ayos pare ah. Crush ka ata nong guard. Grabe ang pagkakatitig sayo eh. Hahaha"sabi ni Gab.
"Naman gwapo eh"sagot naman ni Lance.
Yabang. Mas gwapo ako sayo lul. Hahaha
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Maraming mga studyante ang nakakasalubong namin at napapanganga o tumitili pag madadaanan namin.
Taas noo lang kaming naglalakad at hindi sila pinapansin. May mga ilan sakanila na nakikilala kami dahil nga sikat kami sa University namin.
"Anong kurso niya?"tanong ko.
"Pharmacist"sagot ni Gab.
Tumango naman ako at nagpunta na kami sa science laboratory.
Isa siyang pharmacist student kaya malamang sa lab sila nagkaklase para gumawa ng gamot.
Pagkaraan ng isang minuto nahanap na din namin yung laboratory.
Walang alinlangan kaming pumasok at hinanap si Adele. Sakto naman pagpasok namin nakita namin siya sa sulok habang nagtatype sa laptop niya.
Di na namin alintana ang mga stuyanteng napapalingon samin.
"Adele"tawag ko sa pangalan niya.
Gulat naman siyang napalingon samin habang tumatayo.
"Anong ginagawa niyo dito?"tanong niya.
"May mga itatanong lang kami sayo"sabi ko.
"Ano yun?"tanong niya.
"Ikaw ba ang tumawag kay Vanna nung gabing bago siya maaksidente?"tanong ko ulit.
Napatawa naman siya saka naupo at humarap samin.
"Ano ako? Mamamatay tao? Mygad. Sa dami ng babae mo ako Pa paghihinalaan mo. Wala ako dito that time. Nasa London ako at kadarating ko lang last week para dito mag aral. Sabi ko naman sayo noon di ba dito ako mag aaral kaso hindi na sa Ateneo"paliwanag niya.
Nagkatinginan naman kami.
"Nakakasiguro ka ba?"tanong ko.
Napacross arms naman siya saka umirap.
"Oo naman. Porket binantaan kita gagawin ko na? Lahat ng Tao nagbabago at isa na dun yung nararamdaman ko sayo. Alam Kong wala nang pag asa kaya pinapakawalan na kita"sabi niya.
Tumango tango na lang kami saka nagpaalam na.
Bagsak naman ang balikat naming naglalakad papalabas ng UP.
Napahinga na lang ako ng malalim saka dumiretso sa kotse ko.
Kung hindi siya ang may gawa non eh sino? Malaki ba ang galit niya sakin at ang mag ina ko ang pinupuntirya niya?
Argh. Sumasakit ang ulo ko kakaisip. Hay.
Pero kailangan ko Pa ring mag ingat. Kailangan ko Pa ding protektahan ang pamilya ko sa babaeng yon.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon