IJO18-53

2.9K 49 1
                                    

Vanna POV
Manong....
Manong nasan kayo?..
Natatakot ako..

Madilim. Ang dilim ng nakikita ko. Natatakot ako. Nasan na ba ako? Bakit wala man lang nakakarinig sakin? Bakit?

"Ate.. Ate gising"boses ng isang lalaki.

Bigla akong kinabahan at napayakap sa tiyan ko.
Baka patayin nila ako. Natatakot ako.
Hanggang sa bigla Kong minulat ang mata ko at pinakiramdaman ang paligid.
Malabo. Malabo ang nakikita ko.
"Inaaayy. Kuyaaaa. Gising na siyaaa"sigaw ng boses ng batang lalaki.
Pinikit pikit ko Pa ang mata ko hanggang sa luminaw ang paligid at tumambad sakin ang bubong na gawa sa dahon ng niyog.
"Jusmiyo gising na nga siya. Tawagin mo ang tatay mo Nestor dali"sabi ng babaeng nasa 40 pataas ang edad.
Dali dali namang tumakbo palabas yung bata na sa tingin ko ay 10 taong gulang.
"Ineng ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?"tanong ng babae habang nag aalala siyang naupo sa tabi ko.
Hindi naman ako nakapagsalita dahil pakiramdam ko ay nanghihina ang katawan ko.
"Nay tubig oh"sabi ng lalaking mukhang nasa 20 ang edad.
Kinuha naman ng babae yung isang baso ng tubig. Inalalayan ako nung lalaking maupo at pinainom naman ako ng tubig ng babae.
Pagkaraan ng ilang minuto may lalaking nagmamadaling pumasok habang sapo ang tiyan dahil sa kakatakbo kasama ang batang lalaki.
"Buti naman gising ka na ineng. Halos tatlong araw ka ding tulog. Ang akala nga namin hindi ka na magigising"sabi ng matandang lalaki na sa tingin ko'y asawa ng babae.
"N-nasan ako?"halos pabulong na tanong ko dahil nanghihina Pa din ang katawan ko.
Nagkatinginan naman sila at muling binalik ang tingin sakin.
"Nasa maliit ka naming baryo dito sa liblib na lugar."sagot ng babae.
Bigla ko namang naalala ang mga anak ko kaya kahit nanghihina ay sinikap Kong hawakan ang tiyan ko at napahinga naman ako ng maluwag dahil sumisipa Pa sila.
Ang akala ko may nangyari nang masama sakanila.
"Wag kang mag alala ineng. Maayos ang anak mo. Buti nadala ka agad dito ni Carlo at Nestor kundi baka may nangyari nang masama sayo"sabi ng matandang lalaki.
Napatulala naman ako nang bigla Kong maalala ang nangyari nung gabing yun.
"Y-yung kasama k-ko? N-nakita niyo b-ba siya?"tanong ko.
Naalala ko ang putok ng baril at mga nagmamadaling yabag at yung dalawang lalaki sa harap ko bago ako mawalan ng malay.
"Pasensya na pero wala na kaming nakitang kasama mo dun pagbalik namin kaumagahan. Nung narinig kasi namin ni Nestor ang putok ng baril natakot kami baka barilin din kami kaya nang madala ka namin dito hindi na kami bumalik dun"sagot ng binatang lalaki.
Napatulala naman ulit ako hanggang sa naramdaman ko na lang ang mga luha Kong isa isang nagbabagsakan mula sa mata ko.
"Pero bakit? Dapat binalikan niyo siya o di kayay hinayaan niyo na lang ako don. Bakit niyo Pa ako niligtas? Bakit di man lang kayo bumalik don? Di sana buhay Pa si manong"sagot ko habang humihikbi.
Nilapitan naman ako ng babae at hinagod hagod ang likuran ko.
"Patawad. Hindi na kasi namin alam ang gagawin namin ng kapatid ko. Pauwi na kami non galing sa ilog nang makarinig kami ng pagsabog at pagbundol ng kotse sa puno. Nilapitan namin yun hanggang sa nakita ka namin na tumatakbo papasok sa kakahuyan kaya napagdesisyonan ka naming sundan. Tapos narinig namin yung putok ng baril. Nakita ka naming nakatulala kaya lalapitan ka na sana namin pero bigla kang tumakbo hanggang sa madulas ka at tumama ang ulo mo sa puno"paliwanag ng binatang lalaki.
Hindi naman na ako nakaimik. Umiyak na lang ako ng umiyak. Lumabas naman na sila at naiwan kami ng babae dito sa loob.
"Tama na iha. Makakasama sa bata ang pag iyak."sabi ng babae.
"M-may naghahanap p-po ba s-sakin?"tanong ko.
Napabuntong hininga naman yung babae saka malungkot na tumingin sakin.
"Patawad iha pero wala. Walang napadpad na mga taong naghahanap sayo dito"sagot niya.
Nanlulumo naman akong napatitig sa kawalan.
Bakit di man lang nila ako hinahanap?
"Bakit?"tanong ko ulit.
"Dahil hindi siguro nila alam na may maliit na baryo dito sa liblib na lugar. Wag kang mag isip ng iba iha. Nararamdaman Kong hinahanap ka nila"sagot ng babae.
Napatango naman ako at pinahid ang luha ko.
"May telepono po ba kayo dito?"tanong ko.
Umiling naman yung babae.
"Hindi namin alam gumamit ng ganon iha saka walang kuryente dito. Pero natitiyak Kong may telepono sa bayan ngunit malayo Pa iyon dito"sagot naman niya.
Napabuntong hininga na lang ako at napasandal sa higaan Kong gawa sa kawayan.
"Hindi man lang nila ako hinanap"nakatulalang saad ko.
Nalulungkot ako. Hanggang ngayon siguro galit Pa sakin si Trevor. Kasalanan yun ni Mike eh. Bakit ko Pa kasi siya pinatuloy sa bahay yan tuloy nagiging miserable ang buhay ko.
"Wag kang panghinaan ng loob iha. Magdasal na lang tayo na mapapadpad ang isa sa pamilya mo dito sa aming baryo para hanapin ka. Wala naman impossible sa diyos eh"sabi niya.
Napatango na lang ako at nahiga ulit. Pakiramdam ko nawalan ako ng enerhiya sa pag iyak ko kanina.
Unti unti Kong pinikit ang aking mga mata hanggang sa hindi ko nalamayan at nakatulog na pala ako.
Gabi na nang maalimpungatan ako at magising.
"Gising ka na ulit iha. Eto oh may hinanda akong lugaw para lumakas ka. Ilang araw ka ding walang gutom siguradong nagugutom na ang baby mo"sabi ng babae.
Kinuha ko naman yun saka tinikman.
Natakam ako bigla kahit simple lang ang lugaw na luto niya ay parang kompleto na sa rekado.
"Ano nga po Pa lang pangalan niyo?"tanong ko sa babae habang nakaupo siya sa may silya at nakatingin lang sakin.
"Imelda ang pangalan ko. Gardo naman ang pangalan ng asawa ko. At ang binatang anak ko naman ay si Carlo saka si Nestor na bunso ko"sabi niya habang masayang sinasabi ang mga pangalan ng anak niya.
Napangiti naman ako at kumain ulit.
"Vanna po ang pangalan ko"sabi ko.
Napangiti naman si aling Imelda saka nagpaalam na lalabas muna. Napatango naman ako at pinagpatuloy na ang pagkain ko.
After ko kumain tinulungan muli ako ni aling Imelda na magpalit ng damit pagkatapos nun ay tinulungan naman niya akong mahiga. Nagpasalamat naman ako at nahiga na.
"Kung may kailangan ka iha wag kang mahihiyang magsabi ha. Nandito lang ako"sabi niya.
"Sige po. Maraming salamat po"sagot ko.
Tumango naman siya at pumasok na sa kwarto nila. Hindi ko na nakita Pa si Carlo at Nestor baka natutulog na sila. Napahinga na lang ako ng malalim saka tumitig sa kawalan. Maliwanag ang buong bahay dahil sa gasera na nasa tabi ko.
Kamusta na kaya si Trevor? Sana okay lang siya. Namimiss ko na siya. Sana hinahanap niya ako at sana nga mahanap na nila ako.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon