IJO18-71

600 22 0
                                    

Vanna POV

Patak ng ulan sa bubungan ang gumising saken mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Pagmulat ng mata ko tumambad sakin ang mga naglalaro ng baraha habang may mga alak at sigarilyo sa lamesa.

Naramdaman ko namang nakatali ang kamay ko at may busal sa bunganga ko.

"Aba. gising na pala siya. Tawagin niyo na si boss" sabi ng lalaking nakapansin sakin.

Tumalima naman yung isa at lumabas.

Nilibot ko naman ang mata ko sa pag asang may iba pa akong pwedeng labasan ngunit may mga lalaking armado ng baril sa gilid na walang pakealam sa mga naglalaro na kasamahan nila.

Sinilaban naman ako ng takot nang may lumapit sakin at may hawak na bote ng alak. Pipikit pikit naman ang mata niya na nakatingin sakin.

"Ang kinis naman ng balat mo. Ang swerte siguro ng lalaking makakauna sayo no?" saad niya.

Tumaas naman ang balahibo ko nang taas baba niya akong tignan.

Kaba at takot ang nararamdaman ko. Anumang oras sigurado ako papatayin na nila ako. Sigurado ako nag aalala na si Trevor sakin. Yung mga anak ko ayokong maulila agad sila.

"Hoy. Umalis ka nga diyan. Kakausapin pa yan ni boss bago iligpit. Mag ayos na din kayo papunta na siya dito." saad ng lalaking tumawag sa boss nila.

Sigurado akong si Adele ang boss nila. Kung may pagkakataon lang talaga akong makawala dito sisiguraduhin ko na mahuhuli siya ng pulis at makukulong sa bilangguan.

Nagmadali naman sila sa pagliligpit at naglinis.

Ilang minuto lang ang nakalipas may kotseng huminto sa labas.

Mukhang nandito na siya. Kahit anong mangyari hindi ko ipapakita ang kahinaan ko. Sinagad na niya ang pasensya ko.

Isang tauhan ni Adele ang nagbukas ng pinto. Nakangiti naman siyang naglakad papalapit sakin habang nakasuot ng pulang bistida na hapit sa katawan niya. Nakalugay din ang mahaba at alon alon niyang buhok. Puno din ng kolorete ang makapal niyang mukha.

Nanggigigil tuloy ako. Kung hindi lang nakatali ang kamay ko talagang susunggaban ko siya ng sabunot agad. Argghh.

Nasa may likuran niya naman ang lalaking tinadyakan ko ang ibon niya.

Tumigil naman sila sa tapat ko. Lumapit din sakin yung lalaking natadyakan ang ibon at tinanggal yung panyo sa bunganga ko.

Buset parang puno ng alikabok yung panyo. Napapaubo tuloy ako dahil sa mga nalasahan kong alikabok galing sa panyo.

"Kamusta ka Vanna? Hindi ka pa naman nabaliw di ba?" natutuwang tanong ni Adele.

Tinaasan ko naman siya ng kilay at taas noo akong tumayo para harapin siya.

Kailangan kong maging matapang at matigas sa harapan niya. Hinding hindi ko ipapakitang natatakot ako.

"Hindi pa naman Adele. Sa totoo lang mukhang ikaw nga itong baliw na eh. Talagang ipapadukot mo pa ako para lang makuha mo si Trevor? Tinanong mo ba siya kung papatulan ka niya? Sigurado akong hindi ang sagot niya. Kawawa ka naman" sagot ko.

Bigla niya naman akong sinampal at napangiwi ako sa sakit.

Buset. Bat ang bilis ng kamay niya? Di ko inasahan yon ah. Tss. May araw ka talaga saking babae ka.

"Masakit no? Hindi ko alam kung ilang buhay ang meron ka. Ilang beses na kitang pinaligpit pero kita mo hanggang ngayon humihinga ka pa pero di na sa pagkakataong ito. Sisiguraduhin ko na mawawala ka na sa landas ko." saad niya saka tumawa ng malakas.

Hindi naman ako nagpatinag at walang emosyon ko siyang tinignan.

"Oo. Sobrang sakit. Bakit mo dinamay ang Daddy ko? Bakit pati siya pinapatay mo? Ginamit mo pa talaga si Carlo. Sinadya mo ba talaga yon ha?Sigurado akong alam mo na kapatid ko siya." sabi ko.

Tumawa na naman ulit siya at kalaunan sumeryoso ang mukha.

"Noong unang beses kitang pinaligpit akala ko nagtagumpay na ako. Hindi pa pala. Tapos bigla namang umatras si Mike sa usapan namin kaya ang naisip ko kung hindi ikaw ang mga taong mahalaga na lang sayo ang tatapusin ko. Gusto kitang makita na unti unting namamatay sa sakit. Mabaliw sa kakaisip. Naplano ko na lahat pero katulad lang ni Mike si Carlo. Bahag ang buntot. Umamin siya bigla sayo napurnada na naman ang plano ko. At ito na ang huli, pag namatay ka na wala na akong problema pa. Hahahaha" sabi niya at tumawa ulit ng malakas na parang isang mangkukulam.

Natulala naman ako sakanya.

Pati si Mike? Pati si Mike dinamay niya. Wala siyang puso.

"Bakit mo ba ako kailangang patayin? Bakit mo ba kailangang umabot ka sa puntong to Adele? Nababaliw ka na. Sigurado akong magagalit si Dale sayo pag nalaman niya to." sabi ko.

Tumigil naman siya at tumalim ang tingin sakin. Nanindig naman ang balahibo ko.

"Kung hindi mo lang inakit si Trevor noon hindi sana naging miserable ang buhay mo. Kung lumayo ka na lang di sana buhay pa ang daddy mo ngayon pero malandi ka nga di ba? Dahil sayo nawala siya sakin. Malandi ka." sigaw niya sakin at bigla niya akong sinabunutan.

Naramdaman kong bumaon ang mahaba niyang kuko sa anit ko. Naramdaman ko naman ang sakit at parang may mainit na likidong kumawala sa ulo ko.

Umiiyak lang ako habang tinatanggap ang lahat ng pambubogbog ni Adele. Gustuhin ko mang lumaban ngunit hindi ko magawa. Nakatali ang mga kamay ko. Hindi ako makalaban.

Kung hanggang dito na lang ang buhay ko hinihiling kong makita muna ang mga anak ko bago ako mawala. Mahagkan ko sila at mayakap ng mahigpit. Ipaparamdam ko sakanila kung gaano ko sila kamahal. Magpapasalamat din ako kay Trevor sa lahat ng sakripisyong ginawa niya sakin. Simula noong magsama kami hanggang sa dumating ang mga anghel sa buhay namin. Kahit masyado siyang mahangin at puro kagwapuhan lang alam niya Mahal na mahal ko siya. Sobrang Mahal na mahal ko sila. Hindi ko pinagsisisihan ang gabing yon. Diyos ko. Iligtas niyo po ako.

Halos habulin ko ang hininga ko nang matapos si Adele sa pananakit sakin.

Tumulo ang dugo ko mula sa ulo ko dahil sa kuko ni Adele na bumaon sa anit ko. Namumula din ang mukha ko nang pagsasampalin niya ako. Nananakit din ang katawan ko sa tadyak niya nang mapahiga ako.

Hindi ko napigilan at napaiyak na lang ako sa awa sa sarili ko.

Wala naman akong ginawang masama bakit niya ginawa sakin to? Bakit niya dinamay ang daddy ko? Bakit niya ginawang miserable ang buhay ko?

"Ang tagal ko ding hinintay ang pagkakataon na to. Umiiyak ka ba sa sakit? Buti nga yan sayo. Buhatin niyo na yan at itali sa tabing dagat. Malapit nang mag high tide." rinig kong saad ni Adele.

Naramdaman kong binuhat ako ng isang lalaki hanggang sa naramdaman ko ang malamig na tubig na hanggang sa bewang ko.

Mukhang nasa tubig kami.

Naramdaman ko ang pagtali nila sa dalawang ko.

Tilamsik ng tubig ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon