IJO18-49

2.8K 47 3
                                    

Vanna POV
Hindi ako mapakali. Nanlalamig ang buong katawan ko at hindi alam ang gagawin. Sinusubukan Kong tawagan si Trevor pero hindi niya sinasagot. Baka inaahas na siya ni Adele. At hindi ako makapapayag na mangyari yun. Hindi din ako makapaniwala na nagawa akong traydurin ni Mike. Nakipagsabwatan siya kaya Adele para masira ang relasyon namin ni Trevor. Niloko ulit niya ako. Pinagkaisahan nila ako at ngayon nagtagumpay sila. Galit sakin si Trevor at ayaw niya akong kausapin.
Hayyy. Ano bang gagawin ko????
Tumayo ulit ako sa pagkakaupo ko sa sofa at tumingin sa labas na madilim na at malakas ang buhos ng ulan.
Hindi ko na kaya Pa susundan ko siya at alam ko kung nasan yun.
"Manang"tawag ko kay manang na abala sa kusina.
Lumapit naman agad siya sakin.
"Pakitawagan naman ho si manong na ihanda ang kotse ko. Lalabas ako."sabi ko.
Nag aalala namang nakatingin sakin si manang.
"Mam. Wag na po kayong lumabas. Malakas ang buhos ng ulan baka mapano Pa kayo"sagot ni manang.
Napatingin ulit ako sa labas na malakas Pa rin ang buhos ng ulan.
Kailangan ko Pa ring sundan si Trevor. Kailangan Kong magpaliwanag sakanya.
"Mag iingat po kami. Wag kayong mag alala"sabi ko saka pilit na ngumiti.
Napabuntong hininga si manang.
"Kayo po ang masusunod mam"saad niya saka tinawag si manong.
Pumanhik muna ako sa kwarto para kumuha ng jacket panlaban sa lamig after non kinuha ko yung cellphone ko at bumaba na ako.
Pagbaba ko nakahanda na yung kotse na nakaparada sa labas. Naghihintay naman si manong sa labas na may payong.
Naglakad na ako at lumapit kaya manong na pinapayungan ako. Pinagbuksan niya ako ng Pinto at pumasok ako doon. Sinara na ni manong yung Pinto at sumakay na din siya saka pinaandar ang kotse.
"Saan po tayo pupunta mam?"tanong niya.
"Sa Happy Nights Club po tayo manang"sagot ko.
Tumango naman sa rear mirror si manong at nagpatuloy nang magdrive.
Napatingin naman ako sa labas habang tinitignan ang mga abalang tao na sumilong dahil sa lakas ng ulan. Napabuntong hininga na lang ako habang inaalala ang mukha ni Trevor na cold at galit. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili Kong maluha.
Ilang minuto na kaming nasa daan nang mapatingin ako Kay manong na hindi mapakali at tingin ng tingin sa rear mirror niya habang namumutla ang mukha.
"Manong okay lang ho ba kayo?"tanong ko.
Napatingin naman siya sakin at parang kinakabahan.
"M-mam kasi.."putol niyang sagot.
Napatingin ako sa daan. Hindi ito ang daan papuntang Happy Night Club. Nasa maling saan kami.
Kumabog naman ang puso ko ng sobrang lakas at nilingon si manong na namumutla Pa rin.
"Manong sabihin mo nga sakin kung nasan na tayo? Hindi po ito yung daan papuntang HNC"saad ko na medyo kinakabahan.
"M-mam kasi sinusubukan Kong iligaw yung itim na kotse na nakasunod satin kanina Pa"sagot niya.
Napatingin naman ako sa likuran para tignan yung itim na kotse at nanlaki ang mata ko na meron nga. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang bigla silang magpaputok na ikinayuko ko.
"MAM YUMUKO LANG PO KAYO"sigaw ni Manong na mas binilisan Pa ang pagpapatakbo ng kotse.
Natulala naman ako saglit hanggang sa maalala Kong nasakin pala cellphone ko. Nanginginig ang kamay ko habang dinadial ang number ni Trevor.
Ring lang ng ring pero hindi niya sinasagot.
*BANGBANGBANG
Putok ulit nila ng baril.
Naluluha ako na hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang lakas din ng tibok ng puso ko.
Iniiwasan naman ni manong yung bala na tumatama sa kotse ko.
Malakas Pa rin ang buhos ng ulan at hindi ko gaanong makita ang labas kung nasaan na kami.
Waaahh. Bakit ba nangyayari sakin to? Huhuhuhu. Mahal ko Pa ang buhay ko.
"Manong pano natin matatakbuhan mga yan?"tanong ko habang nakayuko.
"Hindi ko po alam mam"sagot niya.
*BANGBANGBANG
Putok ulit nila ng batil hanggang sa..
*BOOOOMM..
Natamaan ng bala yung isang gulong ng kotse ko at pumutok kaya pagewang gewang na lang kami ngayon.
Agad Kong tinipa yung number ni Kuya Raf. Nakailang ring naman yun hanggang sa sinagot niya na pinagpapasalamat ko.
"Kuyaaa tulungan mo kamiii"sigaw ko dahil sa matinis na tinig ng bakal sa gulong ko.
"Anong nangyari nasan ka? Okay ka lang?"sunod sunod na tanong ni Kuya Raf.
Napahikbi naman ako dahil sa takot na nararamdaman ko.
"Hindi ko po alam kuya*huk. Pero may humahabol saming kotseng itim*huk. Tapos pinapaulanan nila kami ng bala"sagot ko.
Magsasalita Pa sana si Kuya nang biglang magpagewang gewang ang kotse ko. Napahawak naman ako sa tiyan ko hanggang sa bumangga kami sa isang puno.
"Mam. Gising mam"sabi ni manong habang tinatapik ang pisngi ko.
Napamulat naman ako at nanlaki ang mata ko nang makita si manong na duguan ang ulo.
"Manong dumudugo ang ulo niyo"nag aalang sagot ko.
"Hindi na po yan mahalaga mam. Lumabas na po kayo dito habang wala Pa sila"sabi niya saka ako inalalayang lumabas ng kotse.
Napatingin naman ako sa tiyan Ko at napahinga ng maluwag nang makitang walang dugo sa hita ko.
Bigla Kong naramdaman ang lamig paglabas ko dahil sa lakas Pa rin ng buhos ng ulan.
Nanlaki mata namin nang makita namin ang ilaw na nanggagaling sa kotseng itim na papalapit samin.
"Tumabo na kayo mam"sabi ni manong.
"Pero pano po kayo?"tanong ko.
"Ako na po bahala dito"sabi niya.
Bigla akong napaluha habang nakatitig sa mata ni manong. Matanda na siya at inaasahan ng pamilya nila.
"Hindi ko po kayo iiwan dito"sabi ko.
"Hindi pwede mam. Tumakbo ka na habang malayo Pa sila"sabi niya.
Pinikit ko na lang ang mata ko saka napabuntong hininga at napatitig Pa ulit kay manong na malungkot na ngumiti.
"Kung may mangyari mang masama sakin ngayon maaari niyo po bang sabihin sa pamilya ko na mahal na mahal ko sila at kahit wala na ako Ay nasa tabi Pa rin nila ako at binabantayan sila"sagot ni manong na mas nagpaluha sakin.
Napatango na lang ako saka tumakbo papasok sa kakahuyan.
Takbo lang ako ng takbo at hindi alintana ang lakas ng buhos ng ulan. Hindi ko maramdaman ang lamig dahil sa takot na nararamdaman ko para sa sarili ko at para sa mga anak ko.
*BANG.
Putok ng baril na nagpatigil sakin. Mas kumabog ang dibdib ko ng malakas at napatingin sa way ng dinaanan ko at napahikbi ng malakas.
Hindi maaari. Si manong. Binaril nila si manong. Huhuhuhu
Tulala lang ako sa kawalan hanggang sa makarinig ako ng mga yabag at pagsplash ng tubig na nagbalik sakin sa reyalidad.
Dali dali naman akong lumakad hanggang sa may matapakan akong madulas at tumama ang ulo ko sa matigas na bagay.
Ramdam ko ang pagdaloy ng masanang dugo mula sa ulo ko. Napatingin naman ako ss tiyan ko at napahawak dahil sa nararamdaman Kong kirot na nagmumula doon dahil sa pagkakadulas ko.
Nanlalabo na ang tingin ko at pagod na pagod na din ako.
Papikit ng papikit yung mata ko nang makita ko ang dalawang nakaitim na lalaking nakatayo sa harapan ko hanggang sa dumilim ang buong paligid.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon