Epilogue

1.1K 42 3
                                    

Vanna POV

Isang magandang umaga ang sumalubong sakin habang naglalakad ako papalapit sa puntod ni Dad. Isang linggo na din ang nagdaan matapos ang trahedyang yon sa buhay ko. Nagpapasalamat ako sa panginoon at binigyan niya ako ng isang pagkakataon para mabuhay. Nagpapasalamat din ako kay Dad dahil binalik niya ako sa reyalidad. Akala ko talagang panaginip yon pero totoo pala, nakita ko siya. Alam kong kahit wala na siya ginagabayan niya pa rin kami at hindi pinapabayaan.

Kakauwi lang din ni mommy kahapon dahil binyag ngayon ng kambal. Dumaan lang ako dito sa puntod ni Dad para mag alay ng dasal at bulaklak.

Nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin dahil sa marahang pag ihip nito. Napahinga ako ng malalim at napangiti sa langit dahil okay na ang lahat. Wala nang magbabalak ng masama samin.

Sinama naman ni Dale si Adele sa abroad para magpagamot dahil sa sakit niyang mental disorder. Nakakabahala ngunit sisikapin niyang ipagamot ang kapatid niya.

Nagpasalamat naman ako kay Mike sa pagligtas niya saken. Nagpasalamat din ako sa barkada sa lahat ng effort nila pati na kina kuya Raf at Ran na tumulong sa paghahanap sakin.

Ngayon magsisimula ang bagong bukas para samin. Bagong simula at bagong buhay. Marami mang pagsubok na dumating aasahan kong magtatagumpay kami at malalampasan lahat ng yon.

*******

5 years later...

Trevor POV

"Trevoorrr. Bilisan mo jusko lalabas na." sigaw ni Vanna sa labas habang inaakay siya ni manang papasok sa kotse.

Halos madapa naman ako sa kaba habang bitbit ang mga gamit ng anak namin.

"Daddy faster." sigaw din ni Rayleigh na nasa may pintuan bitbit ang bag niya.

Hay nako. Dinagdagan pa niya yung kaba ko.

"Dalian mo papa. Kawawa naman si mama." sigaw naman ni Ryle na hawak sa kamay ang mama niya.

Isa din to. Hindi naman sila pwedeng sumama dahil bawal ang bata sa hospital pero nakabitbit sila ng bag at walang balak na magpaiwan.

"Oo eto na." sagot ko at nilagay na sa backseat gamit ng baby.

Pumasok din sa backseat ang kambal at prenteng naupo doon habang nakangiti sakin.

"Sinong nagsabing sasama kayo?." nakataas kilay kong tanong.

Nagkibit balikat si Rayleigh.

"Mama told me to come." inosenteng saad naman ni Ryle.

"Jusko Trevor isama mo na lang. Manganganak na ako. Bilisan mong kumilos kung hindi masasapak kita." saad ni Vanna na namimilipit sa sakit.

Nasintatakutan namang akong sumakay agad at pinaandar ang makina habang natatawa naman ang dalawa sa backseat.

Ang kukulit talaga ng dalawang to. Mana na nga sakin ang kagwapuhan nila mana pa pati kakulitan.

Mabilis din naman kaming nakarating sa hospital. Sumalubong naman samin ang isang nurse na may dalang wheelchair. Nakahawak naman sa magkabilang damit ko ang kambal habang bitbit ko ang gamit ng baby. Malapit na kami sa may ER nang makita kami ni Ran.

"Tito Raann." tawag ng dalawa sakanya habang tumatakbo sila papalapit.

Masaya naman silang binuhat ni Ran.

"Sila na bahala kay Vanna." saad niya habang pinapasok si Vanna sa may ER.

Namimilipit naman siya sa sakit habang habol ang hininga.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon