IJO18-52

2.9K 49 2
                                    

Trevor POV
Magta tatlong araw na matapos mawala si Vanna. Hanggang ngayon hindi Pa din naman siya nahahanap at hindi Pa din namin alam kung sino ang gustong pumatay sakanya at kung sino ang mga gunman na yun.
Ilang gabi na akong walang sapat na tulog at walang matinong kain dahil sa kagustuhan Kong mahanap si Vanna. Nag aalala na ako sakanya. Ano na kayang nangyari sakanya?
Iniisip nga namin baka may nakakita sakanya at kinupkop siya o talagang wala na dahil yung huling bakas na nakita ko ay nangangahulugan na dugo niya yun at marahil ay nilapa na nga talaga siya ng mababangis na hayop.
Iniisip ko din kung may kinalaman si Mike dito. Isa din sa hinala ko si Adele. Hinding hindi ko makakalimutan ang pagbabanta niya noon sakin.
Anyways nasa office ako ngayon kasama ang tropa at si Rafael. Wala si Raniel dahil busy daw siya sa hospital dahil madaming pasyente ang nangangailangan sakanya.
"Nahanap niyo na ba kung saan siya nakatira?"tanong ko sakanila.
"Oo pre. Sa Makati siya nakatira."sagot ni Lance.
"Bakit mo naman pinapahanap si Mike?"tanong ni Rafael.
Hanggang ngayon hindi Pa nila alam na galing si Mike sa bahay bago maaksidente at mawala si Vanna. Hindi din nila alam na nagtalo kami nun.
"May kutob akong may kinalaman siya sa pagkawala ni Vanna"sagot ko.
"San siya nakatira sa Makati?"tanong ko ulit kay Lance.
"Sa isang exclusive subdivision doon siya nakatira"sagot ulit niya.
Nag igting ang mga baga ko.
Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nakakausap.
"Pano siya makakatira sa isang exclusive subdivision eh ang pagkakaalam ko nakatira siya sa isang squatter area sa Binondo Manila"sabi ni Rafael.
Napatingin naman kaming lahat sakanya habang nakadekwatrong upo.
"Pano nangyari yun?"tanong ko.
"Nung naghiwalay sila ng kapatid ko tinakwil na siya ng pamilya niya dahil sa issue niyang scandal video."sabi niya.
"Narinig ko Yang issue na yan sa buong university eh"sabi ni Gab.
"Baka may tumulong sakanya kaya maayos Pa rin ang buhay niya."sabi naman ni Kiel.
"Hay ayoko nang palipasin ang oras. Pupuntahan ko na siya"sabi ko saka tumayo.
Walang oras ang dapat masayang sa paghahanap kay Vanna.
Hindi ko na hinintay ang sagot nila at nauna na akong maglakad papunta sa kotse ko.
Nag iinit ang kamao ko at gustong gusto ko na siyang puntahan para bugbugin. Simula nung dumating siya sa buhay namin parang laging nasa panganib si Vanna. Wala akong tiwala sakanya at ramdam Kong sinisira niya ang relasyon namin.
Mabilis din agad akong nakarating sa kotse ko at nagsimulang paharurutin yun palabas ng kompanya namin. Nakasunod din naman sakin ang kotse ni Lance at Rafael.
Ilang sandali lang nakarating din kami sa isang exclusive subdivision sa Makati.
"Sir bawal pong pumasok ang mga hindi nakalista ang pangalan dito"sabi nung guard na nagbabantay sa main gate ng subdivision.
Tumingin naman ako sakanya saka dumukot ng pera sa wallet ko at pasimpleng binigay yun. Kinuha naman niya yun at tinignan saka muling binalik ang tingin sakin.
"Bakit to sir? Ang laki neto ah"sabi niya na nagniningning ang mga mata.
"Sayo na yan basta papasukin mo lang kami. Pupuntahan lang namin yung kaibigan namin na nakatira diyan"sagot ko.
"Sige po sir. Maraming salamat po dito. Ano nga po palang pangalan ng kaibigan niyo?"tanong ulit niya.
"Ah. Mike Ponce"sagot ko.
Tinignan naman niya sa listahan yung pangalan ni Mike.
"Sa Kalye 13 po ang bahay niya"sabi nung guard at pinadaan na kami.
Nagpasalamat Pa ulit siya sakin at sinagot ko naman siya ng tango na may tipid na ngiti.
Mga Tao nga naman. Hindi mabubuhay pag walang pera. Konting tulong lang yun pero sobrang halaga na para sakanila. Iba talaga ang sistema ng gobyerno ngayon.
Nagpatuloy na ako sa pagmamaneho ng kotse habang tinitignan ang bawat kalye ng na nadadaanan namin hanggang sa marating namin ang kalye 13 at tumambad samin ang isang 2 storey house.
Nagpark na ako sa gilid ng kalsada saka lumabas sa kotse ko. Nagpark na din sina Lance at Raniel saka sila lumabas at tinignan yung bahay na sinabi nung guard.
"Hindi ba nagkakamali yung guard?"tanong ni Gab habang nakatingin lang sa bahay.
Nagtataka lang ako kung bakit ang laki ng bahay eh mag isa lang siya. Marahil may kasama siya dito.
"Tara na"sabi ko at naunang maglakad papunta sa pintuan.
Pinindot ko muna yung buzzer hanggang sa pagbuksan kami ng isang matandang babae na sa tingin ko ay ang kasambahay niya.
"Magandang umaga po. Sino po sila?"tanong niya habang isa isa kaming tinitignan.
"Kaibigan ako ni Mike. Dati niyang nobya ang kapatid ko."sagot ni Rafael.
Mas lalo namang niluwagan ng kasambahay ni Mike yung Pinto at napangiti samin.
"Naku. Ganun po ba. Pumasok po kayo mga sir."sabi niya.
Pumasok naman na kami at naupo sa sofa. Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid.
Maganda ang bahay niya kaya nakapagtatakang magkakabahay siya ng ganito kung tinakwil na siya ng magulang niya at nakatira siya noon sa squatter.
"Nasan si Mike?"tanong ko sa kasambahay niya.
"Nasa taas po si Sir. Kakauwi niya lang po eh. Maiwan ko muna kayo. Maghahanda lang ako ng meryenda"sagot niya saka umalis at nagpuntang kusina.
Napatingin naman ako sa taas hanggang matanaw ko ang isang kwarto na sa tingin ko ay ang masters bedroom.
"Anong Plano natin? Hihintayin ba natin si Mike dito?"tanong ni Gab.
"Hindi."sagot ko.
Nagkatinginan naman sila sa isat isa at muling binalik ang tingin sakin.
"Eh anong gagawin natin?"tanong nj Lance.
"Papasukin natin siya"sagot ko at naunang tumayo saka naglakad papuntang hagdan.
Nakasunod naman sakin si Lance, Kiel at Rafael.
Pagkarating namin sa taas agad kaming pumwesto sa gilid. Si Lance naman ang humawak sa doorknob hanggang sa pwersahan niyang binuksan yon at pumasok naman kami.
Nagulat naman ang mga Tao sa loob at pilit na nagkubli sa ilalim ng kumot habang naka hubot hubad.
"Anong ginagawa niyo dito? Ano to kuya Raf?"sigaw ni Mike habang nanlalaki ang mata.
"Don't call me Kuya Raf. Hindi ko Pa din nakakalimutan hanggang ngayon ang ginawa mo sa kapatid ko"sagot ni Rafael.
Sinenyasan ko naman si Lance at Kiel na higitin si Mike. Lumapit naman sila sakanya at hinila siya hanggang sa pinaluhod siya sa harap ko.
Wala akong pakealam kahit hubot hubad siya.
Umiiyak naman yung babae habang nakatingin lang samen.
"San mo dinala si Vanna?"tanong ko sakanya habang matalim ang tingin.
"Hindi ko alam. Bakit mo ba siya sakin hinahanap?"sagot niya.
Napakagat naman ako sa labi at sinuntok siya.
"Sabihin mo na sakin kung nasaan siya. Alam Kong may kinalaman ka sa pagkawala niya at napaka imposibleng magagawa mo yun mag isa."sabi ko.
Nanggigigil ako sa galit ngunit pinipigilan ko lang ang sarili Kong mabugbog siya.
"Wala nga akong alam sa sinasabi mo"sigaw niya.
Napakagat ulit ako sa labi at sinuntok siya sa mukha. Nagdudugo na ngayon ang labi niya at namamaga na din ang pisngi niya.
"Kahit ilang beses mo Kong bugbugin wala Pa rin akong alam sa sinasabi mo."sabi ulit niya.
Napatalikod na lang ako sa inis at sinuntok ang pader. Hindi ko na alintana ang dugong dumadaloy sa kamao ko. Wala akong maramdamang sakit o kahit hapdi. Mas nangingibabaw ang lungkot, pagsisisi at galit. Hindi Pa din ako titigil hanggat hindi ko nahahanap ang taong gustong pumatay kay Vanna.
"Aminado akong mahal ko Pa si Vanna pero hindi ko magagawa ang ibinibintang mo sakin. Hinding hindi ko siya magagawang saktan at ipahamak"sabi ulit niya.
Napapikit na lang ako sa inis at aalis na sana nang pumasok ang mga pulis sa kwarto.
"Itaas niyo ang mga kamay niyo at walang gagalaw"sabi nung isa.
Hindi naman kami nakagalaw at gulat na napatingin sakanila habang nilalagyan ng posas ang mga kamay namin.
Bago kami lumabas, napatingin Pa ako ng masama sa babaeng nakaupo sa kama habang hawak ang cellphone niya.
Paano ko na mahahanap si Vanna kung makukulong ako? Paano na to?

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon