IJO18-23

4.1K 88 3
                                    

Vanna POV
Tahimik lang akong nakahiga sa kama habang nakatalikod kay Trevor.
Nandito siya sa kwarto ngayon at dito siya matutulog. Tss.
Naalala ko na naman yung nangyari kanina sa baba.
*Flashback.
"Oo nga. Tama ang mommy niyo. Pagod kami at gusto naming dito magpalipas ng gabi."sabi ni Papa.
Nanlaki naman ang Mata ko habang nakatitig lang sakanila.
"P-pero mom. Dad. Tambak na po ng gamit yung guest room. Wala po kayong matutulugan dito"sabi ni Trevor.
Mukhang pati siya hindi alam ang gagawin.
Bakit ba kasi naisipan Pa nilang magpalipas ng gabi dito. Huhu.
"P-pero mom. Dad"sabi Pa ni Trevor.
"Sa pagkakaalam ko. This house have 3 rooms. A masters bedroom. Guest room and other room. So may available Pa. Ayaw mo ba kaming patulugin dito Trevor?"sabi ni Mama.
Parang ayoko yung susunod na mangyayari. Kinakabahan na tuloy ako at hindi mapakali. Huhu
"K-kasi po. Hay. Sandali lang po. Aayusin ko lang yung kwarto ko este yung kwartong yun"sabi niya saka napabuntong hininga habang nagmamartsa papunta sa taas.
May ngiting tagumpay naman sina Mama at Papa. Habang ako ngiting kinakabahan. Waaahhh.
*End of Flashback.
Kaya eto kami ngayon ni Trevor. Nasa iisang kwarto habang nagkalat yung mga maleta niya sa gilid.
Ang awkward tuloy ng paligid.
Narinig ko siyang napabuntong hininga saka naramdaman Kong lumubog ang gilid ng kama ko. Mukhang humiga siya.
Tahimik lang ako at kunwareng nagtutulog tulugan nang bigla akong mapadilat habang nanlalaki mga Mata ko.
Niyakap niya kasi ako. Waahh.
Feeling ko namumula pisngi ko.
Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa batok ko. Tumataas baba tuloy yung balahibo ko tapos yung puso ko. Ang bilis ng tibok at parang tinatambol sa lakas ng kabog.
"Bakit ka na naman lumabas nang hindi ako kasama at nagpapaalam? Alam mo bang nag aalala ako sa twing madadatnan kitang wala dito sa bahay?"sabi niya habang nakatalikod Pa rin ako at nakayakap siya sakin.
Hindi naman ako umimik.
"Galit ka ba saken Misis Ko? Bakit ba iniiwasan mo ko? Ang lamig din ng pakikitungo mo at di mo ako kinakausap. Dahil ba yun sa nangyari samen ni Pia? Patawarin mo na ako oh. Hindi ko na kaya Vanna. Hindi ko na kayang maging hangin lang sayo. Nasasaktan ako"sabi niya hanggang sa may marinig akong hikbi.
U-umiiyak siya? Dahil ba sa nasasaktan siya? O dahil sa galit ako at hindi pagpansin sakanya?
Bakit ba ganito ang pinapakita mong babaero ka? Naguguluhan tuloy ako sa nararamdaman ko.
"P-patawarin mo na ako Vanna*huk"sabi niya habang humihikbi.
Bigla naman tuloy akong naawa kaya humarap ako sakanya.
Nakita ko naman ang mga Mata niyang punong puno ng luha at sobrang lungkot.
Umiiyak siya dahil saken. Naguilty tuloy ako.
Pinahid ko naman ang mga luha niya saka ngumiti sakanya.
"Wag ka nang umiyak. Hindi ako galit.
Ayoko lang yung may sumisira sa mga wedding vows because I treasure those words. I treasure every letters na sinabi mo noong kinasal tayo."sabi ko habang inaalala ang araw ng kasal ko.
Kahit hindi yun perpekto at sapilitan mahalaga Pa rin saken. Dahil ang kasal ang isa na hinihiling ng bawat babae sa mundo. Noon pinapangarap Kong makasal kaya Mike pero ngayon parang sinusuka ko na yung bawat pangakong binitawan namin noon. Buti na lang nalaman ko ang sikreto nila ng taksil Kong kaibigan. Arrgh. Naiinis tuloy ako.
"I'm sorry if I failed you"sabi niya saka yumakap saken at sinubsob yung mukha niya sa leeg ko.
Naramdaman ko naman yung maiinit na luha niyang pumapatak sa leeg ko.
Hinayaan ko lang siyang umiyak hanggang sa tumahan siya at makatulog ng nakayakap saken.
Tinitigan ko naman ang perpekto niyang mukha. Mula sa mata niyang malamlam. Sa pilikmata niyang mahahaba. Sa matangos niyang ilong hanggang sa mapupula niyang labi.
Kumabog naman yung dibdib ko ng sobrang lakas. Nang bigla akong mapaisip.
Laging tumitibok ang puso ko ng sobrang bilis pag nandiyan siya o may nagagawa siyang sweet na bagay saken. Tapos nung nalaman Kong nakikipag ganun Pa siya sa iba nasaktan ako ng sobra na siyang ikinaiyak ko at ngayon siya naman ang nagsusumamo sa harap ko at naawa naman ako kaya pinatawad ko siya. Ibig bang sabihin nito?
No. No. Hindi pwede. Inuulit ko. Hindi ako pwedeng mainlove sa isang Playboy. Pero waahhh. Ito na yun. Ramdam ko na eh. Nahuhulog na ako.
Ugh. Oo na nga. Aamin na ako. Mahal ko na siya. Mahal ko na ang isang Playboy na kagaya niya.
Napangiti ako habang iniisip ko yun. Napatitig ulit ako sa mukha niya at hinalikan siya sa noo saka niyakap siya at natulog.
Sana. Sana hindi to panaginip. Dahil ayaw ko nang magising.
Trevor POV
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Pipikit pikit naman ako habang inaaninag ang paligid hanggang sa madako ang paningin ko sa babaeng katabi ko. Napangiti naman ako nang masilayan ko ang mukha niya habang nakayakap saken.
Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi. Hihi. Kinikilig tuloy ako. Haha.
Nknang. Trevor nababading ka na talaga. Hahaha
Niyakap ko muna siya bago nagpasyang tumayo para mag ayos dahil late na ata ako.
So yun nag ayos na ako at bumababa ng hagdan nang makita ko sila Mom at Dad sa dining.
"Goodmorning"masayang bati ko sakanila.
Napatingin naman sila saken at binati din ako.
"Mukhang maganda ang naging tulog mo ah. Hmm"sabi ni Dad habang nakangiti at may mapanuring tingin.
Nknang. Ang chismoso talaga ng tatay ko.
"Ohh. Magtatanong ka Pa parang di naman masaya ang naging tulog mo eh"sabat naman ni Mom.
Bigla tuloy akong nandiri sa ibig niyang sabihin. Hahaha
Di ko na lang sila pinansin. Umupo na ako at nagbreakfast nang makita si Vanna na bumababa ng hagdan.
Napatayo naman ako at lumapit sakanya. Ngumiti muna ako bago inilahad ang palad ko sakanya. Napataas naman ang kilay niya saka nilagay ang kamay niya sa kamay ko at inalalayan ko siyang bumaba ng hagdan.
Nakangisi namang nakatingin sina Mom at Dad samen.
Sige. Mapunit sana mukha niyo kakangisi. Hahaha
"Good morning po Mama, Papa"bati niya saka nakipagbeso sakanila.
Binati din naman siya nina Mom at Dad.
Hinila ko ang upuan niya noong uupo na siya at kinuha ko yung maternity milk niya saka inilapag yun sa mesa.
Nagpasalamat naman siya at tumabi ako sakanya.
Nag usap naman kami at nagkwentuhan na lang. Tawa ng tawa si Vanna nung kinukwento nina Mom at Dad ang mga Gawain ko nung bata ako habang ako nakasimangot lang.
Nagstay Pa sila dito hanggang sa magpaalam na sila at di na ako pinapasok sa kompanya. Mag stay na lang daw ako dito sa bahay para alagaan si Vanna.
Pagkatapos nong maihatid sa labas sina Mom at Dad pumasok na ako at nakita ko si Vanna na nanonood.
"Amm. Ililipat ko na yung mga gamit ko sa kwarto ko"sabi ko saka naglakad papuntang hagdan.
Paakyat na sana ako ng tawagin niya ang pangalan ko.
"Trevor."sabi niya.
Napalingon naman ako sakanya habang siya hindi nakatingin sa ibang direksiyon.
Mukhang nahihiya Pa ata ang misis ko. Hehe
"Bakit?"tanong ko.
"S-sa masters bedroom ka na matulog. A-ayusin mo na lang yung gamit mo sa Closet dahil natatakot ako pag mag isa ko lang"namumulang sabi niya.
Napatango tango naman ako at napangisi nung tumalikod na ako.
Wahaha. Nagpapalusot Pa siya gusto niya lang akong makatabi sa kama eh. Hihi. Ang misis ko talaga ibang klase.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon