IJO18-56

3.2K 101 2
                                    

Vanna POV
Ang saya saya ko. Sobrang nagagalak ang puso ko dahil nandito na si Trevor at yakap yakap ako. Akala ko hindi ko na siya makikita. Huhuhu
Umiiyak lang ako habang yakap yakap ko siya. Di ko na alintana ang mga Tao sa paligid basta masaya ako.
"Akala ko galit ka Pa sakin kaya hindi mo ako hinahanap"sabi ko habang pinupunasan niya ang mga luha ko.
Nakatitig lang siya sa mukha ko habang mugto din ang mata.
"Hindi totoo yun. Hindi na ako galit. Madami kaming naghanap sayo ang akala namin may nangyari nang masama sayo"sabi niya.
Nasa tono ng boses niya ang pag aalala at kitang kita ko sa mata niya.
"Pangako hindi na mauulit yun"sabi ko.
Napapikit naman ako ng halikan niya ang noo ko.
Ramdam ko ang mainit niyang labi na dumampi sa balat ko.
"Vanna"tawag ni Carlo sa pangalan ko.
Napalingon naman ako sakanya at napangiti.
"Sino siya?"tanong ni Trevor nang mapatingin siya kaya Carlo.
"Siya ang tumulong sakin sa kakahuyan"sagot ko.
Tumango naman si Carlo bilang pagsang ayon.
Lumapit sakanya si Trevor saka nilahad ang kanyang palad. Tinanggap naman yon ni Carlo saka sila nagshake hands.
"Trevor nga pala. Asawa ni Vanna. Maraming salamat sa pagliligtas mo sakanya"sabi ni Trevor.
"Walang anuman"sagot ni Carlo.
Tumango na lang si Trevor saka binitiwan ang kamay ni Carlo tapos lumapit na siya sakin.
"Uuwi na tayo. Gusto ka nang makita nina mama at papa pati sina mommy at daddy saka yung mga kuya mo"bulong niya sa tenga ko.
Napatingin naman ulit ako Kay Carlo na matiim lang na nakatingin sakin.
"Gusto ko munang magpaalam kanila aling Imelda, mang gardo at kaya Nestor na kapatid niyang nagligtas din sakin."sabi ko.
Napabuntong hininga naman si Trevor saka tumango.
Alam ko no choice siya. Syempre magpapaalam muna ako bago ako umuwi. Nakakahiya naman kanila aling Imelda at mang gardo kung hindi na ako nakapagpaalam Pa.
"Halika na Carlo. Uuwi na muna tayo sainyo"sabi ko habang nakatingin kay Carlo.
Tumango naman siya saka sumunod na samin ni Trevor papuntang kotse niya.
Inalalayan naman ako ni Trevor na pumasok sa kotse niya habang si Carlo nasa likuran. Nang makapasok si Trevor sa drivers seat sinimulan na niyang buhayin yung yung makina at nagtungo na kami sa bahay nila aling Imelda. Tinuturo lang ni Carlo yung daan habang tahimik naman ako.
Pagkaraan ng ilang minuto nakarating din kami. Tinginan naman yung ibang Tao habang dumadaan kami hanggang sa pumarada ang sasakyan ni Trevor sa harap ng bakuran nina aling Imelda.
Lumabas na si Trevor saka inalalayan ulit akong lumabas ng kotse. Lumabas na din si Carlo saka tinawag si aling Imelda at mang gardo sa bukid. Dumating din naman sila agad.
"Aling Imelda"tawag ko sa pangalan niya saka ako yumakap.
Niyakap din naman niya ako pabalik. Humiwalay din agad ako sa yakap at napatingin sakanya.
"Ang sabi ni Carlo uuwi ka na daw. Totoo ba yun?"tanong niya sakin.
"Oo po. Nagkita po kami ng asawa ko sa bayan kanina at hindi po namin inaasahan yun"sagot ko saka napatingin kay Trevor at napangiti.
"Ayy ganon ba. Siya ba yung asawa mo? Napaka gwapong lalaki naman neto"sabi niya habang nakatingin kay Trevor.
Ngumiti naman si Trevor kay Aling Imelda.
"Oo po. Magpapaalam na po sana ako."sabi ko.
Lumungkot naman ang mukha ni aling Imelda habang si mang gardo ay tahimik lang kasama si Carlo at Nestor.
"Uuwi ka na ba? Sana hindi mo kami makalimutan"sabi niya.
Tumango naman ako at niyakap ulit siya habang naiiyak.
Para ko na silang pamilya. Sila ang nag alaga sakin sa mga panahong nahihirapan ako.
"Maraming salamat po sa lahat ng tulong niyo"sagot ko habang humihikbi.
Napatingin naman ako kay mang gardo na naiiyak din. Ngumiti naman ako sakanya. Tahimik lang si Carlo na nakatingin samin.
"Walang anuman yun ineng. Kung may oras ka wag kang makakalimot na mamasyal dito ha. Nandito lang kami"sabi niya.
Humiwalay naman ulit ako sa yakap at pinahid ang luha ko.
"Makakaasa po kayo. Wag po kayong mag alala. Tutulungan ko po kayo."sabi ko.
Ngumiti naman si aling Imelda habang pinahid ang luha niya.
Lumapit na ako kay mang gardo at niyakap siya. Ganun din kay Nestor at Carlo.
"Pasyal ka dito ate ha"sabi ni Nestor.
"Oo naman. Pangako bibilhan kita ng maraming laruan"sabi ko.
Ngumiti ulit siya.
"Maraming salamat ulit sa pagliligtas sakin. Tatanawin ko yong malaking utang na loob"sabi ko saka ngumiti.
"Wala yun"sabi niya.
Tumango na ako at lumapit kay Trevor.
Nagwave na kami ni Trevor sakanila saka inalalayan niya ako papasok sa kotse niya. Umikot naman na siya at binuhay ang makina ng kotse. Napatingin Pa ulit ako kanila aling imelda na nakangiti saka kumakaway samin.
Ngumiti din ako saka nagwave ulit sakanila habang papalayo ang kotse ni Trevor sakanila hanggang sa makalabas na kami ng baryo nila at tinahak ang daan pauwi.
Tahimik lang ako habang nakatingin sa daan nang maramdaman Kong hinawakan ni Trevor yung kamay ko. Napatingin naman ako sakanya.
"Okay ka lang? Pupunta tayo sa hospital. Ipapacheck up kita"sabi niya.
Tumango naman ako at inalala ang lahat.
"Nasan nga pala si manong?"tanong ko nang maalala ko siya.
Lumungkot naman ang mukha niya habang nakatingin sa daan.
"Okay lang siya wag mo na siyang alalahanin"sabi niya.
"Gusto ko siyang makita"sabi ko.
Gusto Kong makita si manong. Gusto Kong masiguro na okay lang siya at walang nangyaring masama sakanya.
Naalala ko yung putok ng baril na narinig ko nung gabing yon.
"Wag na Vanna"sabi niya.
Nagtataka naman akong napatingin sakanya.
"Bakit?"tanong ko.
Napabuntong hininga naman siya bago magsalita.
"Wala na siya. Natagpuan siyang walang buhay sa tabi ng kotse mo nung gabing yun"sabi niya.
Halos takasan ako ng hininga sa narinig ko at parang bigla akong nanghina hanggang sa isa isa nang nagbagsakan yung luha ko.
"Gusto ko siyang makita please"sabi ko habang lumuluha.
Kung sumama na lang sana siya sakin nong gabing yon di sana hindi siya mamamatay.
Naalala ko nong mga panahong binibiro Pa ako ni manong pag ihahatid niya ako habang tawang tawa naman ako minsan sa mga kasunod niyang corny jokes. Kahit maikli lang yung panahon na nanilbihan siya sakin parang tinuring ko na siyang pangalawang ama ko. Minsan may mga turo siya sakin na nasasabuhay ko at hinding hindi ko makakalimutan yung mga yun.
"Tahan na. Alam Kong masakit pero kailangan nating tanggapin. Wag kang mag alala hindi titigil ang mga pulis hanggat hindi nila nalalaman kung sino ang may gawa nun sakanya at sayo"sabi niya.
Hindi naman ako umimik.
Pagkaraan ng ilang minutong byahe narating din namin yung manila Cemetery.
Kahit iika ika akong maglakad hindi Pa rin ako nag paawat. Gusto Kong makita ang puntod ni manong.
Nakaalalay naman si Trevor hanggang sa tumigil kami sa puntod ni manong.
Isa isa na namang nagbagsakan ang mga luha ko habang nakatitig sa puntod niya.
"Pangako manong. Gagawin ko ang lahat para makatulong sa mga anak mong naiwan. Hindi din kami titigil hanggat hindi namin nakikita ang taong may gawa sayo nito. Salamat po sa pagliligtas sakin noong gabing yun. Salamat po"sabi ko.
Pinahid ko naman ang mga luha ko at ngumiti sa puntod niya.
Alam Kong masaya na si manong kung nasan man siya ngayon. Wala nang sakit. Walang pagdurusa at paghihirap.
Pero tutuparin ko Pa rin yung pinangako ko. Makakamtan din namin yung hustisya.

***
I'm sorry sa slow update mga miloves. Babawi ako. Anyways don't forget to vote my story. Thankies. ツ

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon