IJO18-39

3.5K 75 1
                                    

Vanna POV
*We wish you a merry Christmas and a happy new yeaaarrr~~
Kantahan ng mga batang nangangaroling..
Natuwa naman kami at binigyan sila ng pera, candies at gift na laruan. Nagpasalamat naman sila at masayang umalis.
Dec. 24. Bisperas na ng Pasko mamaya. Dito kami magpapasko sa bahay nina Mommy at Daddy. Kadarating nila kahapon at sobrang namiss ko sila. Nandito sina Mama at Papa. May party din sa may pool area kaya nandito ang kaibigan ni Trevor at nandito sina Zy at Olive.
"Mangaroling din kaya tayo?"suggestion ni Olive.
Natawa naman kami nung batukan siya ni Zy.
"Sira. Ang tindi na talaga ng pangangailangan mo no?"sabi niya.
"Joke lang. HAHAHA"sabi niya saka tumawa.
Natawa din kami at nagpunta na sa may pool area.
Malawak naman ang pool area namin at kasya namin kami dahil dadating din yung ibang kamag anak nina Mom at Dad at ni Mama at Papa.
Gusto daw kasi nila akong makilala. Hihi.
Ayun lumipas ang ilang oras nagsidatingan na mga kamag anak namin. Nagpakilala naman ang bawat panig tapos pumunta na sa pool area.
Nakaalalay lang naman sa likuran ko si Trevor. Hindi ko na siya binigyan ng gift nun ngayon pasko ko na lang ibibigay. Haha.
11:59 na ng magcount down sila.
"10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1. MERRY CHRISTMASSS"sabay sabay naming sigaw.
Isa isa akong napatingin sa mga taong nandito. Masya ako dahil kahit hindi kami kompleto masasabi ko Pa ring kompleto na ang pasko ko.
Naramdaman ko naman ang mga bisig ni Trevor na yumakap sakin mula sa likuran ko.
"Merry Christmas misis ko"bulong niya sa tenga ko.
Napangiti naman ako at napaharap sakanya.
"Merry Christmas din"sagot ko.
Kinuhanan naman kami ni Olive ng picture. Ipapadevelop ko to at ilalagay sa photo album. Ito kasi ang unang pasko na kasama ko ang taong mahal ko at makakasama ko habang buhay.
Napangiti naman ako ng makita ang mga kaibigan Kong kasama ang kaibigan ni Trevor. Simula ng makilala ko siya naging kaibigan ko na din sila. Napatingin ako Kay Dale na nakatitig sakin at nakangiti.
Alam Kong balang araw makikilala din niya ang babaeng nararapat sakanya. Isang babaeng mamahalin siya at ituturing na hari ng puso niya.
Lumapit siya sakin at may binigay siyang regalo.
"Para sayo nga pala"sabi niya.
Tinanggap ko naman yun at napangiti.
"Wow. Salamat"sabi ko habang masayang nakatitig sa regalo.
"Ngayon ko na ibibigay yan kasi aalis na ako. Mamayang 5 ang flight ko papuntang London"sabi niya na ikinagulat ko.
Malungkot akong napatingin sakanya habang siya malungkot din na nakangiti.
"Aalis ka na? Pero bakit?"tanong ko.
"Mag aaral ako bilang isang detective. Pangarap ko kasi yun. Alam na ng barkada pero sinabi sakanilang ako ang magsasabi sayo"sabi niya.
Napabuntong hininga naman ako at niyakap siya.
Nakakalungkot. Si Dale Pa naman ang isa sa pinaka mabait Kong kaibigan. Lagi niya akong nililibre. Haha. Super close na kasi namin eh.
"Babalik ka Pa naman di ba?"tanong ko sakanya.
"Oo naman. Para sayo"sagot niya.
Napangiti naman ako at kumalas sa pagkakayakap. Pinunasan naman niya yung nangilid na luha sa mata ko.
"Lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sayo. Kung may problema ka tawagan mo lang ako o itxt. Hindi ka magiging istorbo sakin."sabi niya.
Tumango naman ako at niyakap ulit siya.
Marahil ay ito na ang huling pagkikita namin ni Dale. Nakakalungkot man na maikli lang ang panahon na pinagsamahan namin hindi ko naman maitatanggi na naging masaya akong nakasama siya.
"Kami din sali sa group huggg"saad ng mga kaibigan namin at nakiyakap din. Tawang tawa naman ako.
Nakikitawa na din yung mga nanonood samin.
Ilang sandali lang humiwalay na kami sa yakap at hinatid na si Dale sa kotse niya. Nag usap muna sila ni Trevor bago siya nag wave at nagmaneho paalis. Malungkot lang akong nakatitig sa kotse niyang papaalis.
"Waaahh. Papa Daleeee"tawag ni Olive sakanya habang umiiyak.
Maski sila naging close kaya Dale.
"Hay. Tutuparin nga talaga niya yung pangarap niya"sabi ni Lance habang may malungkot na tono.
"Oo nga. Sana magtagumpay siya"sabi naman ni Gab.
"Suportahan na lang natin siya"sabi naman ni Kiel.
Nanlambot naman ang puso ko sa mga sinasabi nila. Talagang mahal na mahal nila si Dale at tinuring na parang kapatid.
Bumalik na kami sa loob ako naman inaya si Trevor sa dati Kong kwarto para ibigay yung regalo ko. Pagpasok namin sa kwarto ko naupo agad ako sa kama ko noon. Natutuwa ako dahil kompleto Pa rin ang gamit ko dito at malinis din.
"Pang babae talaga"sabi ni Trevor habang nililibot ang mata s kabuuan ng kwarto ko.
"Ano sa tingin mo? Pang lalaki? Mukha ba akong lalaki?"masungit na sagot ko.
Natawa naman siya at lumapit sakin saka ako niyakap.
Kinuha ko naman yung maliit na black box sa may drawer ko at binigay sakanya yun.
"Para sayo"nahihiyang saad ko habang inaabot sakanya yun.
Kinuha naman niya yun saka binuksan at tumambad sakanya ang isang Rolex na Relo.
"Wow. Ang ganda naman nito. Limited edition?"tanong niya sakin.
Napansin ko kasi na minsan hindi na niya namamalayan ang oras kapag nasa nagtatrabaho siya sa bahay kaya naisipan Kong bigyan siya ng relo.
"Oo. Para sayo talaga yan"sagot ko.
Ngumiti naman siya at kinuha yun sa box saka sinuot. Nagningning naman ang mata niya habang nakatingin sa relo na nasa kamay niya.
Nasiyahan naman ako dahil nagustuhan niya.
Bigla naman siyang tumayo at lumapit sa may Bag namin at may kinuha dun tapos lumapit siya ulit sakin at naupo sa tabi ko hanggang sa iabot niya din ang isang maliit na pink box. Tinanggap ko naman yun at binuksan hanggang sa makita ko ang isang kwintas na may anghel na pendant.
Ang gandaaaa. Galante talaga tong mokong na to. Hahaha
Napatingin naman ako sakanya habang nakangiti.
Kinuha naman yung kwintas tapos pumunta siya sa likuran ko para isuot yun sa leeg ko.
"Alam mo. Ito ang unang beses Kong magbigay ng regalo sa babaeng mahal ko. Special tong pendant na to dahil ako Pa mismo ang gumawa niyan. Pinaghirapan ko yan kaya wag mong iwawala."sabi niya.
Nanlambot naman ang puso ko sa sinabi niya. Pinaghirapan niyang gawin para sakin. Kyaahh. Kenekeleg eke. Hehehe
Napangiti naman ako at dinama yung kwintas sa leeg ko matapos niyang ilagay yun. Napatingin naman ako sakanya habang nakatitig lang sakin.
"Salamat."sabi ko saka siya hinalikan at niyakap.
"Basta para sayo gagawin ko lahat para sa ikasasaya mo."sabi niya saka hinaplos ang buhok ko.
"Pangako iingatan ko to"sabi ko.
Napangiti naman siya at hinalikan ako. Nagrespond din naman ako sa halik niya.
Sa halik Pa lang niya. Alam Kong sinasabi niyang mahal niya ko.
Isa na naman itong magandang senaryo na lagi Kong tatandaan at ilalagay sa puso ko.
Trevor Johan Villegas. Mahal na mahal kita. Te amo<3

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon