IJO18-35

3.7K 70 1
                                    

Vanna POV
Gabi na at nandito lang ako sa loob ng Nipa. Hinatidan ako kanina nina Zy ng pagkain for lunch. Mugto naman ang mata Kong pinagbuksan sila ng Pinto kanina. Inaaya din nila akong lumabas pero ayoko. Gusto Kong mapag isa saka ayoko munang harapin si Trevor. Hindi ko Pa rin makalimutan yung masasakit na salitang binitiwan niya kanina. Hay.
Anyways ayun. Nanonood lang ako ng may kumatok sa Pinto. Tumayo naman ako at pinagbuksan yun. Pagbukas ko mukha ni Dale ang nakita Kong nakatayo sa may Pinto.
"Hi"bati niya saka ngumiti.
"Hello? Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.
"Gabi na kasi baka nagugutom ka na"sagot niya.
Buti Pa siya nag aalala sakin hindi kagaya nung Playboy na yun. Wala talagang pakealam. Huhuhuhu
"Magdidinner na ba?"tanong ko.
"Oo eh. Lika na kaya kawawa naman si baby di Pa kumakain"sagot niya.
Tumango na lang ako saka naglakad. Inaalalayan naman niya ako habang papunta kami sa ilalim ng puno ng mangga. Napangiti naman sila ng makita ako. Ipinaghila naman ako ni Dale ng upuan saka naupo sa tabi ko.
"Buti naman makikisabay ka na Vanna. Wag mo na lang isipin yung sinabi ni Trevor. Baka mainit lang talaga ang ulo niya"sabi ni Lance.
Sumikip naman yung dibdib ko nang maalala na naman yun.
"Okay lang. Nawalan na siguro siya ng pasensya dahil sa pagtataray lagi sakanya"sagot ko saka ngumiti ng peke.
Nagsimula na kaming kumain nang dumating si Trevor. Natahimik naman kaming lahat habang nakatingin lang sakanya. Naupo siya sa tabi ni Kiel saka kumuha ng pagkain. Biglang nangilid yung luha ko dahil ni tingin hindi niya man lang maipukol sakin.
Ano kayang nagawa ko para manlamig siya sakin? Wala naman akong kasalanan eh. Siya nga tong napaka landi akala mo hindi kasal eh. Huhuhu.
Pinigilan ko na lang ang luha ko at kumain kahit nawalan ako ng gana. Pagkatapos naming kumain nagpasya na akong bumalik sa Nipa. Pagkarating ko dun sinara ko agad yung Pinto at nilock saka naupo sa kama at napahinga ng malalim.
Masyado nga siguro akong naging mapanakit kaya siguro naubos na ang pasensya niya sakin. Huhu.
Anyways yun nahiga na lang ako sa kama at pumikit kahit nasasaktan. Ano nga bang magagawa ko? Lumalayo na siya saken. Ibig sabihin nagsawa na siya. Kainis siya. Matapos niya akong pakiligin at ako naman itong si marupok nahulog din sasaktan niya lang. Huhu buset siya.
Naiyak na lang ako at di ko namalayan nakaidlip na pala ako hanggang sa magising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa dagat. Mukhang may nagaganap na party malapit sa dagat. Pinikit ko ulit ang mata ko pero wala epek na. Hindi na ako makatulog. Waahh.
Nagpasya na lang akong bumangon at lumabas. Nakita ko naman yung bonfire area. Umaapoy Pa yung mga kahoy nung iwanan nila. Mukhang nagpaparty din sila. Lumapit na lang ako don at naupo sa kahoy saka napatulala sa apoy.
Bigla Kong nakita yung sarili ko sa apoy. Mag isa. Walang kasama at nasasaktan. Paulit ulit Kong tinatanong yung sarili ko kung bakit siya biglang nagbago sa pakikitungo saken. Masyado siguro akong naging rough sakanya kaya lumayo na ang loob niya at nawalan ng pasensya.
Hay Vanna. Bakit ba kasi nagpapakipot ka pag nanlalambing siya? Yan tuloy napala mo. Iniwasan ka na niya. Huhu. Ang shaket.
Nagmumuni Muni lang ako ng may biglang tumabi sakin. Napalingon naman ako saka nagulat nang makitang siya yun. Hindi tuloy maawat yung puso ko sa lakas ng kabog na parang tinatambol.
Omg. Bakit ba ako kinakabahan gayong nasa tabi ko siya? Huhu
Hindi siya nakatingin sakin bagkus nakatulala lang din sa apoy.
Ano bang ginagawa niya dito? Baka laitin na naman niya ako at pagsabihan ng masasakit kaya dapat umalis na ako. Tama.
Napabuntong hininga ako saka tumayo at naglakad. Nakakailang hakbang Pa lang ako ng bigla niyang hinigitin ang kamay ko kaya napaharap ako sakanya.
"Bakit? May kailangan ka ba?"malamig na tanong ko.
Napahinga naman siya ng malalim saka tumitig sa mata ko.
"Pwede ba tayong mag usap?"tanong niya habang seryosong nakatingin lang saken.
Tumango naman ako saka naunang naglakad patungong bonfire sumunod naman siya. Naupo na ako at hindi umimik. Siya ang gustong makipag usap di siya ang unang magsalita di ba? Hehe
"I'm sorry sa sinabi ko kanina"panimula niya.
"Hindi ko naman sinasadya. Nadala lang ako ng init ng ulo ko"sabi ulit niya.
Hinawakan niya yung kamay ko at tumitig sa mata ko.
"Nagalit ako dahil nakita ko kayong magkayakap ni Dale. Dahil dun nagsuntukan kami kaya mapapansin mong may mga pasa sa mukha namin. Nainis ako dahil sa sinabi niya. Gusto ka niya Vanna at natatakot akong mawala ka saken"sabi niya saka tumungo.
Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya.
Natatakot siyang mawala ako. Anong ibig niyang sabihin?
Binitiwan niya bigla ang kamay ko saka tumayo at nilahad ang palad niya. Nakatingin lang ako sakanya.
"Pwede ba kitang isayaw?"tanong niya bigla saka napangiti.
NP: Can't help falling inlove
Kahit hindi ko alam ang dapat na maging reaksiyon inabot ko Pa rin ang palad ko sakanya at umikot siya saka niyakap ako mula sa likuran.
Hindi naman maawat sa pagtibok yung puso ko at pagpula ng pisngi ko.
Nagsimula na siyang sumayaw habang ako Ay sumusunod lang sa mga galaw niya. Marahan ang bawat hakbang niya na parang iniingatan ako sa bawat balanse niya. Ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa tenga ko na nagbibigay ng mala kuryenteng pakiramdam.
"Naalala mo ba noong unang kitang isayaw sa reception ng kasal naten? Pakiramdam ko noon wala lang lahat ng yon na pagkatapos non parang balik ulit sa dating Gawain pero hindi. Unti unti akong nagbabago pero hindi parin maalis saken yung pagkikipag flirt sa ibang babae. I'm sorry kung minsan nadidisappoint kita dahil sa ugali ko. Noon kasi hindi ko Pa nararamdaman to"mahabang litanya niya.
Tahimik lang ako habang sinasamsam ang bawat sandali. Ang bawat pagpintig ng puso ko sakanya.
Ramdam ko din na ang lakas ng kabog ng dibdib niyang tumatama sa likuran ko.
Inikot naman niya ako at hinarap sakanya.
"Handa na ako Vanna. Sigurado na ako sa nararamdaman ko. Yung pakiramdam na masaya sa twing kasama kita. Yung pakiramdam na nagseselos sa twing may nagpapasaya sayong iba. Yung pakiramdam na parang lumulutang ako sa ulap masilayan lang ang matatamis na ngiti mo. Handa na akong harapin ang bukas na kasama ka dahil mahal kita"sabi niya habang nakatitig lang ng diretso sa mga mata ko.
Nababasa ko sa mga mata niya na totoo siya sa sinasabi niya.
Bigla namang nangilid ang luha ko hanggang sa isa isa na yong nagbagsakan sa pisngi ko. Nag uumapaw na kaligayahan ang nararamdaman ko at kahit wala akong masabi halata naman sa ngiti ko na masaya ako. Masaya ako dahil ito na. Sa wakas naging parehas din kami ng nararamdaman.
"Hindi ko kayang mawala ka saken Vanna. Kayo ng magiging baby naten. Mahal kita at gagawin ko ang lahat maprotektahan lang kita."sabi Pa niya.
Niyakap ko naman siya habang napatingala ako sa lahat at nagpasalamat.
"Naniniwala akong makakaya mo akong protektahan. Akala ko hindi na dadating ang pangyayaring to. Nais Kong malaman mo na mahal din kita. Na parehas tayo ng nararamdaman"sagot ko saka napangiti habang lumuluha.
Tears of joy na to.
Humiwalay ako sa yakap at napatitig sakanya. Pinahid niya ang luha sa pisngi ko saka tumitig sa mata ko at napangiti at tanging ang mga mata na lang namin ang siyang nag uusap.
"Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buong buhay ko."sabi niya saka hinawakan ang pisngi ko.
"At kahit saan ka magpunta susundan kita. Hahawakan ko lagi ang kamay mo para di ka makuha ng iba. Mahal kita Vanna"sabi niya.
Napangiti ako at dinama ang init ng palad niya.
"Mahal din kita"sagot ko saka napangiti.
Dahan dahan naman niyang nilapit ang mukha niya hanggang sa maglapat ang mga labi namin.
Saksi ang dagat at buwan sa pag iisa ng damdamin at pag iibigan naming dalawa.
Hindi man mala fairy-tale ang takbo ng kwento ko masasabi ko namang ito na ang pinaka magandang kwento ng buhay ko. Ang sabay naming harapin ang magulong mundo ng magkasama.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon